Chapter 2 : Deadly Mission

Start from the beginning
                                    

As usual nang makarating kami sa table namin, si Chord na ang umorder ng lunch. Kapansin-pansin ang katahimikan sa buong cafeteria. Nakakapagtaka, di naman badmood si chord at wala naman si Hurricane Shane. Dont tell me andito si Cooper The Mongol? 

"Guess who?" Bahagya akong napabalikwas nang bigla na lamang may mga kamay na tumakip sa mata ko.

"Ikaw ang taong mapapatay ko sa araw nato" Banta ko at agad na kinurot ang kamay niya kayat agad siyang napabitaw sa akin habang sumisigaw.

"Aray naman Puma! Ganyan ka ba kapag kinikilig? Nangungurot?" As expected, si Luigi na naman. Si Luigi ang class president namin at hari ng kababuyan dito sa campus. Every week iba-iba ang girl na nilalandi at ka-holding hands. Landi much. I wouldnt be surprised if one day magkaka-herpes siya.

"Ikaw Andy Lim, guess who?" Biro ni Luigi kay Dilly kayat ngumiti na lamang siya kahit alam kong medyo nainis dahil minention ni Luigi ang whole name niya.

"Ikaw yung kulang sa pansin" Dilly answered with a smile kayat tumawa lang si Luigi at agad na itinaas ang palad ni Luigi para mag high-five sila. Kahit na anong insulto ni Dilly basta't nakangiti siya, wala talagang iinit ang ulo. He looks like an angel.

Napabuntong hininga ako at paulit-ulit na hinampas ang mga daliri ko sa mesa.

"May problemado ata ah?" Dilly asked.

"Hulaan mo Dilly" Biro ni Luigi ngunit inisnaban ko lang siya.

Pinagmasdan ko si Chord na parang nagsho-shopping na ng pagkain. Ang dami ng mga pagkaing nasa tray niya pero for sure siya lang makakaubos niyan lahat. Kahit di pa niya ito nababayaran, nakita kong nilamon na niya ang embutidong nasa kamay niya. He chews with his mouth open. He's so gross! 

"I dont want to marry that guy...." Basta-basta na lamang itong lumabas sa bibig ko.

"Ha sinong ikakasal?" tanong ni Luigi na halatang nagulat sa sinabi ko.

"Puma anong ibig mong sabihin?" tanong naman ni Dilly.

Inihiga ko na lamang ang ulo ko sa table dahil sa matinding pagka-depress, "Mom and Dad said na if i turn 18 at wala pa akong boyfriend at wala pang girlfriend si Chord, ipapakasal daw nila kami sa isa't-isa"

Tumawa lang si Dilly samantalang si Luigi naman may pagulat-gulat effect pa kasi nanlaki ang mga mata niya.

"At papayag ka naman? Puma paano na tayo?! Paano na ang PUGI Ship?!" Nagulat ako nang biglang nag-hysterical ang ugok na si Luigi. Im aware na oa ako but this guy, mas oa pa siya sa akin!

"Pugi? hahaha" Tanong ni Dilly na tawa parin ng tawa.

"Yup! Puma + Luigi = Pugi. Best math equation ever" Luigi said and smirked at me.

I just rolled my eyes at umayos nalang sa pag-upo. Sa sobrang badtrip ko ngayon, wala na yatang mas lalala dito kahit na asarin pa ako ni Luigi.

Chasing HurricaneWhere stories live. Discover now