PROLOGUE

259 6 4
                                        

"From the moment I first saw you, I knew that I wanted you around"

~ ~ ~

Sandra's POV*

Eksaktong 11:30 ng mag Bell na, Ang pinakahihintay ng lahat.  Syempre isa na ko dun heheh.

Hobby ko kasi ang kumain. Nga pala, Di ko pa nasabi Transfer Student ako dito sa Kent's University at ito medyo nakakailang kasi wala pa akong masyadong kakilala maliban kay Naomi.

si Naomi De Silva   - Maganda, Mabait,Mayaman at Sexy. wetwew!. Siya lang naman ang madalas pagkaguluhan ng mga lalaki at Popular Chix ng school namin. 

 Kaya nga kapag kasama ko siya OP ako :3 wawa naman ako huhu. De joke xD

Oo nga pala, nasaan na ba yun ? 

Tanong ko ng mapansing wala  na siya sa tabi ko. :3 

Magpapasama pa naman sana ako sa canteen. 

Malungkot na saad ko sa sarili.

Transferee nga kasi ee .. = :3

Makapunta na nga lang mag-isa >.< Gutom na gutom na ko ee... 

 Pagaaya ko na lang sa sarili ko. 

Nasa canteen na ako ng makita ko si Gabriel. O.O

Si Gabriel Mendoza/Gab  ang Cute at Mabait Hearthrob ng Kent's University.. Ang pinapangarap ng lahat.. isa na ko dun heheh..  

Lendee xD 

Papunta siya sa ano.. sa ano.. saan nga ba ?

Hmm.

Masundan nga!

Stalker lang ?

Hindi naman hehe ..

At iyon nga papunta pala siya sa field..

Field ? bakit ?

Hindi naman siya kasali sa mga sports a?

Porket hindi kasali, hindi na pwedeng pumunta ? 

Nga naman xD tanong ko sagot ko ee. choz

At iyon nga susundan ko na sana siya ng biglang maalala kong hindi ko pa pala nasasauli ang hiniram kong libro sa kanya. Mag classmate kasi kami sa star section buti na lang masipag ako mag-aral kaya ayun naging classmate ko siya :DDD

"Teka! hindi kaya dahil gusto ko siyang sundan meron pala akong bagay na gustong isauli sa kanya?"  

Biglang tanong ng kabila kong isip.. 

"Ang galing naman! parang Deestinyyy! "

Kilig naman na sagot ng kabila kong isip at umaktong kinilig nga ako bilang tugon sa pagsangayon sa isip ko.

Nagtuloy na ko sa paglalakad at binilisan para maabutan si Gabriel ng bigla namang dumating ang mga barkada nito, akmang sisigaw sana ako para tawagin siya pero ng mapansin kong lumingon ang isa sa kasamahan nito. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng hiya at agad nagtago sa isang puno malapit sa pinaroroonan ko.

Ewan ko pero nahiya ako sa mga oras na iyon hindi ko kasi alam anu iisipin ng mga iyon sa akin.

Teka? Bakit ba ako nagtatago?

Tanong ng isip ko.

Ano naman kung makita nila ako?

Ee panu kung sabihin stalker ako?

My Dear, Enemy!Where stories live. Discover now