Chapter 46

4.3K 76 7
                                    

Erin's POV

"Erin. Hahatid na kita sa apartment mo ha." Si Rina.

Nakatingin lamang ako sa window ng sasakyan ni Rina.

Kanina pa ako wala sa sarili. At kahit gusto kong umiyak ay parang naubos na ang mga luha ko.

"R-rina p-pwede bang ihatid mo nalang ako sa bus terminal." Garalgal ang boses ko ngayon. Sobrang bigat ng nararamdaman ko.

Paano niya nagawa sakin yun? Masaya naman kami ng gabing un ah. Okay lang naman kami pero bakit kailangan niya kong lokohin.

"Ha? Bakit. Gabi na baka mapahamak kapa."

"U-uwi ako sa p-pampanga."

"Ihahatid nalang kita."

"Hindi na. Masyadong malayo."

"Sige."

Tahimik ang biyahe.

"Rin."

"Hmm?"

"Bakit n-niya nagawa sakin yun?"

"Hindi ko masasagot yan Erin. Nagulat nga din ako nung makita ko yun e. Ayaw mo bang kumain? Namumutla at sobrang tamlay mo oh."

"H-hindi ako n-nagugutom."

"Baka magkasakit ka niyan. Andito na tayo sa terminal."

Pinarada na ni Rina ang kotse niya. Bumaba na kami.

"Erin upo ka diyan ibibili kita ng ticket."

Tumango nalang ako at umupo dito sa may waiting area.

Nakatingin ako sa malayo.

Biglang nag ring ang phone ko.

Si Mara.

Tinitigan ko lamang itong phone.
"Tara na Erin."

Binuhat ko na ang mga gamit ko at tumayo.

"Erin mag iingat ka ha."

"Oo. Maraming salamat Rina ha." Niyakap ko siya.

"Ikaw pa. Kapag kailangan mo ang tulong ko andito lang ako."

"Salamat. At nga pala etong phone. Paki balik nalang to sa kanya."

"Sige. Magiingat ka."

Sumakay na ako sa bus.

Umupo ako sa may window side.

- - - - - - - - - - - - -

Mara's POV

"So ibig sabihin hindi mo ginusto ang nangyare sainyo ni Cheska?" Si Agean.

"Shit naman gean. BAKIT KO NAMAN GUGUSTUHIN UNG NANGYARE SAMIN? Wala nga akong alam! Pinatulog ako ng bitc* na yun eh!!!!"

"Okay chill! Baka marinig ka ng mga kapitbahay namin." Tinabihan ako ni Agean dito sa kama.

"Uminom ka muna kaya ng tubig. Naubos na yang tubig mo sa katawan kakaiyak." Inabot sakin ni Trisha ang baso. Kinuha ko naman ito at uminom.

"Guys tulungan niyo ko please. Ayokong mawala sa akin si Erin. Mahal na mahal ko siya."

"Gagawan natin ng paraan yan. Pero magpalakas ka muna. Tignan mo naman yang sarili mo parang hindi na ikaw si Miss Perfect." Si Lira.

Bumukas ang pinto ng kwarto ni Agean.

Si Rina.

"Guys. Hinatid ko sa bus terminal si Erin. Uuwi daw siya ng pampanga." Sabay upo niya sa kama.

"K-kumusta si Erin." Tanong ko.

"Kung anong itsura mo ngayon. Ganun din siya. Wala din siya sa kanyang sarili malamang malalim ang iniisip. Bakit mo ba siya niloko? At eto pala. Balik ko daw sayo."

Inabot ni Rina ang phone na bigay ko kay Erin.

Gustong gusto ko siyang puntahan. Pero pinipigilan ako nila Agean. Hayaan ko muna daw siya.

"Kwento nalang namin sayo mamaya Rin." Si Trisha.

- - - - - - - - - - - - -

Erin's POV

Sa wakas. Nakauwi na din ako. Pumasok na ko sa gate ng bahay namin.

"Erin? Ikaw ba yan?" Si Ate Kath na mukhang kakadating lang din ata.

"A-ate." Niyakap ako ni Ate.

"Akala koba sa 23 kapa uuwi. 21 palang ah?" Sabi ni ate habang binubuksan ang lock ng pinto.

"Naisipan kona din kasing umuwi ng maaga. Ikaw lang ba mag isa sa bahay ngayon ate?" Pumasok na kaming dalawa sa bahay.

"Oo. Umalis sina Mama at sa 24 ng umaga pa sila uuwi. Matamlay ka ah? Kumain kana ba? Pagluluto kita."

"Hindi na po ate mag papahinga nalang ako sa kwarto napagod lang ako sa biyahe."

"Osige. Bukas nalang tayo mag usap. Akyat kana"

Umakyat na ako sa kwarto ko.

Kumuha na ako ng twalya para makaligo na ako. At pumasok na ako sa banyo at binuksan ang shower.

Napapasabunot ako sa aking sarili. Galit na may halong lungkot. Bakit kailangan niyan gawin sakin yon. Paulit ulit na pumapasok sa isipan ko ang aking mga katanungan. Mahal na mahal kita Mara..

- - - - - - - - -

"Erin!! Gising kana diyan. Kumain kana ng almusal!!" Napagising ako bigla sa sigaw ni ate.

"Opo ate. Bababa na po." Matamlay kong sagot.

Tumayo na ako sa aking kama at nag tungo sa banyo para mag sipilyo.

Bigla nanaman pumasok sa isipan ko si Mara. At kahit sa panaginip ay siya ang kasama ko.
Nang matapos na akong mag sipilyo ay bumaba na ako.

"Eto kain kana habang mainit pa."

Umupo na ako sa upuan at kinuha ko ang tinidor sa lamesa at tumusok ng hotdog.

"Wala kang trabaho ngayon ate?"

"Naka leave ako hanggang 28." Umupo na din si ate at kumain.

"Nag away kayo?" Napatingin ako kay ate bigla.

"Nag away?"

"Ni Mara. Kasi hindi mo siya kasama eh. Diba sabi niya dati dito siya mag chri christmas break."

"Ahh. H-hindi na po e."

"Hiwalay na kayo?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Ate. Teka alam niya?

"Halata naman na kayo eh. Wag kang mag alala hindi kona man sinabi kay Mama. Ako lang may alam."

Si ate kath kasi ang pinaka close ko sa aming mag kakapatid. 3 years lang ang layo ng edad niya sakin. Kaka graduate lang niya ng college last year.

"N-niloko niya ko ate." Hindi ko mapigilang maluha kaya niyakap ko si ate kath ng mahigpit at niyakap niya din ako.

"Shhh. Wag kanang umiyak ano kaba."

"A-ate ang sakit ng ginawa niya sakin." Mangiyak ngiyak kong sabi.

"Pag usapan natin yan mamaya. tahan kana okay?"

- - - - - - - - - - - - - - -

Mamaya nalang po ung updateeee. Busy po kasi talaga T.T thanks for reading!!! :)

She's Miss Perfect ( GirlxGirl )Место, где живут истории. Откройте их для себя