Pasimula

1.2K 11 3
                                    

Kinapa ko ang tabi ko. As usual, wala na namang tao. Napadilat ako. Kailan ba ako masasanay? Kailan ba ko masasanay gumising ng wala siya? Kailan ba ko masasanay sa ganitong sitwasyon?Napabangon ako para punasan ang kumawalang luha sa mga mata ko. Lagi na lang.


*bzzzt.bzzzt*


Napatingin ako sa nagvibrate na phone ko. Agad kong kinuha yun.


Love:

Umuwi ako ng maaga. May sakit si Junior. See you later. Love you.



Tinitigan ko lang ang text niyang yun. Siguro kung nasa ibang sitwasyon kami, kinikilig na siguro. Pero hindi. Iba ang sitwasyon namin. Wala kami sa sitwasyon kung saan mananatili siya sa tabi ko kung gusto ko.  Hindi siya mananatili kahit magmakaawa ako. Bakit siya mananatili sa tabi mo Nathalie? Bakit siya mananatili sa tabi mo gayong may pamilya siyang naghihintay? Bakit siya mananatili sa tabi mo kung inaantay siya ng anak niya? Bakit siya mananatili sa tabi mo? Eh hamak na kabit ka lang naman.

Secret LoveSongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon