Nakaupo ako ngayon sa veranda ng kwarto ko. Tanaw na tanaw ko mula rito ang ganda at liwanag ng buwan na hinaluan pa ng kinang ng mga bituin.
Ang ganda nila tignan. Napakagaan sa pakiramdam at napakapayapa na parang ayaw ko na matulog at magdamag na silang tignan.
Ang taas pa nila na kahit sino ay Hindi sila makakayang abutin pero kahit na napakataas nila ay kitang-kita pa rin sila, na kahit napakalayo nila ay nangingibabaw pa rin sila.
*kring* *kring*
Napatingin ako sa cellphone ko. Nag-aalarm na siya.
December 24, 2016. 12:00 am.
Bukas pasko na pero bakit Hindi ko maramdaman?
"*sobs* pasko na bukas *sobs* ang lungkot naman. *sobs* mag-isa ko nanaman sasalubungin ang pasko *sobs* lagi naman eh, lagi namang mas mahalaga kila mama at papa ang trabaho nila. *sobs* kahit pasko Hindi nila pinapalampas *sobs* pag pasko diba dapat buo ang pamilya? Dapat magkakasamang pagsasaluhan ang handa? Sama-samang magsisimba? *sobs* pero bakit ganun? Nasan sila? Bakit wala sila ngayon? Katulad nanaman nung huling pasko mag-isa kong kinakain ang niluto kong handa, mag-isang nag aabot ng pamasko sa mga bata *sobs* ayoko ko na sawa na ako"
Binuksan ko ang cellphone para tignan kung may text sila mama pero wala.
Tinitigan ko na lang ang wallpaper Kong si V ng BTS. Pinunasan ko ang luha ko at pinilit na ngumiti.
Sana ganyan din ang ngiti ko ngayon, kasing lawak at kasing sigla ng iyo. Mayaman nga kami pero Hindi ko naman magawa ang mga bagay na gusto Kong gawin.
Gusto ko kayo makita at mahawakan pero Hindi ko magawa.
Muli akong tumingala sa buwan.
Ang mga iniidulo ko ay parang buwan at bituin, kayang -kaya Kong titigan gabi-gabi pero hindi ko kayang abutin at hawakan kahit ang malapitan ay Hindi magawa.
Sana kahit isang araw lang, makita ko sana kayo at mahawakan......
--------
