Pang-lima

79 2 0
                                    

Last chapter guys. Thanks for reading! Lots of love.



PANG-LIMA

Di ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko. Hindi mawala sa isip ko yung mga nangyari kanina. Nabuko kami. May nakakita samin. At ngayon di ko na alam ang gagawin ko, or kung saan ba ko pupunta o ano ng mangyayari. At ang sakit. Ang sakit kasi ang layo na ng narating ko pero walang Gab na humabol. Walang Gab na yumakap sakin at inalo ako. I'm all alone. At ang sakit. Ang sakit-sakit.

Napatingin ako sa boteng hawak ko na wala ng laman. Ang lakas ng music dito sa club pero hikbi ko pa rin yung naririnig ko. Marami ngang tao pero pakiramdam ko mag-isa lang ako sa madilim na lugar na to. Nakakatawa.

"Waiter, isa pang bottle." Di ko alam kung maayos pa ba ang pagsasalita ko o kung naintindihan pa ba ako ng waiter. Gusto kong makalimot. Gusto kong mawala ang sakit. Gusto kong malunod at tuluyan na lang mawala ang saket na to na parang bula.

"Here Mam!" Di na ko nagpasalamat sa waiter. Tutunggain ko na sana yung alak na binigay niya ng may biglang pumigil sa braso ko. I was about to snap out at him kaso naunahan niya ko.

"What?! Gonna kill youself through your kidneys? Bakit hindi ka na lang maglaslas? Or uminom ng lason? Mas mabilis kasi yon." It takes time for me to realize kung sino yung lalaking naglakas loob na pumigil sakin.

"Elijah Jimenez!" Napangiti ako ng mapait. Dinuro ko siya. Di ko alam kung anong sasabihin ko. Nagkabuhol-buhol na sa utak ko yung mga salitang gusto kong sabihin. Kaya yung duro, naging maliliit na suntok. At di ko alam bakit niya sinasalo. Kase alam ko namang di para sa kanya yung mga suntok na to. Kay Gab. Kay Gab dapat ang mga suntok na to. Si Gab. Naalala ko na naman yung mga nangyari kanina. Maya-maya'y di ko na napigilan ang mga luha ko na kakatuyo lang.

"Shh." Naramdaman ko na lang ang mainit niyang bisig na nakayakap na sakin.

"Bakit Ej? Bakit nangyayari to sakin? Bakit sakin pa?" Patuloy lang siya sa paghagod sa likod ko.

"Kabit na may class? Ha! Yun ang tingin nila sakin Ej! Ako ang nauna! Bakit ako yung kabit? Ako yung girlfriend bago siya nabuntis! Ako dapat yung legal diba? Ako dapat yung nasa pwesto niya diba? Ako dapat yung nakahawak sa braso ni Gab! Ako dapat yung pinakasalan! Ako dapat yung misis! Ako. Kase ako yung nauna diba? Ako dapat yun Ej! Ako dapat!" I lost control. Ayoko na. Ang sakit na masyado.

"Nath, they're married for pete's sake!" Napatingin ako kay Elijah. Yes. They are married. Sa papel. Sa mata ng mga tao.

"Pero ako yung mahal. Sabi ni Gab ako yung mahal niya. Sabi niya mahal niya ko. Kung di naman niya nabuntis yon, ako yung nasa pwesto na yon Ej. Ako dapat." Parang naubos ang lakas ko. Yun naman talaga ang sabi niya diba? Yun yung sabi niya!

"Look at me Nathalie." Hinawakan ni Elijah ang magkabila kong braso. I'm tired as hell.

"Kung mahal ka niya, dapat walang Celine. Kung mahal ka niya, wala dapat siyang anak sa ibang babae. Kung mahal ka niya, di ka niya gagawing kabit at itatrato na para kang cheap na babae. Kung mahal ka niya, di ka niya ilalagay sa ganitong sitwasyon. At kung mahal ka niya, sana nandito siya. Sana hinabol ka niya. Naiintindihan mo ba ko? Kung mahal ka niya, di ka niya ilalagay sa sitwasyon na to." Lalo akong nanghina dahil sa sinabi ni Elijah. Para akong sinampal ng kaliwa't kanan. Nakakapanghina. Nakakapanghina kase may punto siya. Nakakapanghina kase alam ko lahat ng yon, pero nagbulag-bulagan pa din ako. Nagpabulag ako sa pagmamahal na kala ko sakin.

"Nathalie?"

Ano bang nagawa kong masama para mangyari saken to?

"Nathalie!"

Secret LoveSongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon