40 - Decisions - Yes and No

21.9K 303 61
                                    

Naglalakad na pauwi ng dorm si Ara at nang pagliko niya sa kanto nila ay nakita niya agad si Mika sa labas ng dorm na naka-upo sa may gilid. -

 .

Ara: Bakit nandito ka sa labas?

Mika: (napatingin kay Ara) O, san ka galing? Bakit ngayon ka lang? (sa phone) Ha? Si Ara. Nandito na, kakarating lang.

Ara: Diyan lang sa tabi-tabi. Sino 'yan?

Mika: Saan 'yung tabi-tabi?

Ara: Diyaaan. Si Teng ba 'yan?

Mika: (tumango) Dito ka. (tapik sa pwesto sa tabi niya) (sa phone) Ha? Kakarating lang din ni Torres? (smirks at Ara)

Ara: Tsss..

Mika: Dito ka muna, best. Samahan mo 'ko. Boring naman sa loob, busy silang lahat.

Ara: Ano naman gagawin ko dito? Makikinig sa paglalandian niyo?

Mika: Sige na, lika na dito, patapos na naman kami mag-usap eh.

Ara: Fine. (umupo sa tabi ni Mika)

Mika: (sa phone) Ha? (laughs) Teka lang. (to Ara) Best, ano daw ginawa mo kay Torres?

Ara: Ha? Bakit?

Mika: Bakit daw pagod na pagod?

Ara: Tsss. Eh di itanong niya dun sa bansot na 'yun.

Mika: (laughs) (sa phone) Itanong mo na lang daw diyan. Haha. Ah sige Je, kami naman mag-uusap ni best, quota ka na. Bye ... Ha? ... Hahaha. Sira! ... Sige, goodnight. (ends call)

 .

Ara: (akmang tatayo)

Mika: (pinigilan si Ara) Hep. San ka pupunta?

Ara: Papasok na. Baka hinahanap na ako.

Mika: Hindi 'yan, busy sila. So ano nga nangyari? Nag-date kayo?

Ara: Hindi ah. Sinundan lang namin sila Cienne at AVO.

Mika: Oh? Pang-ilang labas na ba nung dalawa?

Ara: Hindi ko alam eh.

Mika: Mukhang kailangan mag-meeting ng Bullies.. Hmm..

Ara: Uh-huh. Tara, now na. (akmang tatayo)

Mika: (pigil kay Ara) Ops. Hindi pa tayo tapos.

Ara: Bakit?

Mika: Ano ngang nangyari sa inyo?

Ara: Psshh.. Wala, pinilit kasi akong sumakay dun sa higanteng ferris wheel.

Mika: (laughs) So anong ginawa mo?

Ara: Wala naman..

 .

 .

*Flashback*

 .

Pagkababa ng ride ay mabilis nang naglakad si Ara palayo kaya medyo naiwanan si Thomas -

 .

Thomas: (hinabol si Ara) Uy Ara, ano 'yung sinabi mong 'you win'. I win? Saan?

Ara: Wala! Don't talk to me. Galit tayo!

Thomas: Ha? Ara naman eh. Hindi ka ba nag-enjoy?

Ara: Hindi!

Thomas: Okay. Sorry na.

Ara: Che!

Thomas: Sorry na, please?

Ara: Sorry your face.

[1] To.get.her Back AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon