Benda

36.7K 266 9
                                    

Mabilis na dumilim ang kalangitan. Pauwi nadin ako ng nagsimulang bumuhos ang ulan. Nagpasya akong sumakay ng tricycle pero limang piso nalang pala laman ng bulsa ko at hindi na kakayanin ng pamasahe. Agad akong tumakbo sa tindahan nila Ate Babes, malayong kamag-anak ni mama sa side ng tatay niya. Medyo nabasa ako kaya't humiram ako kay ate Babes ng maliit na bimpo pang punas. Niyaya ako munang magpalipas sa loob pero tinanggihan ko dahil ilang takbo nalang naman na ay nasa bahay na ako.

Naka-lock na ang gate ng dumating ako sa bahay. Wala kaming doorbell kaya't malakas kong ipinang-katok ang limang piso na hawak ko habang paulit-ulit akong sumi-sigaw ngunit nakikisabay ang ingay ng ulan kayat nabasa pa ako ng husto pati na ang mga gamit ko sa bag. Ilang minuto pa bago ako napansin ni mama at agad naman niya akong sinalubong na may bitbit na payong.

"Saan ka ba nag-punta? Bakit ngayon ka lang?" Tanong niya.

"Dumaan lang ako saglit kanila Ivan ma." Sagot ko naman.

"Mag-banlaw ka muna anak, pina-init ko na yung ulam, kumain ka nalang ha." 

Iniwan ko muna ang bag ko malapit sa pinto para hindi na kumalat ng husto ang basa sa loob ng bahay. Matapos kong magbanlaw ay agad kong inilabas ang mga gamit ko sa loob ng bag at itinutok sa electric fan. Mabuti ay hindi inabot ng tubig ang bulsa sa loob kung saan naka-suksok ang cellphone ko.

Isang mainit na sabaw ang hinain ni mama. Sa bawat pag-higop ko ay tila nawawala ang lamig na nararamdaman ko sa katawan. Ilang saglit pa ay biglang tumunog ang cellphone ko at si Jessa ang nasa kabilang linya.

"Hello Ryan?"

"Hello!"

"Nagtext sakin mama mo kanina tinanong kung nasaan ka na daw, nakauwi ka na ba?"

"Ah oo medyo kani-kanina pa. Malakas kasi yung ulan kaya di agad ako nakauwe."

"Ok, kamusta? Nabasa ka ba?"

Medyo hindi ko gusto ang ganitong pag-uusap. Isa pa ay umiiwas ako kay Jessa hindi dahil sa hindi ko siya gusto kausap kundi dahil mas importante sakin ang pagka-kaibigan namin ni Ivan.

"Jessa, tinatawag ako ni mama, salamat sa pag-tawag. See you on monday." Pagdadahilan ko.

Hindi ko naubos ang inihain sakin ni mama, humigop lamang ako ng sabaw at inilagay ko na sa ref ang kanin at ulam. Hinugasan ko ang mangkok at kutsarang ginamit ko saka ako dumeretso saking kwarto.

Dumaan ang linggo at hindi ako nakatanggap ng kahit anong text o tawag kay Ivan kahit pa kay Javier. Ayokong maunang mag-text dahil lumalabas lagi na pinipilit ko ang sarili ko sa kanila. Lunes ng umaga nakatanggap ako ng text mula kay Ivan.

Gago ka! wag ka magpapakita sakin mamaya!

Hindi ko mawari kung bakit galit nanaman sakin to. Hindi na ko nabahala dahil hindi naman na bago sakin ang makatanggap ng ganitong text mula sa kanya. 

Naka-ramdam ako ng pagka-hilo matapos akong maligo, isang hakbang pa ay agad akong natumba at di ko naabot ang lababo para makapitan. Hindi ako nakagalaw mula sa pagkaka-tumba mabuti ay agad naman akong napansin ni papa at mabilis niya akong binuhat papunta sa sala at binalik ang pagkaka-balot ng tuwalya sa bewang ko.

"Bakit anong nangyari anak? Tanong ni mama.

"Dalian mo kumuha ka ng bimpo!" Daing naman ni papa.

Saka ko lang naramdaman ang sakit at pagdurugo ng ulo ko. Malakas ang pag-agos nito kaya naman madiin itong tinakpan ni papa ng bimpo.

HAYSKUL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon