Chapter 1: The Girl

Start from the beginning
                                    

 
 
 
 
 
 
   
  
Habang papalapit ay uti-uti namang umaatras ang mga tao papalayo sa kanya.
 
 
 
 
  
  
 
 
  
"MAY ASSASIN!! MAY ASSASIN!!"
patuloy sa pagsigaw ang lalaking madungis.
 
 
 
   
  
  
  
 
 
Huminto ang babae sa paglalakad.
 
 
 
 
  
  
  
  
  
Hinahagis-hagis niya ang kutsilyong hawak.
 
 
 
   
 
  
 
 
 
"PAPATAYIN NIYA TAYONG LAHAT!! TAKBOOOOO!!"
sabay takbo papalayo ang mamang madungis sa sobrang takot.
 
 
 
   
  
  
  
  
 
Pagkasabi niya ng takbo ay mabilis naman tumakbo ang babae papunta sa mga mamamayang takot na takot.

 
 
 
  
  
  
  
 
Nagtakbuhan ang mga tao. Maliban na lang sa apat na chismosa, na nanigas sa kinatatayuan nila sa sobrang takot.

 
 
 
  
  
 
  
 
Huminto ang babae sa tapat ng tindahan ni Aleng Loring. Nakabuka ang dalawang paa at nakatayo ng matuwid, ang kaliwang kamay ay nakahawak sa bewang at ang kanan naman ay patuloy parin sa paghahagis ng kutsilyo. Nakayuko ang babae habang hingal na hingal dahil sa pag takbo niya kanina.

 
 
   
  
  
  
 

Nag-aalala ang mga tao dahil baka patayin niya si Aleng Loring na sa mga oras ngayon ay nagluluto ng paninda niyang ulam para mamayang lunch.
 
 
 
 
  
  
  
  
 
Ang ibang mga kalalakihan ay naghahanda na sa likod ng babae para hulihin ito at ang iba ay tumawag na ng tulong sa baranggay.

 
 
 
  
  
  
  
 
Nang biglang humarap si Aleng Loring.
 
 
 
 
   
  
  
  
 
Nakita niya ang babae
 
 
 
 
   
   
  
  
  
At sinabi....
 
 
 
  
   
  
  
  
 
"Nako iha, wala pang lutong ulam."
 
 
 
 
   
   
   
   
   
"ahhh aaapangangasa hang kaylhingan kho.." sabi ng babae.
 
 
 
 
    
   
   
   
  
"Ano? Hindi kita maintindihan" Sabi ni Aleng Loring habang pinagmamasdan ang babae.
 
 
 
  

   
   
   
  
 
Huminto ang babae sa paghahagis-hagis ng kutsilo. Sabay biglang lapit sa matanda.
 
 
 
 
"Panghasa ng kutsilo ang kailangan ko."
Sabi ng babae na nakakatakot ang boses.

 
 
  
"Ay, yun lang pala. Akina ako na maghasa."

 
 
 
"ALENG LORIIING.. WAAAAAG!!!" sigaw ng lalakeng madungis
 
 
 
 
Lumapit ang mga lalaki para hulihin ang babae pero napahinto sila ng biglang lumingon ang babae. Nanlilisik ang mga mata niya kaya hindi sila nakalapit dahil sa takot.
 
 
 
 
"Anong gagawin natin?" Boy#1
 
 
 
 
"Hindi ko din alam, siguro dito na  lang tayo walang gagalaw okay." Boy#2
 
 
 
 
"Okay boys, walang gagalaw, kung ayaw niyong atakihin tayo ng bruha." sabi ng Boy#1 sa mga kasamahan niyang lalake.
 
 
 
 
"Ooh iha, ito na yung kutsilyo mo." sabay abot sa babae habang tinitingnan ang kutsilyong parang galing pa sa mga ninuno ng babae.
 
 
 
 
 
"Parang sobrang luma na ng kutsilyo mong yan, galing pa ba yan sa mga ninuno mo?" pag-uusisa ng matanda.
 
 
 
 
"Kilala mo kung sino mga ninuno ko?"
tanong ng babae.
 
 
 
 
"Hindi."
 
 
 

"E, paano mo nasabi na galing sa mga ninuno ko ito."

 
 
 
"Sa itchura pa lang kasi makikita mo na sobrang luma na niyan, sa panahon ngayon wala ka ng makikitang ganyang kutsilyo, may bato pa sa gitna, ano ba yan ruby?"

DARK FATEWhere stories live. Discover now