The Neighbour(tama spelling haha)

352 30 6
                                    

Marko POV

I'm sitting comfortably on my room when someone knock on the door.

"Bukas yan pasok kana lang." Sabi ko kahit hindi ko pa kilala kung sino ang kumakatok.

Hindi din nagtagal eh pumasok nga si Rita yeah si Rita yung kumakatok.

"Hmm bakit may kailangan ka ba?" Tanong mo habang nakatingin sa kanya.

"Hmm wala naman po sir gusto ko lang kasi po sanang itanong kung ok lang kayo? Sabi niya habang magkasugpong ang mga kamay niya.

"Ikaw pa talaga ang nagtanong sa akin niyan eh ikaw nga tong tinulak ni Vee." Sabi ko habang nakatingin sa kanya.

"Hindi naman po siguro sinasadya ni mam yun." Sqbi pa niya tss sobrang bait talaga niya.

"Well hindi ok sa akin yun anyway ok ka lang ba hindi ka ba nagkasugat?" Tanong ko

"Ahm medyo lang naman po maliit lang." Sabi niya sabay pakita ng kamay na nasugatan.

Hinablot ko agad ang kamay niya and nakita ko nga ang gasgas sa kamay dala ata ng pagkakatukod niya.

"Tsk bat hindi mo agad sinabi na may sugat ka dapat ginagamot na to paano pag na infection to." Sabi ko na punong puno ng pag aalala tama naman ako diba what if mainfect yung sugat niya.

"Sir Marko gasgas lang po yan ok lang ako." Sagot niya na para bang natatawa pa.

"Tsk wag mo nga akong pagtawanan diyan ka lang gagamutin ko pa yang sugat mo." Sabi ko at dumiretso na sa banyo para kunin ang first aid kit.

Kinuha ko agad ang may sugat niyang kamay para gamutin kumuha lang ako ng bulak at akmang lalagyan ko na ng alchol ng bigla siyang umiwas.

"Wag yan sir Marko masakit yan please." Sabi niya na parang papaiyak na.

"Pero Rita kailangan nating gamutin yang sugat mo kung hindi maiinfect yan gusto mo ba yun." Sabi ko na parang nananakot ng bata.

"Kahit pa hindi pa din ako magpapalagay ng alcohol." Sabi niya habang inilalayo pa din ang kamay sa akin.

Hindi ko maintindihan pero habang tinitignan ko siya hindi ko maiwasang macutean sa kanya dapat naiinis ako sa pagiging childish niya.

"Ok sige hindi na po betadine na lang ok na ba yun baby Rita." Sabi ko hindi ko maiwasang hindi siya tawagin ng ganun hahaha ang cute niya kasi talaga.

"Ano pong tinawag niyo sa akin?" Tanong niya na halata ang pagkaasiwa sa mukha.

"Baby para ka kasing bata dahil takot ka sa alchol." Sabi ko na lang habang tatawa tawa lang.

Kinuha ko na ulit ang kamay niya at sinimulan ng pahidan ng betadine. Hindi ko namalayan na magkalapit na pala ang mukha naming dalawa. Napaiwas na lang ako ng mapansin kong umangat ang ulo niya hayss muntik pang magdikit ang labi namin.

------------
Rita POV

Sinimulan ng linisin ni sir Marko ang sugat ko gamit ang betadine. Nakatingin lang ako sa kamay ko na ginagamot niya hindi ko kasi kayang tingnan ang mukha niya naiilang pa din kasi ako pag naaalala kong tinawag niya akong baby. Mula sa pagkakatitig ko sa kamay ko eh hindi ko naiwasang iangat ang ulo ko at nagulat na lang ako ng muntik ng magtama ang mga labi namin ni sir Marko naman! Muntik nanaman kaming magkiss. Binawi ko na agad ang kamay ko at nagpaalam na agad.

"Ah sir Marko ano po thank you sa pag gamot sa akin aalis na po ako may gagawin pa po kasi ako." Sabi ko at agad agad ng tumakbo palabas hindi ko na inantay kong ano pang sasabihin niya.

Pagkababa ko ay hindi ko maiwasang mapahawak sa dibdib ko naguguluhan ako hindi ko alam kung gusto ko lang ba siya o mahal na pero kasi ang bilis naman eh hays ewan.

"Oh Rita andiyan ka pala buti nakita kita pwede bang pasuyo ng basura dadaan na kasi ang truck maya maya." Sabi sa akin ni manang Lucia.

Tumango na lang ako at agad agad ng tumungo sa kusina para kolektahin ang basura maganda na ding may ginagawa ako para hindi ako napag iisip ng kung ano ano.

Dali dali kong nakulekta ang basura at inilabas ko na ito ng mansion panigurado maya maya lang ay may mangongolekta na nun.

Habang inilalagay ko sa drum ang plastic ng basura eh napansin kong may mga naghahakot ng gamit sa katapat naming bahay mukhang mga bagong lipat lang kasi ang alam ko matagal ng walang nakatira sa bahay sa tapat.

Nakatingin lang ako sa mga naghahakot ng gamit papasok ng bahay sa tapat ng may humintong kotse sa tapat ng bahay. Hindi nagtagal eh may lumabas na isang lalaki siguro kaedaran lang siya ni sir Marko gwapo maputi at mukhang may lahi.

Akmang papasok na ako ng bahay ng humarap sa akin yung lalaking mukhang may lahi. Ewan ko ba imbes na pumasok ako eh mas napatitig pa ako sa kanya.

Nagulat ako ng magsimulang humakbang papalapit sa akin yung lalaki hala ka.

Mayamaya pa ay nasa harapan ko na siya.

Pagtapat sa akin eh ngumiti agad siya.

"Hi i'm new here my name is Edward what about you." Sabi niya habang nakalahad ang kamay sa akin.

Na patay na english speaking pa pala tong kapitbahay namin tss nung una nagdalawang isip ako kung aabutin ko ang kamay kaya lang eh baka sabihan akong bastos tsaka mukha namang mabait siya kaya inabot ko na lang ang kamay niya.

"So can i know your name?" Tanong ulit niya.

Hay pano ba to sabi niya name diba.

"Ah Rita my name is Rita." Tama naman diba sabi niya name eh.

"Oh nice to meet you Rita." Sabi sabay ngiti ulit kaya nginitian ko na din siya.

Nasa ganun kaming posisyon ng may biglang nagbukas ng gate kaya napabitaw ako sa kamay ni Edward ata.

Paglingon ko eh nagulat pa ako ng makita ko si sir Marko ang sama ng tingin niya parang galit na ewan hays ano nanaman kayang problema niya.

"Sino yang kausap mo Rita." Sabi niya sa bugnot na bugnot na boses.

"Ah bagong kapitbahay natin sir Marko." Sabi ko.

"Tss bagong kakilala mo lang pala kung makaarte ka parang close mo na yan." Sabi pa niya habang nakakunot ang noo.

Tss hala siya ano kayang problema nito bigla nanamang tinopak.

"Eh nakikipagkilala lang naman siya sir." Paliwanag ko pa.

"Whatever halika na pumasok na tayo madami pa tayong gagawin." Sabi ba niya sabay hila sa kamay ko papasok.

Bastos talagang bata to.

"Nice to meet you Edward!" Sigaw ko dahil hila hila na ko ni sir Marko.

"Not so nice to meet you daw!" Sigaw din ni sir Marko.

Hays topak talaga ewan ko sa kanya pero masaya naman akong may bago na akong kilala si EDWARD.










&----&----&

A/N : Ayan po another update from author so alam na lahat na ang new character is Edward lol hope you like this chappy honestly nahirapan ako if edward or aizan but i end up choosing Edward i dont know i just enjoy the video where e and r was washing the dishes so yun enjoy :)

Love Knows No BounderiesWhere stories live. Discover now