41: Ghost From the Past

Magsimula sa umpisa
                                    

Isasara ko na sana ang pinto nang nakita ko si Yadira na nakadungaw sa metal na handrail sa tapat ng silid ko. Kita mula doon ang courtyard at mukhang nanonood siya sa mga nag-eensayo doon.

Naramdaman n'ya siguro na may nakatingin sa kanya kaya lumingon s'ya sa direksyon ko. Seryoso ang mukha n'ya at mukha pa siyang malungkot.

Napahinga ako ng malalim. Ayaw ko muna siyang kausapin kahit na alam ko ang hitsura n'yang 'yan. Mukhang may pinoproblema siya.

I suddenly closed the door. Hindi ako ang dapat na kausapin n'ya tungkol sa problema n'ya ngayon. I still felt betrayed by her. Ayokong pagsalitaan pa s'ya ng masasakit na salita dahil ayokong mas lumala pa ang bigat na nararamdaman n'ya.

Pabagsak na lamang akong nahiga sa napakalambot na kama. Ang laki n'on kaya kahit na mag-somersault ako dito ay hindi ako malalaglag.

Naisip ko tuloy ang dati naming buhay, noong nabubuhay pa ang mga magulang namin. We were not this rich pero talagang maganda 'yung condo namin.

I hugged my white pillow. Gusto ko nanamang umiyak. Unang-una, nami-miss ko uli sina Mommy at Daddy. Pangalawa, nami-miss ko ang mga naiwan ko sa Hellville lalung-lalo na si Titus.

Kumusta na kaya siya ngayon? Ano kaya ang ginagawa n'ya?

Tumingala ako at nakipagtitigan sa napakagandang chandelier. If only my life could shine as brightly as this fancy and dazzling chandelier, then perhaps I wouldn't feel like I was navigating through darkness filled with unseen dangers.

Dangers. I hoped Hellville would be safe. By now, Turned vampires would have run away already.

Matagal akong nag-isip at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako nang may naramdamang nagsusumiksik sa gilid ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at tiningnan kung ano 'yun. Napangiti na lang ako nang makita sina Rianah at Max sa magkabilang side ko. Pareho silang tulog at dikit na dikit sa akin.

Napahinga na lang ako ng malalim habang pinagmamasdan silang dalawa. Sila na lang ang meron ako ngayon kaya aalagaan ko silang mabuti.

And I realized that their blood was not as tempting anymore. Napangiti ako. If not under pressure, mas madali palang makontrol ang bloodlust. Sana magtuluy-tuloy na ang mabubuting nangyayari.

---

Isang linggo ang matulin na lumipas. Napag-alaman ko na abala pala masyado si Orpheus sa kanyang pagiging presidente ng ISOP. Marami siyang problema na inaatupag at dinig ko ay nagpaplano na siyang magretiro sa susunod na taon kaya naman ay papalitan siya ng kanyang nag-iisang anak na lalaki. Lalaki lang kasi ang pwedeng maging ISOP President at pinapasa nila iyun sa panganay nilang anak na lalaki. At pagkatapos n'on ay aaprubahan pa iyun ng buong Senate upang alamin kung karapat-dapat nga ang anak ng President.

At ang anak na lalaki na 'yun ang topic namin ngayon habang kumakain kami ng hapunan. Kasama namin sa hapag sina Orpheus at Yadira. Pansin ko lang, mukhang hindi ordinaryong Sentry si Yadira dahil ang iba ay hindi naman sumasabay sa pagkain kay Orpheus.

"My son has two daughters. Older than you Savannah. Am I right, Yadira?" ani Orpheus habang naghihiwa ng karne. Sa tabi niya ay ang goblet na may lamang dugo kaya tila nauhaw naman ako bigla.

"Yes, President. Sentry Noura is twenty-four and Sentry Saide is twenty-two," sagot naman ng babae saka sumulyap sa akin ng makahulugan.

Tumawa si Orpheus. "I am so excited sa pagkikita ninyo. I'm sure magugustuhan ninyo ang isa't isa."

Kumunot naman agad ang noo ko. At bakit naman namin magugustuhan ang isa't isa? Mga kalog din ba ang mga apo nitong si Orpheus?

"They will be here tomorrow so maghanda kayo. We will have a big dinner. Darating din ang mga magulang mo, Yadira?"

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon