17.) She Returned

Start from the beginning
                                    

Bumuntong ako nang napakalalim na hininga bago magsimula sa speech na sasabihin ko.

"Goodmorning everyone. Nadine Alexis P. Lustre speaking, and i'm the President of Section Almighty. I thank you.", paninimula ko. Pak! Ms. Universe ang peg ko dito. Naghiyawan na naman sila. Nilibot ko yung paningin ko para hanapin si James pero 'di ko siya mahanap. Medyo kumirot yung puso at medyo nalungkot ako pero 'di ko alam kung bakit. Eh bakit ba? Kasi magkaibigan kami. Yun na yun. "Many people believe that leadership is simply being the first, biggest or most powerful.", ngumiti ako sakanila at bumuntong ng malalim na hininga atsaka nagpatuloy muli. "Leadership has a different and more meaningful definition. A leader is someone who sets direction in an effort or task and motivates people to follow that direction. The strength of being a leader is to influence that particular individuals to exert everything to achieve a goal. That's all, thank you."  muli na naman silang naghiyawan dahil sa sinabi ko. Umupo muna ako upang mapakinggan ang speech nang kaibigan ko at ng iba pa.

"Thank you Ms. Lustre. Now, Ms. De Leon you may now introduce yourself and speak your speech.", ani emcee.

A wide upward curve formed unto my face. Thank God hindi ako nagkamali sa sinabi ko. Phew!

Magsasalita na sana si Cassy nang may babaeng nakaagaw nang atensyon dahil sa ginawa niya.

"Tabi nga diyan! Ako yung tunay na Vice President! Ako! It's not you it's me.", sigaw niya nang pataray. Natumba naman si Cassy nang dahil sa ginawa niya. Biglang uminit yung ulo ko sa ginawa niya sa kaibigan ko.

What the f! Is this real? Bumalik na siya?!

Tumayo si Cassy at nagtaas ng kilay sa kanya. "Who do you think you are, Ms flirt?", nginisian siya ni Cassy. Palaban talaga 'tong kaibigan ko. Sinampal niya si Cassy. Nagulat ako sa ginawa niya kaya tumayo na ako.

"Hoy Catherine! Alam mo ba sa ginagawa mong yan, pinapahiya mo lang yung mga Montenegro?", seryoso kong sambit.

The Unexpected Love (Jadine)Where stories live. Discover now