Chapter 2 : Deadly Mission

Start from the beginning
                                    

“Puma Fletcher! Where are your manners? Wag na wag mong bubugahan ng tubig ang kahit na sino!” Sermon ni mommy habang binupunasan ang mukha ni Daddy.

“Pasalamat kayo at hindi apoy yung binuga ko! What the hell Dad?! Ipapakasal mo ako sa unggoy na yun?! Chord is nuts! Takas siya sa impyerno! He spends most of his time playing online games! Nakakalimutan niyang maligo and he doesn’t even put gel on his hair! Dad! Chord doesn’t even know the difference between Your and Youre! Do you really want to see me in jail?!” Hindi ko na napigilan ang sarili ko’t nagsisigaw na ako sabay sabunot sa sarili.

“Anak masyado ka namang OA, wala naman kaming sinabing kasal” Mom said nonchalantly as if she was bored with what I said.

“Pero parang ganun narin yun! Sa mga books at pelikula ganyan yan nagsisimula eh! Ia-arrange marriage tapos.. tapos. Huhuhu. Dad you don’t do this to meeee! Para mo na akong iniaalay sa demonyo!” Kulang nalang talaga lumuhod na ako at umiyak sa harapan niya. Holy Rambutan, I cant be with chord! Hindi siya ang prince charming ko!

“Baby, you have known Chord since you were kids. May tiwala na kami sa kanya plus he cares for you. He’s a good kid”

Napakamot na lamang ulit ako sa ulo ko, “But Dad pwede namang si Dilly diba? Mas matatanggap ko pang si Dilly ang mapapangasawa ko!”

“Again anak wag masyadong exaggerated .hindi kasal agad. About Dilly, We like him pero he’s blind and to be honest mahihirapan ka sa kanya, your life will be difficult. Just think about it okay?”

------------------------

Kinabukasan, wala ako sa mood na lumabas ng lumabas ng classroom nang marinig ko ang bell hudyat na lunch time na. Hindi ko na hinintay yung other friends kong girls kasi nagme-make up pa sila. Nagtuloy-tuloy na ako papunta ng cafeteria

“PumaPatay! PumaPatay!” I heard Chord screaming for me pero di ko siya nilingon. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

“Hoy nabingi ka na ba? Kanina pa kita tinatawag!” Sigaw ni Chord na humihingal nang maabutan niya ako ngunit tiningnan ko lang siya.

“Oh ano problema mo? Nilalagnat ka?” He asked at agad na dinami ang palad niya sa noo ko.

“Hindi nakakasawa lang-------------“ Hindi ko na natapos pa ang sinasabi ko kasi bigla na lamang akong hinila Chord papunta sa likuran ng trashcan. Ang loko pinayuko pa niya ako kahit nakapalda ako!

“Bilis tago!” Utos ni Chord habang tumatawa.

“Adik bakit ba anong meron?” Tanong ko habang nagtatago kaming dalawa dun.

“Shhh! Baka mahanap tayo ni Dilly” Sita sa akin ni Chord habang ini-extend pa ang leeg niya para tanawin si Dilly kayat agad ko siyang binatukan.

“He’s blind you Idiot!" Tumayo ako't lumabas sa pinagtataguan namin at agad na nilapitan si Dilly upang magabayan siya patungong cafeteria. Dilly says kaya niya ang sarili niya which is true kasi he can pretty much take care of himself since bata pa siya nang mabulag siya pero he's like a brother to me kayat hindi ko maatim sa sarili kong wag siyang tulungan.

Chasing HurricaneWhere stories live. Discover now