Welcome to Nightlife

Start from the beginning
                                    

"How's the trip sis?" Nakangising tanong ni Santy sa akin matapos niyang tanggalin ang helmet niya pagkababa namin sa motor.

At may gana pa siyang magtanong huh? Inirapan ko siya at walang salitang inayos ang buhok ko at damit ko na parehong nagusot sa bilis ng pagpapatakbo niya. Nagpatiuna na din akong maglakad.

"Whoah! Think you have a nice trip." Himig pang aasar pa ding tukso nito sa akin at sumabay na sa paglalakad ko. Hindi ko na lang siya pinansin, nakakapagod siyang kausap.

"ID niyo Ma'am, Sir." Hinarang kami ng bouncers.

"Oh come on man, I have been a customer here for years, still you can't remember my face? tsk tsk. Let us in or else I'm going to call your manager."

Napaismid ako sa tinuran ni Santy, yabang ng loko ang galling pang mg imbento. Tignan nga natin kung makalusot to.

"Sir, wag niyo na po akong englishin, wala po kaming pakialam kung sampung taon na kayong customer ditto. Lahat po ng customer namin, bago man o parokyano ay hinihingan talaga namin ng ID. For legit reasons po Sir ilabas niyo na lang ID niyo or kahit driver's license niyo para wala tayong problema."

Patay! Mukhang madadali ata kami ditto. Ako may legal ID cause I'm 19 na, si Santy ang alam kong wala dahil barely minor pa siya at 17. Bakit ba hindi ko to naalala kanina, besides may motor pa siya wala pa pala siyang license.

"Santy tara na. Umuwi na lang tayo." Hinila ko na si Santy.

"Hey wait sis." He gave me his most famous smirk.

"Who told you that we're going home? We're here to party so I'll give them what they want from me."

Hindi ko ata nagugustuhan ang tono ni Santy.

"Santy, ayoko ng gulo ha? Masasapak kita. Umuwi na tayo!" May pinalidad sa tinig ko hoping that I can scare my little devil brother with my voice. Pero ang gago tinawanan lang ako.

"You're sipping too much coffee in the morning sis, hahaha! I just said I will give them what they want from me, so I will give them my ID." Nakita ko ngang may inilabas na ID si Santy.

Napailing ako, anong ID naman kaya ang ibinigay niya? Highschool ID niya? Patawa talaga tong kapatid ko. Ngali ngali ko na talaga siyang hatakin paalis nang magsalita ang bouncers.

"Ikaw Miss?"

"Po?" Naku ito na, baka ipahuli kami sa pulis dahil sa pagbibigay ni Santy ng minor ID niya, jusko! Madadamay pa ako sa eskandalo, hindi ko mapigilang mamutla at manlamig.

"ID niyo." Nakahinga ako ng maluwag.

"Relax." Kinindatan pa ako ng loko.

Inis na binitawan ko ang kamay ni Santy at mabilis na hinagilap ang ID ko sa dala kong bag at pinakita sa guards.

"Sige, pasok na kayo."

Halos hindi ko na narinig ang tinig ng guard dahil hinila na ako sa loob ni Santy.

"How did you do that?!" Pasigaw na sita ko sa kanya dahil masyadong malakas ang music sa loob.

"Did what?" Ganting sigaw niya sa akin na akala mo ay inosente.

"Faking your age para makapasok tayo?" Nakasigaw pa din ako.

"Sssh, somebody might hear you sis." Dagli niyang natakpan ang bibig ko pero mabilis ko ding pinalis ang kamay niya. Sinamaan ko nga ng tingin.

"Tss. I have a fake legal ID back in US that I always use when times like this comes. Pero bihira ko ding magamit yun, madalas kase sagot ako ng mga friends ko dun. Isn't it great?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PainFul GoodBye(On-Going)Where stories live. Discover now