Chapter 9 Everytime We Touch

43.9K 1K 23
                                    

"Everytime we touch, I get this feeling, and everytime we kiss I swear I could fly. Can't you feel my heart beat fast, I want this to last. Need you by my side. 'Cause everytime we touch I feel the static, and everytime we kiss I reach for the sky. Can't you hear my heart beat so I can't let you go. I want you in my life." – Cascada


Ara POV


Pupungas-pungas akong bumangon the next morning. Pangatlong araw ko na dito sa hacienda pero hanggang ngayon sa tuwing gigising ako sa umaga, naninibago pa rin ako at iniisip kong nasan ako.

I miss my room. Ang sakit sa likod humiga dito sa kama. Hindi rin ako agad nakakatulog sa gabi. Hindi naman mainit dito, actually nga medyo malamig yung simoy ng hangin. Siguro dahil na rin sa malapit na ang December. Simoy pasko na eh.

And that would be, how many days from now? Haist... If di ako kikilos ng mas mabilis, kung hindi ako gagawa ng paraan sa lalong madaling panahon, by next year, wala na kaming negosyo at wala na din kaming bahay.

Kaya kahit na may alinlangan ako at takot sa puso ko sa ginagawa kong pang-se seduce kay Alexandra. Alinlangan dahil hindi ko alam kung saan patutungo yung mga pinaggagawa ko o kaya magagawa ko man iyong misyon ko ng matagumpay. Takot kasi sa tuwing magkasama kami ni Alex, hindi ko mapigilan yung attraction na nararamdaman ko sa kanya.

Pero di ba nga sabi mo sexual attraction lang naman? No string attached. Sabi naman ng isipan ko.

Napahugot ako ng malalim sa isiping iyon. Another day. Nanlalatang bumangon ako sa kama kinuha ko na yung tuwalya at maliligo na ako. Baka kapag na-late na naman ako kung anong parusa na naman ipataw sa akin ni Alex. Hanggang ngayon nga masakit pa rin yung mga braso ko at balakang sa pagbubunot ng letcheng niyog na yun. Lumabas ako ng kuwarto na hindi na nag-abalang magsuklay o tingnan man lang ang itsura ko sa salamin. Wala namang ibang tao dito sa bahay nila nana.

Naghihikab pa na tuluyan na akong lumabas. Napatigil yata yung ikot ng mundo ko at tuluyang nagising ang antok na antok kong utak. Paano, nasa kusina si Alex nagkakape at nagsasawsaw ng pandesal. Natigil ito ng makita ako.

Agad akong tumalikod at bumalik sa kuwarto. Mabilis akong nagtungo sa may salamin para i-check yung itsura ko. Gosh! Ang gulo gulo ng buhok ko, yung eyebags ko!

Ano ba kasi ginagawa niya dito ng ganito kaaga? Nakakainis! Di pa naman ako prepared.
Agad ko kinuha yung suklay at nag-ayos ng buhok. Naglagay din ako ng facial powder sa mukha para man lang matakpan ng konti yung nangingitim na eyebags ko. Nang masigurong maayos na ako tingnan, lumabas na ulit ako.

"Magandang umaga sayo, Arabella." Pormal ang mukhang bati sa akin ni Alex pero halata naman ang panunukso sa kanyang mga mata.

"Walang maganda sa umaga." Inis kong sagot dito at tumungo na sa banyo.

Huminga ako ng malalim. Bakit ba kasi nandito siya eh? Natetense yata lahat ng parte ng katawan ko pag nasa tabi tabi lang siya. Bago pa ako magkaugat dun sa loob ng banyo, naghubad na ako ng damit at nagbuhos ng tubig gamit ang tabo.

"Ah!" Napatili ako sa sobrang lamig nung tubig, nanginig yata ang kalamnan ko.

"Ano nangyari sayo diyan?!" Narinig kong tanong ni Alex na kumatok pa sa pinto ng banyo.

"W-wala." Nanginginig na sagot ko.

Bakit ko ba kasi nakalimutan maglagay ng mainit na tubig? Di ba wala naman silang heater dito? Nasan na ba ang utak mo?

Ilang saglit pa'y narinig ko ang mga yabag nitong palayo mula sa pintuan ng banyo. At kahit sobrang lamig nung tubig, pinagpatuloy ko pa rin yung pagligo.

Seducing AlexandraWhere stories live. Discover now