I think, this is the right time  to build a family. Don't worry, I will still remember you because you're my first love, after all.

Ang saya saya ko ngayong araw na 'to pano ba naman kasi buntis na yung misis ko kaso dahil dun bigla na naman kitang naalala. It's been a 12 year, na wala ka parin ni anino o paramdam wala talaga. 

I still remember the promises that we made that how we will handle our children, but I'll do it to my child. Naglihi na siya sa durian at hindi ko rin inaasahan na dun siya maglilihi. Kabuwanan niya na ngayon at nasa hospital na kami. Alam mo ba kung anong araw ngayon? Ngayon ay December 18 , mukhang magiging ka birthday mo pa ang magiging inaanak mo.

Nanatili akong na ka tayo sa pinto inaantay ang paglabas nang aking anak. Narinig ko ang iyak ng aking anak hanggang sa labas, sa wakas, tagumpay! Isa na akong ganap na ama. Lumabas yung doctor, binati niya ako at sinabing babae ang anak namin. Hindi maalis sa akin ang ngumiti at pumasok sa loob  at binuhat ang aking munting prinsesa. Nagkaroon kasi kami nang kasunduan ng doctor niya na wag ipaalam ang kasarian ng bata kundi tiyakin lang ang kalusugan nito sa sinapupunan ng asawa ko. Mayroon siyang mahabang pilik mata, matangos ang ilong at higit sa lahat ay malusog siya. 
Siguro kung matagal ka nang nagpakita sa 'kin ba ka ikaw ngayon ang asawa ko at magiging anak natin ang kasama ko ngayon.

Hanggang ngayon may puwang ka parin dito sa puso't isipan ko pero mahal ko rin tong babaeng na sa harap ko.

Pumayag siya. Oo, pumayag siyang ipangalan ko sa'yo ang aming anak, ngunit pinalitan ko ng "a" ang "e" sa name mo. Alam din niya ang ating nakaraan hindi ako naglihim sa kaniya kaya siguro pinayagan niya ko.

Pinadalhan kita ng E-mail na magiging ninang ka, nabasa mo kaya? 

Matutuwa siguro ang magiging inaanak mo lalo't sa'yo ko siya ipinangalan.

Wala ka na nga nang grumaduate ako, naging Engineer, nung nagpakasal ako, nagkaanak , at pati banaman ngayon sa inaanak mo wala ka parin? Baka nga ... Hindi mo nabasa o nagpalit ka na ng E-mail? 

After 10 years ago .. 

Malaki na yung anak ko highschool na siya at gragraduate na siya ngayong taon .. 
Ang daming tao dito, kumpleto mga ninong at ninang niya dito kaso ikaw na lang ang kulang. Alam mo bang sumunod sa yapak ko ang aking anak? Mag e-engineer din siya.

Natapos ang Graduation at isa isa nilang inihagis ang kanilang sumbrelo kaso nakapagtataka. Hawak ng anak ko ang kanyang phone at umiiyak na  tulala. 
Nagkatingin kaming lahat ng kasama ko.

Lumapit kami sa kaniya hanggang sa mapaluhod siya.

"Anak, anong problema ? " 
Nagmamakaawa niya akong tinignan.

"D---dad .. *sniff * can you p-please come with me in  Hospital?" 

nakakapagtaka anong gagawin namin sa Hospital ? 

"Dad?" Muli niyang tawag 

"Sure, but  why are we going there?"

"Somebody wants to see you right now. Dad, I think this is the right time to see her."

Her ? Who's her ? 
Napatingin ako sa asawa ko nakatitig din siya at ngumiti sa'kin? 

"Anong meron? May tinatago kayo sa'kin?" Tanong ko pero hindi niya ito sinagot bagkus ay hinabol niya ang anak ko na tumakbo.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao kaya  sinundan ko sila at patungo talaga sila sa malapit na hospital.

Pumasok kami sa loob hanggang sa huminto sila sa kulay asul na pinto at tinignan ako ng anak ko.

Her Last MessageΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα