Even tho this guy is a jerk, may tiwala pa naman ako sa kanya kahit konti.

I was smiling from ear to ear while looking at Ada, happily talking to the street kids. Pagkatapos namin mag- sindi ng kandila, Ada asked permission from me and her Dad if she can spend some time talking with those kids. Of course, pumayag ako.

Ada has a golden heart especially when it comes to kids.

"She looks verry happy." Aga commented, 'di ko namalayan na nandito na pala siya sa tabi ko. Umalis kasi siya kani-kanina lang upang bumili ng maiinom.

"Yeah.." mahina kong pagsang-ayon

"Want some?" he offered me a bottle of water na hindi pa nabubuksan, agad naman akong umiling. I'm not thirsty.

Hindi na siya umimik pa and then silence occurred. Namuo ang katahimikan sa pagitan naming dalawa for almost a minute nang magsalita siya ulit.

"Lei?" I looked at him nang bigla niyang tawagin ang pangalan ko.

"Hmm?" he smiled at me exposing his cute dimples.

"Can we, act like we're okay, just for Ada? Please, kahit ngayon lang? Make this day memorable for our daughter, please?" pakiusap niya. I don't know what to say nor react. Being shocked is an understatement.

It took me almost a minute para makarecover. There's no harm if we act like we're okay kahit ngayon lang naman, 'di ba? Para kay Ada..

"Okay." I answered, ngiti-ngiti naman ang loko as he offered his hands to me.

"Shall we, Ms. Salonga?" arte nito! Dami pang nalalaman! Pero dahil nga pumayag na ako sa gusto niya, I voluntarily took his hand.

"We shall, Mr. Muhlach!" and by that, we both went to Ada na tila nagulat pa nang makita niyang magkahawak kamay kami ng Daddy niya.

Confusion is all over her face pero 'di siya nag tanong, bagkus, nasayahan pa nga siya.

Well I hope this will be the start of something new..

"Ma, Dad, pagod na ako!" reklamo ni Ada at umupo sa bench, Aga and I both chuckled. Siya ang nag-aya na laruin namin ang lahat ng laro dito sa amusement park tapos siya ngayon ang susuko?

"C'mon, hindi pa nga natin natapos lahat ng laro dito eh!" Aga tried to cheer her up pero umiling lang siya nang ilang ulit.

"Ayoko na po talaga! Suko na ako!" she said, raising both of her hands. Bumuntong hininga ako at umupo sa tabi niya, she took the opportunity at kaagad niyang sinandal ang ulo niya sa balikat ko. Pagod na nga siya.

"Uwi na tayo, Ads?" I asked while caressing her hair, tumango naman siya in response.

"Aga, get your car. Hintayin ka namin sa exit." I told him, he nodded at tahimik na umalis.

"Ads, lets go na." I said at nauna nang tumayo, tumayo na rin si Ada at kumapit sa braso ko. Sabay kaming naglakad patungo sa exit ng park.

"Ms! Teka lang po!" I looked back only to see a girl running towards our direction. Ako ata ang tinatawag niya?

"Yes? You need anything?" tanong ko nang tuluyan na siyang makalapit sa amin. She smiled at me and handed me something, kunot noo ko namang tinanggap ang binigay niya. It's a white envelop at hindi ko alam kung ano ang nasa loob nito.

"Stay strong po kayo, Ms. Lea! Bye!" and by that, tuluyan na siyang tumakbo paalis sa amin.

"Ano iyan, Ma?" tanong ni Ada, referring to the envelope that I was holding.

"I don't know either." sagot ko at hindi na nag-abalan pang buksan ito, mamaya na lang. Tuluyan na kaming lumabas ng park at sumakay sa kotse ni Aga na nakaparada sa labas.

"Buckle up ladies, ihahatid ko kayo sa bahay niyo." aniya, tumango lang kami ni Ada.

"Dad, "dun ka na mag-dinner sa amin?" Ada asked him, napatingin naman si Aga sa'kin and mouthed 'okay lang?'. Tumango na lang ako, ano pa ba ang magagawa ko?

"Sure princess." Aga answered making Ada squeal.

Napatingin ako sa bintana ng sasakyan, gabi na at madilim sa labas. This day is indeed full of happiness and laughter, hindi nga ako nagkamali na pumayag sa desisyon ni Aga.

We finally reached our house, after kong mag-unbuckle ng seatbelt, agad akong lumabas ng sasakyan. Lumabas na rin si Ada at nauna nang pumasok. I waited for Aga, what took him so long at natagalan siya sa loob? I tried to see what he's doing inside pero tinted ang kotse niya.

Maya-maya pa, lumabas na siya. He looked pretty worried. "Lei, sorry. I can't make it for dinner. Something came up at kailangan ko na talagang umalis." a part of me is disappointed, but, why am I even disappointed?

Masyado na ata akong nadala sa mga emosyon ko. "Gano'n ba? Okay lang, I'll tell Ada about it. It seems like it's an emergency."

I was about to go inside nang hawakan niya ang kamay ko. "Still, thank you for this day. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya." he said, causing me to smile. Ako rin, Ags, ako rin.

"Thank you and I'm sorry. I really need to go." pamamaalam niya and he kissed my cheeks, masyadong madali ang pangyayari kaya I didn't even manage to protest. After that, umalis na siya sa harap ko.

What the hell? Napahawak ako sa pisngi ko, I can't deny the fact na, kinilig ako 'dun.

I stood there for minutes not until I remember something, binuksan ko ang bag ko at nilabas ang puting sobre na binigay sa'kin ng babae kanina doon sa amusement park.

I opened it and my eyes widened in surprise nang mapagtanto kong isa itong litrato, our picture. A stolen and candid one. Pinagigitnaan namin ni Ada si Aga habang tumatawa kami, Aga said a joke that's why we're all laughing. It's a perfect shot, we looked so happy.

Napangiti na lang ako. Mauulit pa kaya ito?


* * * * * *

Destinesia Where stories live. Discover now