Kabanata VII - Unang Pito

8.8K 387 56
                                    

Kabanata Pito - Unang Pito

Napabalikwas si Raya mula sa pagkakahiga. Napasinghap siya. Bigla siyang bumangon at tumingin sa paligid.

"Woo! Panaginip lang pala!" saad niya habang pinupunasan niya ang kanyang pawis na tumulo sa noo niya.

Napatingin siya sa orasan. Alas sais ng umaga. Napatingin din siya sa kalendaryong maliit sa kanyang lamesita. Nobyembre 2013.

"Talagang panaginip lang pala iyon. Pero bakit parang totoo? Delikado na 'to. Pati mga characters ko napapanaginipan ko na. Pero not bad, nagkaroon ako ng kwento!" sabi niya sa kanyang sarili.

Iunat niya ang kanyang mga braso. Naisipan niyang umupo sa harap ng kanyang laptop habang sariwa pa sa memorya niya ang mga pangyayari sa tabing-ilog, kung saan niya nakilala si Karyo.

"Mamaya na ako kakain," dugtong niya.

Patuloy sa pagtitipa niya sa kanyang keyboard. Inilahad niya lahat ng pangyayari, mula sa pagsanib ni Karyo sa katipunan, hanggang sa pangyayaring namatay si Matyang. Siyempre, hindi niya inilahad na may kasamang baliw na babae si Karyo habang nangyari ang mga yun.

Bigla siyang nalungkot dahil walang kasama si Karyo sa pighating iyon. Naguilty siya sa ginawa niya. Ano pa nga pa ang magagawa niya, iyon ang kapalarang ibinigay niya sa tauhan niya sa kwento. Pakiramdam tuloy niya napakasama niya kay Karyo.

"Wala eh, kailangan. Sorry Karyo," bulong niya.

Pagtingin niya sa relo, 11:37 na pala. Hindi niya namalayan ang oras dahil tuloy-tuloy ang ideyang dumadaloy sa diwa niya. Nakagawa siya ng anim na kabanata.

Itinipa niya ang huling linya bilang pagtatapos ng kabanata.

"Paalam, mahal ko. Mahal na mahal kita," sambit ni Karyo na may luha sa mata.

"Woo! Grabe Karyo! Pinapaiyak mo ko!" sigaw niya nang matapos niya ang pitong kabanata.

Agad niyang ipinadala ang manuscript niya sa email ng kanyang boss.

(macoymacoy@gmail.com.. Sent!)

Pumindot siya ng mga numero sa kanyang cellphone at tinawagan ang boss niya.

"Boss, first 7 chapters done!" pagmamalaki niyang sabi.

"Thanks Raya! Pakibigyan din ng kopya ang proofreaders natin ha?" utos ng kanyang boss.

"Huh? Edited na yan boss, trabaho ko na rin yun diba?" pagtatakang tanong ni Raya.

"Tactless lady. Kahit sabihin mo pa ring maingat ka sa pagpili ng mga words mo o pinili mo talaga ang mga appropriate words o kaya inedit mo na ang mga typos, kailangan paring maging pulido ang lahat. You might done biased editing just because that's your work. I hope you get the logic," pagpapaliwanang ng boses sa kabilang linya.

"Pero.."

"Wala nang pero-pero. Kung para sa iyo, perfect ang ginawa mo, baka para sa iba, hindi,"

"Natural boss, iba-iba naman tayo ng taste diba? Paano kung iba ang taste ng nag-edit ng gawa ko? Edi mawawalan ng sense ang story na yun? Paano kung di pala trip ng nag-edit ang words ko kasi di niya maintindihan? O paano kung iba ang orientation ng isa pang editor sa scene na ginawa ko?"

"Kaya nga ipapakita natin sa iba para makita natin ang generalization ng mga taste nila. And, hindi ko iyon ipapa-publish hangga't di ko naman pinapakita ang mga edits nila sayo eh. Nasa sa iyo pa rin ang huling halakhak."

"Okay, fine!" saad ni Raya.

Napaupo siya sa kama. Medyo nainis siya sa asta ng boss niya.

"Bakit parang kahapon, panay ang encouragement niya sa aking magsulat? Bakit ngayon, biglang di na siya nagtitiwala sa kakayahan ko?" tanong ni Raya sa sarili.

Está Escrito (It is Written)Where stories live. Discover now