If I Fall Chapter 24: Flashback (Janine)

Magsimula sa umpisa
                                    

--

Nawala na yung Janine na kilala ng lahat noong elementary: sweet, medyo tahimik at mabait. Pagpasok nya ng highschool, kabaligtaran ito ng lahat. Naging matalas ang dila nito, mas umarte at pasaway. Ilang beses na syang pinapagalitan ng Prefect of Discipline nila dahil sa paglabag sa dress code ng Charleston. Iniiklian nya kasi yung mga palda nya. Medyo bagsakin din ito sa klase. At ang pinakamalaking pagbabago kay 9?

Lumandi ito.

Wag kayo, hindi lang ito bastang patweetums na landi. Sya lang ang freshman na naglakas loob na lumandi sa mga Senior guys sa varsity. Hindi mo naman kasi aakalain na 12years old pa lang sya noon. Maraming lalaki naman ang nakilandi sa kanya. Every weekend ang party na pinupuntahan nya. Mga soiree sa ibang school. Dun sya natutong uminom. At marami pang iba.

Maraming lalaki pa rin ang nagkagusto sa kanya. Iba naman ang kaso sa mga babae, ang tingin nila kay 9 ay parang chewing gum na pinagpapasa-pasahan lang habang may lasa. By December of their freshman year nabansagan na sya sa Who's Who Undergrad section sa Charleston Herald na Class Flirt. Wala naman syang pakialam dito.

Sa lagay na'to wala na sigurong magtatangka na makipagkaibigan sa kanya. Pero nagkakamali kayo. Nabuo ang SASSA dahil sa tagos ni Barbs habang naglilinis sila ng classroom. Naging close rin nya si Chester na taga-gawa nya ng assignment sa Math at English. At.. si Wes.

Si Wes na hinalikan si Rocky na bestfriend nya noong Grade 6 Christmas Party.

Nasa dark place sila pareho ni Wes nung panahong 'yon. Medyo rebelde kasi si Wes sa mga magulang nya. At not to mention na saksakan ng landi si Wes. Nagsimula silang maglandian nung February 14, nang nagkaron ng party sa Town. Mukha naman silang mature (at thank you na rin sa fake IDs) kaya sila nakapasok. Few drinks.. flirty conversations.. and pagbalik nila sa Charleston ng Monday, sila na ang magkasabay na pumasok.

Nagtitimpi lang si Rocky sa mga kagagahan ng bestfriend nya, pero hindi na nya pinalampas ito.

"Janine, pati ba naman si Wes? SI WESLEY!!!" sigaw nito habang nasa girls' CR sila.

Nagreretouch si 9 ng make-up nya. "So what Rocky? Wes and I just you know, clicked. We understand each other."

"Understand each other? Kelan pa? After nyong maglasing? Grabe naman kayong dalawa!!! The worst couple ever!"

"Shut up Rocky."

"Hindi ako titigil dito! Ano bang nangyayari sa'yo? Diba kayo nung Podi na taga-St. Andrews? Break na agad kayo?"

"Wala ka nang pakialam sa love life ko Rocky. I don't need lectures from you."

"Concerned lang ako!!! Kung alam mo lang ang pinagsasabi sa'yo ng mga tao!"

"Alam ko yung pinagsasabi nila tungkol sakin. Kung makareact ka naman parang sa'yo yun!"

"Nasasaktan din naman ako Janine! Kasi bestfriend mo ako eh. Habang lumalandi ka ako ang nag-aayos ng mga gusot mo!"

If I Fall (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon