Chapter 23 Courtship

Comenzar desde el principio
                                    

"Well, let's see." Mapang-hamong sabi ni Abby sa akin habang inililiko niya yung sasakyan papunta sa entrance ng school nila Arabella.

Agad naman kami pinapasok nung guard. Ganun talaga kapag isa kang Montalban. Kilala, maraming connections, maraming prebelihiyo.

"Is that Arabella?" She asked habang pinapark niya yung kotse sa di kalayuan kung saan naka-park yung sasakyan ni Ara.

Sinundan ko ng tingin kung saan nakatingin si Abby. Nakita ko nga si Ara at ng mga kaibigan niya sa kung saan ko sila nakita the last time I went here para sunduin siya. Masaya silang nagkukwentuhan at nagtatawanan pa.

"Okay." Narinig kong sabi ni Abby ng in-off niya yung engine ng sasakyan niya and she crosses her arms across her chest saka matamang pinagmasdan si Ara. "She's gorgeous."

Proud naman akong tumingin sa kanya saka ngumiti. "Matagal ko na yung sinabi sayo." Pagmamayabang ko pa.

"But I still don't trust her." Nagkibit balikat na lang ako sa sinabi niya. "Call her."

Kunto noo naman akong tumingin sa kanya. "Ha? Bakit?"

"Basta call her. I just want to test her." Sabi pa niya.

Napailing iling na lang akong kinuha yung cellphone ko sa bulsa at idinial ang number ni Ara.

"Put it on speaker." Pahabol nito.

Nagriring na yung phone ni Ara. Nakita ko naman nung tiningnan niya yung phone niya at napangiti ng makita kung sino ang tumatawag sa kanya.

"Hey, babe." Masayang sabi nito. Nakita ko naman na parang natigilan yung tatlo niyang kaibigan at nanunuksong tumingin sa kanya.

"Babe huh?" Bulong ni Abby sa akin.

Sinenyasan ko naman siyang manahimik. "Hi!" Masiglang bati ko.

"Papunta ka na ba?" Tanong ni Ara.

"Y-yeah." Nautal pa ako. "Nakisakay lang kasi ako kay Abby kasi may pupuntahan siya sa Laguna."

"So... you're with Abby?" Alanganing tanong niya sa akin at napansin naming napangiwi siya.

"Oo." Sagot ko naman. "San ka ngayon?" Para maiba yung usapan.

"Dito ako sa parking lot ng school." Sagot niya. "Ikaw, san ka na?"

Napataas naman ng kilay si Abby ng marinig na nagsabi si Ara ng totoo.

"Ah, ano." Shit! Di ako sanay nagsisinungaling. Lalo na't kay Ara pa! "M-malapit na kami."

"Ingat kayo ha?" May pag-aalala sa boses na sabi niya. Napangiti naman ako sa concern niya sa akin... I mean sa amin. "Kindly tell Abby to drive safely?"

Napangiti si Abby sa narinig. "Sure."

"Hey, Arabella." Sumabat na si Abby.

"A-abby?" She hesitated.

"Yes, it's me." Sagot ni Abby.

Nakita namin ng may isang lalake na lumapit sa kanilang grupo at may hawak na bouquet ng red roses. Nagsalubong ang kilay ko ng iniaabot nung lalake yung bulaklak kay Ara. Ayaw naman tanggapin nung isa. Nagpumilit yung lalake na ibigay yun kay Ara. Para makaiwas, tumayo si Ara at lumayo sa lalake.

"Abby, I'm sorry. What was that?" She said.

Hinabol naman siya nung lalake at para pa yata itong nagmamakaawa. Di namin masyado marinig yung sinasabi nito kay Ara dahil tinakpan niya yung mouth piece nung phone niya.

Bubuksan ko na sana yung pintuqn ng kotse ng pigilan ako ni Abby sa braso saka umiling iling na parang sinasabing wag muna ako magpapakita.

Parang gusto ko kasi sugurin yung lalake sa kakulitan nito kay Ara na pilit umiiwas sa kanya.

Seducing AlexandraDonde viven las historias. Descúbrelo ahora