42 - Victory - Let go..

16.2K 243 37
                                    

- ARA's POV -

 .

After two weeks, start na ng Finals series para sa Women's Volleyball Championship, kami ang nakapasok at Ateneo ang makakalaban namin. Nandito pala kami sa dug-out at naghihintay na matapos 'yung first game. Dapat masaya ako, dapat excited ako pero gustuhin ko man mag-focus para sa game, sa kaniya pa din bumabalik ang isip ko. Sa two weeks na 'yun ay never akong pinansin ni Thomas at puro iwas lang ang ginawa niya sa akin. Gusto ko siyang tanungin, gusto ko siyang kausapin pero anong magagawa ko kung ayaw naman akong harapin nung tao?

 .

"Okay ka lang, best?"

 .

Hindi na ulit kami nag-usap ni Mika tungkol sa nangyari, medyo iniiwasan ko na din kasing pag-usapan siya. Ewan ko ba, mas madali na siguro 'yung ganun. Ano ba naman kasi ang sasabihin ko kung never naman nagbigay ng explanation 'yung lead character sa kabaliwang love story, kuno, na ito. Hindi ko na nga din alam ang nararamdaman ko eh, bigla na lang kasing *poof* it became coco crunch 'yung lalaking 'yun. Nakakainis na masakit na nakakamiss na ewan, hindi ko na talaga alam! Haha! Nakakatawa ako ngayon, muntanga lang, natutulala nanaman 'pag walang kausap, parang dati lang. Parehong-pareho ng eksena ko nung first time, pero ang mas masaklap, iisang tao lang ang dahilan. Haha! Katangahan to the highest level talaga, 'di ba?

 .

Mika: Huy, best.

Me: Ha? A-ano 'yun?

Mika: Tinatanong kita kung okay ka lang?

Me: A-ah oo, nagfo-focus lang ako para sa game natin.

Mika: Sure?

Me: Yup. *weak smile*

 .

Nagsimula na nga ang Game 1 at hindi ko siya nakita sa audience. Malamang, sino bang tao ang magpapakita kung iniiwasan ka nga, 'di ba? Isip-isip din minsan, Ara. Bakit ko pa ba kasi hinahanap 'yun! Kainis!

 .

Natapos na ang laro at panalo naman kami. Puro atake ang nagawa ko. Napagbuntungan ko pa ata ng galit 'yung bola. Haha. Sana naging bola na lang ako, para kahit anong bagsak, tumatalbog lang at mabilis na umaangat, at kahit anong palo ay keribels lang at hindi nasasaktan. Haha!

 .

~

 .

Meron kaming one week para mag-prepare para sa Game 2 ng finals. At sa one week na 'yun ay puro practice ang ginawa namin. Pasalamat na din ako kasi kahit papaano ay nakakalimutan ko ang mga dapat kong kalimutan.

 .

Pero 'pag minamalas ka pa din, the day before ng game namin ay eto, makakasalubong ko siya habang naglalakad along Taft. Siguro magkikita nanaman sila nung babaeng espasol na 'yun. Ilang beses ko na din kasi silang nakitang magkasama na pagala-gala sa Taft at malagkit pa sa suman kung maka-kapit 'yung babae sa braso nitong bansot na 'to. Haha, I sounded like a jealous girlfriend. Eh hindi naman kami, so anong ipinag-puputok ng butsi ko? Hahaha!

 .

Deretso lang ang tingin ko. Siyempre, kung iwasan ang gusto niya, 'yun ang ibibigay ko sa kaniya. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Parang naging awkward 'yung paglalakad ko. Hay, ano ba naman 'tong katawan ko, ayaw makisama. Palapit kami nang palapit sa isa't isa at hindi ko talaga mai-alis ang pagka-ilang kaya yumuko na lang ako. 

 .

*boogsh*

 .

Tsk. Wrong move na yumuko ako, nagka-bunggo pa tuloy kami. Mas lalong awkward.

[1] To.get.her Back AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon