I saw the picture of me...
With him.
Napangiti ako.
Halatang sobrang saya namin dito. His eye smile habang nakalagay ang mga kamay sa leeg ko as if choking me.
It's one of the unforgettable moment while I'm with him.
He's just my suitor back then.
Isang napakakulit na manliligaw.
Sobrang kulit to the point na ang sarap niyang sapakin pero nakakaawa dahil sayang ang gwapo niyang mukha.
But i dont how, nahulog ang loob ko sa kaniya.
Unti-unti.
I found him very attractive everyday.
Sobrang bait niya at napakafriendly to the point na lahat yata ng makasalubong namin ay kilala niya.
Isang araw nagising na lang ako na gustong gusto ko siyang makita at makasama.
Noong una pa nga ay sobrang naiilang ako sa kaniya. Yung feeling na tuwing titingin siya sakin, sobrang nakoconcious ako.
It feel so weird dahil first time kong maramdaman yung nararamdaman ko noon.
At first sobrang denial ko. Dahil siguro sa takot.
Takot na baka matulad ako sa mga kaibigan kong nagkukwento kung gaano kasakit ang masaktan ng dahil sa pagibig na yan.
Takot ako na baka sa umpisa lang siya ganito at ganyan pero sa huli sasaktan rin pala ako.
Takot din na baka hindi pa ako ganon kahanda para pumasok sa isang relasyon, na baka masaktan ko rin siya.
Pero habang patagal ng patagal parang gusto ko na siyang angkinin. Yung tipong tuwing may kakilala siyang babae at makikipagtawanan ay sobrang naiinis ako dahil babae rin ako at alam ko kung kailan may gusto ang babae sa lalaki.
He's a typical boy next door type. Good looking, kind, intelligent and sporty. And hindi ko sila masisisi kung magkakagusto sila sa lalaking yon.
Dahil mismong ako, nahulog sa kaniya.
Second year college na kami ng mga panahon na yon. Halos isang taon na niya akong nililigawan at matagal tagal ko na ring kinikimkim ang nararamdaman ko.
Nakita ko naman na sincere siya sa panliligaw sakin, sa amin.
Kaya naisip ko na why should I doubt. Bakit pa ako magdadalawang isip, napakaswerte ko sa kaniya kung tutuusin.
He's really an ideal man.
Kaya humanap ako ng tamang timing para sagutin siya.
Tama na siguro ang higit isang taon na panliligaw niya sa akin.
Pinuntahan ko siya sa football field ng school kung saan sila nagpapractice para sa dadating na laban.
And then there, sinagot ko siya.
Noong una ay parang nastroke pa siya dahil siguro sa gulat pero bigla niya akong niyakap ng mahigpit at pagkabitaw ay sumigaw ng napakalakas na 'yes'
Inasar pa kami ng mga kateam mates niya kaya nahiya ako.
Dumating ang laban at naipanalo nila at ang boyfriend ko ay talagang nagpakitang gilas dahil todo cheer ako sa kaniya.
Sobrang saya ko dahil hindi nagtagal pinakilala niya rin ako sa pamilya niya. Ibig sabihin ay talagang seryoso siya sa akin. Sa amin.
Pinakilala ko na rin siya bilang boyfriend ko sa family ko.
We're legal.
Sobrang saya dahil mahal ako ng taong mahal ko and tanggap at gusto rin nila ang taong malaking parte ng pagkatao ko.
