Chapter 1- Am I Really There?

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ah!"

Napilitan tuloy akong takpan ang aking ulo dahil mangilan sa mga ito ay tumalon sa may ulohan ko.

"HAHAHA!" mga lalaki

Takte talaga! Ano bang nangyayari?

Ilang segundo pa ang lumipas bago ko maramdaman ang paglayo ng mga ito sa pwesto ko. Tumahimik din ang  paligid.

Bahagya kong iminulat ang mga mata at nilinga ang paligid. May mangilang tao ang nakatingin sa akin pero hinanap ng mga mata ko ang mga lalaki kanina.

At nakita ko ngang nakalayo na ang mga ito sa kinaroroonan ko.

Tsk! Hindi man lang ako nakaganti sa mga iyon.

Minabuti ko nalang na tumayo at pinagpag ang sarili. Pasalamat na lang talaga sila't may ibang pinoproblema ako ngayon kundi... tsk!

Kinapa ko ang shoulder bag kong dala upang sana ay kunin ang phone ko. Maghahanap na lang ako ng charging station dito para ma-charge tong phone ko at ma-contact ko agad ang aking butler.

Pero nagtataka ako dahil hindi ko makapa ang aking shoulder bag.
Napatingin ako saking balikat at nakita kong wala na roon ang shoulder bag ko.

"Nasaan ang shoulder bag ko?"

Umikot pa ako sa kinatatayuan ko at napatingin sa lupang kinabagsakan ko kanina. Pero wala doon ang shoulder bag ko.

"The fck! WHERE THE HECK IS MY FCKING SHOULDER BAG?!"

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Pati ang maleta na nasa tabi ng bench ay nawawala!

Eh???

At saka ko lang na-realize ang buong pangyayari.

Nanakawan ako!

"Takte!"

Napatingin ako sa direksyon kung saan tumakbo ang mga lalaki kanina.

Sinadya ba nilang ihulog ako sa bench at tinalunan ng iba para makuha nila ang gamit ko nang hindi ko namamalayan?

Naikuyom ko ang aking kamao.

"Sinasagad niyo ang pasensya ko ha? Humanda kayo. "

Lintik lang ang walang ganti.

Itinaas ko ang manggas ng suot kong damit at tumakbo patungo sa direksyon na tinahak ng mga iyon. Pero nakakailang hakbang palang ako nang may marinig akong sumigaw sa likuran ko.

"WATCHOUT MISS!"

Napahinto ako sa pagtakbo at agad na napalingon saking likuran. At ganun na lang ang gulat ko nang makita ang isang lalaki na mabilis na tumatakbo papalapit sa kinaroroonan ko.

At huli na para makaiwas dito.

Na naman!??

"Ahh!"

Nabunggo nito ang kaliwang balikat ko. Sa lakas ng impact ay muntik na akong matumba. Pero naramdaman ko ang isang kamay na mabilis na humapit sa beywang ko dahilan para di ako tuluyang bumagsak.

Napakapit naman agad ako sa dibdib nitong shet ang tigas!

"You alright?"

Napatingin ako sa mukha ng sumagip sa akin. At imbes na sagutin ang tanong nito ay napaawang lang ang bibig ko. Paano ba naman kasi, ang lapit lang ng mga mukha namin. Parang mga isang pulgada na lang ang pagitan ng mga mukha namin.

Tinignan ko ang kabuuan ng mukha nito. Matiim ang titig ng brown at singkit nitong mga mata,mahaba ang pilik-mata, makapal ang kilay, matangos ang ilong at... at....

Miyu: The Queen of AceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon