Ninety Four - His Favorite Place

Magsimula sa umpisa
                                    

Napakunot ako ng noo. Why would he want to spend the day with me? Weekdays ngayon may trabaho. O baka nag-day off siya? Lul, siya kaya ang boss, pwede siyang mag-day off kung kailan niya gugustuhin. Isa pa, pwede naman niyang itaon ng weekend, binibisita ko naman siya ng weekend eh. Pero bakit ngayon?

Ano bang meron ngayon?

"Clyde. Huy."

"Will you spend this day with me, Elaejiagh?"

Argh. Payn. "A'rayt. I'll just change my clothes. Wait there."

Pina-cancel ko kay Ned lahat ng appointments ko today. Since second home ko 'tong opisina ko (I'll second b2, wala rin akong buhay) may extra akong damit tsaka sapatos na naka-store sa cabinet. Nagpalit ako sa restroom ng day dress tsaka flat na step in. Utang na loob naman ayoko nang mag-heels. Baka maipukpok ko lang sa ulo ni Clyde yung takong.

Pagbalik ko ng opisina, nakatanghod pa rin siya sa may bintana. I can sense na hindi niya namalayang pumasok ako. Kung anumang iniisip niya, it must have been that deep.

"I'm ready to go, Clyde."

Doon lang siya nag-snap from his evident reverie. "I uh... let's go then."

Hinawakan niya ang kamay ko and then led me to the parking lot. Ang higpit ng hawak niya sa kamay ko na parang kulang na lang eh lagyan niya ng posas 'yon para habambuhay nang kadikit ng kanya. Sumakay kami sa Sedan niya na kulay black. It suits him, color black. No pun intended though.

Tahimik lang siyang nagmamaneho. If I hadn't know better, aakalain ko nang hindi niya alam kung saan kami pupunta. But apparently he does.

Pumarada siya sa harapan ng restaurant that is called Bellandini's. Halatang-halata sa pangalan na Italian restaurant 'to. Okay, good. I'm in the mood for pasta.

Again, hawak-kamay kaming pumasok sa loob. A guy which I assume is the maître d' eh lumapit agad sa amin. "Good afternoon, Sir, Madame. Table for two?"

"I called earlier for reservation. Clyde Gonzales."

"Oh Mr. Gonzales! Forgive me, forgive me. This way please."

Naysss. May Italian restaurant rin naman sa District Three ah. Kung gusto niya ng Italian meron du'n. Dumayo pa siya ng District Eight to dine with me sa isang restaurant na ni hindi kilala ang pagmumukha niya. Hassle 'yon ah. Naiirita ako kapag may hindi nakakakilala sa'kin eh.

Iginiya niya kami sa itaas, which I'll assume na mas private at mas maganda ang view. Yung wall sa may bandang kaliwa eh may effects pa ng makulay na ulan. Para kasing may kulay yung tubig na nagfo-flow sa pader. Pretty nice.

And the sun, though it lights the whole place, isn't that scorching. Naka-counter siya ng aircon. Tapos tahimik. Yung music lang sa background ang umiingay.

"Do you wish for the course now, Sir?"

Tumingin sa'kin si Clyde then he smiled. His first smile of the day. "Starving?"

"Yeah, a bit."

Tinanguan niya yung maître d'. Umalis ito, leaving me and Clyde with the bottle of champagne na nakababad sa bucket. Inangat ni Clyde 'yon, screwed the cork and it popped open. Smilingly, he poured equal amounts with both our glasses.

Okay this is weird. "Anong okasyon?"

"Masamang uminom?"

"Ng tanghaling tapat?"

League Of The Broken Hearts IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon