"Nagbayad ako ng taong tatalo sa tatay mo sa sugal. Kaya nagkabaon-baon sya sa utang." Malamig na sabi ni Kim. But deep inside naghahabulan ang kaba ng dibdib nya. Lalo na sa pinapakitang galit ni Erika sa kanya. Tinatagan nya ang loob. Andito na, hindi na sya makakaurong. 

"Alam mo ba nang dahil sa ginawa mo nagkamalas-malas kami sa buhay. Maraming nawala sa amin. Binaon mo kami lalo sa kahirapan.Nawalan na rin ng ganang magtrabaho pa lalo ang tatay ko . Ikaw ang nagtulak sa kanya sa kamatayan!"

Of course,hindi nya gustong mamatay ang tatay nito. Ang gusto lang nman nya sanang mangyari ay painan ng pera ang pamilya nito na lubog na lubog sa utang at ang hihingin nyang kapalit ay ang kalayaan ni Xian. Aksidente ang lahat at wala na sa kamay nya na magpakalasing ang tatay nito at masagasaan ng truck! Pero nungkang aminin nya iyon kay Erika....

"Kung sa tingin mo ako ang pumatay sa tatay mo, wala nman akong magagawa jan eh. Ang tanong, gusto mo din bang mangyari yan sa nanay mo o sa mga kapatid mo?"

"Anong balak mo?!" nagkaroon ng bahid ng takot sa boses nito. Bagay na ikinatuwa ni Kim . Isa lang ang ibig sabihin nun, kayang-kaya na nyang paikutin ang babae sa pananakot nya!

"Pwede kitang ipatanggal sa trabaho . Isang utos ko lang , magugutom ang pamilyang umaasa na lang sa'yo! Sisiguruhin ko rin na walang tatanggap sa'yong employer. At kung wala na kayong pera, all of you could starve to death, di ba?"

"Hindi ka lang pala walanghiya...demonyita ka! Bakit mo ba ginagawa 'to?!" mahina at madiin.Puno ng tinitimping galit at takot ang boses ni Erika.

"O akala ko ba marami kang alam ,bakit hindi mo mahulaan at simpleng logic lang ang kailangan!" tuya ni Kim kay Erika. "Gusto mo bang i-spell ko pa sa'yo?"

"Si Xian!" 

"Good guess!" acknowledge ni Kim sa hula ng babae "Magaling ka nga! So, kaya mo bang isakripisyo ang pamilya mo para lang kay Xian?"

"Sa palagay mo ba, matutuwa sya kapag nalaman nya ang mga ginagawa mo?" 

"Oh dear tsk tsk tsk! ...the question is, maniniwala ba sya sa mga sasabihin mo? It will be your words against mine. Tandaan mo , ang lahat ng kasiraang manggagaling sa'yo lalabas na produkto lang yan ng pagseselos mo."

"Talagang hindi ako nagkamali ng kutob ko sa'yo. Traydor na ahas ka talaga!"

Kim squared her shoulders na parang hindi apektado sa panggagalaiti ng kausap o sa lahat ng pangalang pwedeng itawag nito sa kanya. "But he won't believe that, alam mo yan Erika! ...Never na maniniwala syang kayang gawin yan ng bestfriend nya. Baka ang ending, layuan ka na lang nya. Nawala na nga si Xian ,bka magalit din sya sa'yo!"

"Ang sama ng ugali mo! Naging mayaman ka lang pero walang kinaganda sa ugali at pagkatao mo!"

"Say whatever you want, I don't care!... " humalukipkip si Kim ng tumayo. Nagpalakad-lakad bago nagsalita ulit.

 "...I am not that bad contrary to what you believe. Willing akong palitan ang kukunin ko sa'yo. Bibigyan kita ng pera. Tutulungan kitang makalayo basta malayong-malayo kay Xian. Pwede mong gamitin yun to study and or to start up a business. You could save yourself and your family....posible ang lahat ng yan kung hindi ka tanga at palalampasin ang offer ko!" 

"Hindi ako mukhang pera!"

'OWWSS!' Gustong ihirit ni Kim. Taliwas kase yan sa mga nalaman nya mula sa inupahan nyang imbestigador. Na tumatanggap ito ng pera at mamahaling regalo mula sa mga nagkakagustong parokyano ng restaurant na pinagtratrabahuhan nito kapalit ang dates. Mga bagay na walang kaalam-alam si Xian ngayong mas malayo na ito sa gf.

RETURN TO FOREVER (KimXi FF)Where stories live. Discover now