Chapter 52

4.9K 79 0
                                    

Erin's POV

Maayos na ang kalagayan naming dalawa ni Mara pero ang paa ko medyo umiika padin.

Pagkaraan ng ilang araw lumabas na kami sa ospital at pauwi na ko ngayon sa pampanga at sumama sina Mara sakin at dun daw sila mag papasko. Okay na okay lang naman sakin na sumama sila ang kaso ay maliit lamang ang bahay namin -_- paano kaya sila mag kakasya dun? Haiish bahala na.

Gamit namin ngayon ang van ni Mara. Si Trisha ang nag dri drive nito. Magkatabi kami ni Mara sa pinaka likod.

"Guys. Sa tingin niyo nakasunod satin ang gustong manira kay Mara?" Tanong ni Agean.

"Kung naka sunod man yon well mag ingat nalang siya satin." Sagot ni Rina habang kumakain ng pringles.

"Nanggigigil na talaga ko! Gustong gusto ko nang malaman kung sino ang gagong yon!" Inis na sabi ni Mara sabay sinipa ang upuan sa harap.

"Easy ka lang Mara. Malalaman din natin." Sabi ni Lira.

Habang naririnig ko silang nag uusap ay lalo akong nag aalala para kay Mara. Malaki talaga ang galit ng taong yon dahil gusto niya talagang saktan si Mara.

"Uhm guys! Nag text sakin si Cheska. Tinatanong niya kung asan tayo?" Pagtatakang sabi ni Agean.

"Sabihin mo nasa impyerno tayo at siya na ang susunod na susunduin ni satanas." Iritang sabi ni Mara.

Natawa naman ang lahat sa sinabi ni Mara.

"Paano kung si Cheska ang sumisira sayo Mara?" Seryosong sabi ni Lira.

Natahimik ang lahat at nagtinginan.

"Paano niya magagawa yon? Eh patay na patay yun kay Mara e." Sagot ni Rina.

"Guysss andito naba tayo? Erin malapit naba?" Tanong ni Trisha.

"Yup. Kumanan ka lang tapos andiyan na tayo." Sagot ko.

Sumulyap ako kay Mara at tinitigan ko siya. Nakikita ko sa mukha niya ang takot at pag aalala niya. Alam kong tinatago niya ito saken para hindi ako mag alala sa kanya. Alam kong problemado siya ngayon dahil iba ang mga kinikilos at pananalita niya. Madami siyang iniisip. Ano kaya ang magagawa ko para sa kanya? Madami na siyang nagawa sakin at natulong. Kaya hindi ko siya iiwan.

"Hey. Bakit moko tinitignan ng ganyan?" Mainhin na tanong niya sakin sabay pinisil ang ilong ko.

Ngumiti na lamang ako sa kanya at dinampian ng halik sa malambot niyang labi.

Ngumiti din ito at tumitig sakin na parang nang aakit.

"Hey love birds! Andito na tayo." Nakatawang sabi ni Agean.

Bumaba na kaming lahat sa van. Para silang mag babakasyon samin dahil may mga maletang dala pero maliit naman ang mga maleta.

Sumalubong saamin si Ate Kath.

"Ate Kath!!" Kumaway ako sa kanya at ganun din siya. Binuksan niya ang gate ng bahay.

"Oh may mga bisita ka pala. Ni hindi ka man lang nag sabi." Masayang sabi ni ate Kath.

"Good afternoon po!"

"Hello po! Ako po pala si Lira."

"Magandang hapon po ako po pala si Trisha."

"Hello po Ate!"

"Good afternoon po ate Kath."

"Hello din sainyo! Pasok kayo."

Shemaay kinakabahan ako. Ano kaya ang ihahanda kong pagkain neto. Eh mayayaman pa naman ang mga kasama ko. Huhuhuh Erin goodluck!

Pinaupo ko muna sila sa sala at binigyan ng juice at cookies.

She's Miss Perfect ( GirlxGirl )Where stories live. Discover now