Chapter 35: It's hard to Believe

Start from the beginning
                                    

Tumingin siya sa kamay naming dalawa ng bigla siyang tumayo. Patay! Bakit ko ba kasi tinanong ko pa ang bagay na 'yon at bakit ko pa hinawakan ang kamay niya e alam ko naman na maarte siya.

Siguro patay na din ang Daddy niya kaya ganoon nalang ang reaksyon niya. Ang tanga mo talaga Alexandra dahil tinanong mo pa ang bagay na 'yon.

"I don't know him, I don't know if my Dad exist." malamig niyang wika at bigla niya akong iniwan sa lugar kung nasaan ako.

Hindi ko siya sinundan dahil alam kong gusto niyang mapag isa. Hindi ko alam na nasa langit na pala ang Mom niya at alam kong magkakilala na sila ni Mom sa langit.

Siguro malungkot ang lahat ng pinagdadaanan niya. Akala ko alam ko na ang lahat sa kanya pero hindi pala dahil madami pa pala akong hindi nalalaman tungkol sa kanya.

"Hello po, ako po ulit si Alexandra, medyo maldita pero maganda parin. Don't worry po aalagaan ko po ang anak niyo. Pero hindi po ako nangangakong masasaktan siya kapag nalaman niya ang tungkol sa malandi niyang Girlfriend. Alam ko pong nakikita niyo kung ano ang pinaggagawa ng babaeng 'yon. Alam kong hindi niyo mapapatawad ang babeng 'yon dahil niloloko niya lang anak niyo. Galit din po ako sa kanya dahil inagaw niya po ang lahat sa akin. Lalo na si Dad na mahal na mahal ko. I missed my Dad so much, nandito nga siya pero parang hangin nalang ko sa kanya. Kapag po nagkita kayo ni Mom dyan sa langit pwede niyo po ba siyang yakapin para sa akin kasi miss na miss ko na po siya at siguradong miss na miss na din po kayo ni Drew. Sorry po kung minahal ko ang lalaking 'yon." wika ko habang nakatitig sa lapida.

Biglang humangin ng malakas kaya napangiti ako dahil 'to ang sign na nakikinig ang mommy niya sa sinabi ko. Inalis ko ang dahong napunta sa lapida dahil nadala ng hangin.

"Are you done?"

Gulat akong tumingin kay Drew habang nanlalaki ang mata ko. Don't tell me narinig niya ang sinabi ko.

"Kanina kapa ba dyan? Narinig mo ba ang lahat ng sinabi ko?" kinakabahan kong tanong.

Tumitig lang siya sa akin at tumingin sa kalangitan ng maramdaman naming may pumatak na likido na nanggaling sa kalangitan.

Sana hindi niya narinig ang sinabi ko. Bakit kasi hindi ako nag iingat at sinabi ko pa ang bagay na 'yon.. Sinabi ko pa naman sa sarili ko na hindi ko sasabihin 'yong tunay kong nararamdaman para sa kanya.

Palakas ng palakas na ang ulan pero mukhang wala siyang balak na sumilong sa ulan kaya ang ginawa ko dinama ko na din ang tubig na pumapatak galing sa malawak na kalangitan.

Tinitigan ko si Drew habang siya ay nakapikit at nakatingala at dinadama ang patak ng ulan sa mukha niya papunta sa katawan niya.

Siguro namimiss niya na ng sobra ang Mom niya. Lumapit ako sa kanya habang basang basa na kaming dalawa dahil sa lakas ng ulan.

Bigla ko siyang niyakap at naramdaman kong nabigla siya dahil sa ginawa ko. Hindi ko inalis ang yakap ko sa kanya at napangiti ako ng maramdaman kong gumanti siya ng yakap sa akin.

Naramdaman kong tumataas baba ang balikat niya kaya alam kong umiiyak siya, si Drew umiiyak sa balikat ko.

Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya dahil 'to ang first time na nakita kong umiiyak siya at hindi ko mapigilang masaktan dahil nakikita ko siyang nagkakaganito.

"I missed my Mom so damn much. Wala akong nagawa para sa kanya at hindi ko manlang nasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal dahil naduwag ako." sabi niya habang patuloy na umiiyak sa balikat ko.

Hindi ko alam na ganito na pala kasakit ang nararamdaman niya. Hinaplos ko ang likod niya para pagaanin ang loob niya at para iparamdam na nandito lang ako para sa kaya.

Naramdaman kong hinigpitan niya pa lalo ang yakap niya sa akin na para bang ayaw niya akong umalis sa piling niya.

Hindi pwede 'to dahil alam kong wala siyang gusto sa akin. Wala siyang gusto, at 'yon ang malinaw.

"Wala kang kasalanan kaya huwag mong sisishin ang sarili mo. Hindi ka duwag at alam kong kahit hindi mo nasabi na mahal mo siya alam kong nararamdaman niyang mahal na mahal mo siya" wika ko habang patuloy kong hinahaplos ang likod niya.

Humiwalay siya ng yakap sa akin at tumitig sa mata ko. Kahit umuulan mapapansin mong umiyak siya dahil ang pula ng mata niya.

Kung siguro ibang tao ako napagtawanan ko na siya dahil para siyang isang bakla. Hindi naman porket umiiyak ang mga lalaki ang ibig sabihin na nun ay bakla sila.

Mas matapang pa nga ang lalaking umiiyak kaysa itago nila sa sarili nila ang nararamdaman nila.

"When I say I love you, would you believe?" seryoso niyang tanong habang nakatitig sa mata ko.

Nagulat ako sa tanong niya dahil baka nagbibiro lang siya. Tinitigan ko siya pero ang seryoso lang ang mukha niyang nakatitig sa akin kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Maniniwala ba ako na mahal niya ako? Para kasing ang hirap paniwalaan.

Sinasabi ng puso ko na dapat paniwalaan ko siya. Ang sinasabi naman ng utak ko ay huwag akong maniwala dahil hindi naman ako ang totoong mahal niya. Si Yvette ang mahal niya, 'yong kapatid 'kuno'.

"Nagpapatawa ka ba? Hahaha" pilit kong tawa at napatigil ako sa pagtawa ng mapansing seryoso ang mukha niyang nakatitig sa akin.

"Just answer me" seryoso niyang sabi kaya kinagat ko ang ibabang labi ko.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong niya. Kapag sinabi kong OO baka ang sabihin niya ay assumingera ako.

Bakit ba kasi napunta dyan ang usapan namin muli akong tumingin sa kanya at seryoso parin siyang nakatitig sa akin habang hinihintay ang sagot ko.

"N-no" nauutal kong sagot sa tanong niya.

Nagulat siya sa sagot ko at mabilis niyang iniwas ng tingin niya sa akin. Mali ba ang sagot ko? Hindi niya naman ako mahal so bakit ako maniniwala. Baka naman nagbibiro lang siya kaya tinanong niya ang bagay na 'yon.

Alam kong mahal na mahal niya ang babaeng 'yon dahil patunay na 'yong nakasulat sa papel na nabasa ko.

Pati na din sa google na ang sabi niya na ang babaeng 'yon lang ang mamahalin niya habang buhay. Masakit mang malaman pero 'yon ang totoo dahil mismong sa labi niya pa nanggaling.

"Let's go" malamig niyang wika at iniwan nalang ako bigla sa kinatatayuan ko.

"When I say I love you Drew, would you believe?" bulong ko kahit na hindi niya maririnig dahil malayo na siya sa akin.

Mahirap paniwalaan na mahal niya ako. Ayaw kong umasa at gusto kong isigaw na nasasaktan na ako.

Sobrang sakit na. Bakit kasi kinain ko ang sinabi ko na hindi ako magkakagusto sa kanya.

Ang takaw mo talaga Alexandra at congrats ang tanga mo pa.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

AN: OUCH ;(((((

VOTE, COMMENT AND BE A FAN 💖

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Where stories live. Discover now