CHAPTER TWO

8 0 0
                                    

KATE'S POV

"Besh? San ka na? Kanina pa ako naghihintay sayo dito sa cafeteria. Bilis! Ma late na tayo sa party."

"I'm on my way na besh. Haha see yah". Sagot naman nito sa telepono.

Pinatay ko na agad ang phone. Nang biglang may humarang saakin na isang lalake.

"Hi Ms. Sanchez, do you want some drinks? Libre kita." Sabi ni Ian.

Sya si Ian Garcia

, isa sa mga pinagkakaguhan ng mga babae sa campus. Mayaman, at nanay nya ang principal sa school na ito. Kaya ang lakas ng loob nyang magpakasiga dito sa school na ito. May itsura naman sya but he's not my type.

"No but thanks, nagmamadali ako. And I can afford. So, excuse me?". Nakaharang kasi sya sa dinadaanan ko.

"Ang sungit mo talaga, yan ang nakakapa turn on sa amin eh, yung mga masusungit at palaban na babae."

"So? I don't care. So please, can I pass now?".

"Okay kung iinum ka nito, kahit isang lunok lang please." Nagpapacute naman ito. May inalok na isang inumin na nakuhanan na.

"Okay fine. "
Kinuha ko ito at daliang binigay ko sa isa sa mga grupong babaeng tiyak na isa sa mga fans nya sa school.

"Excuse me girls, bigay ni Ian ohh. Sainyo na raw. May laway nya pa yan. :) " agad na akong umalis at nag sign ng goodbye kay Ian. Pagkabigay ko naman sa inumin, agad agad na nagkakagulo ang magka grupo dahil sa isang basong inumin na galing kay Ian. Nakasalubong ko naman ang bestfriend kong kanina ko pa hinihintay.

"Sorry besh. Tara na?." Nagsmile ito sa akin.

"Ang tagal mo, sobra. " nakakunot naman ako ng noo.

"Eh, si Mark kasi, ayaw akong bitawan. Hehehe" Halatang kinilig ito.

"Urgh, naglalandi ka na naman jan sa Mark na yan. Wag ka magpakasigurado jan. Sa simula lang yan. Tara na. Baka pumunta pa dito si Ian.
Umalis na kaagad kami.

IAN'S POV:

"Pare, napahiya ka naman kay Kate. Hahaha" Nagtawanan ang mga magkakaibigan.

"Dude, hinding hindi ko yan titigilan si Kate hanggang sa hanap hanapin na nya ako. "

"Goodluck pare. "

Nang papunta na sila sa party.

JESSY (Bestfriend ni Kate):

"Besh, sagutin mo na kasi si Ian, gwapo naman sya, mayaman. "

"You know besh, he's not my type."

"Ang hard to get mo kasi."

"Mas okay na rin yun kesa sa magpatiwala kaagad tas ano, gagaguhin lang naman pala. Tsk tsk"

"Haay naku besh. Nasayo na rin yan kung ganyan ka, basta ako support lang ng support sayo. :) " sabi ko kay Kate

"Love you besh."

"Love you more. " Humalik sya sa pisngi ko.

"Besh??!! Yuck kadiri ka."
Pinagtatawanan nya lang ako.

"Ang arte mo. Hahahaha "

Naiintindihan ko naman si Kate. Dahil na rin sa mga pinagdadaanan ng nanay nya na hanggang ngayon eh hindi parin makamove on. Sana man lang eh dumating ang araw na buksan na ni Kate ang puso nya para sa isang lalake na magmamahal sa kanya.

Magkaibigan kami ni Kate simula nung elementary pa kami hanggang sa nag college na kami. Ako lang kasi ang lage nyang tinatakbuhan pag may problema sya sa nanay at lola nya. Lage kasi nung nag aaway ang lola at nanay nya simula nung nagkahiwalay ang parents nya. Ang laki kasi ng pinagbago ng nanay nya simula nung nangyari yun. Kaya lage nalang napagsabihan ang nanay nya sa lola nya.

YOU SMILE, I SMILEWhere stories live. Discover now