“Wala tayong dapat pag-usapan.”
“Meron. Alam mong meron. Look, Jazel, it was my fault, okay?”
“Pinagtatakpan mo ba siya? Pinagtatakpan mo bang pinopormahan ka rin niya?”
“No! Of course not! Magkababata kami, Jazel, ano ba!? Wala siyang gusto sa akin at wala rin akong gusto sa kanya!”
“May dalawang tao bang walang gusto sa isa’t-isa tapos naghahalikan?”
Meron, actually. ‘Yung mga malalandi. Gusto kong sabihin sa kanya ‘yun, pero hindi ko ginawa. Baka mali pa ang maging dating sa kanya eh. “It was an accident,” protesta ko.
“Ang isang aksidenteng katulad ng ganoon ay hindi tumatagal ng ilang segundo. You were kissing for how long? Thirty seconds? More?”
“We were not kissing. Ako lang ang humalik at—”
“I know what I saw, Miki. At kung pinagtatakpan mo siya, stop it. Puwede ba? Huwag niyo na akong gawing tanga! Alam ko naman eh! Alam ko naman dati pa na wala akong laban sa’yo! Kaya nga hindi ako makapaniwala noong sinabi niya sa aking gusto niya ako at liligawan niya ako! Dahil alam ko sa simula pa lang, ikaw na talaga!”
“You’re wrong! It was never me! It was you! Ano ka ba!?” I snapped. “Bulag ka ba, ha? Hindi mo ba nakikitang mabait siya sa’yo? Hindi mo ba nakikita kung paano niya ako laitin? Awayin? Hindi mo ba nakikita kung paano niya ako iniinsulto!?”
“He does that only to you!”
“That’s because he dislikes me!”
“Magkababata kayo! How can he dislike you?”
“We’re like siblings! Ano ka ba!? Sa’yo pa nga nanggaling ‘yun, ‘di ba?”
“No, pinaniwala ko lang ang sarili ko na parang magkapatid lang kayo when in fact alam kong hindi ‘yun ganoon! Pero sana hindi niyo ako pinaniwala!”
“Ang kulit mo naman, Jazel! Wala nga sabing namamagitan sa amin, okay? It was my fault! I just—”
Nagulat ako noong bigla niya akong tinulak. “I admired you. I almost worshipped you. But you betrayed me. Now I loathe you, Miki Yamashina.”
“Jazel—”
Muli niya akong tinulak at dahil nawalan ako ng balanse, muntik akong matumba. Pero muntik lang dahil may sumalo sa likuran ko. “Jet?” gulat kong tanong.
Hindi siya nakatingin sa akin. Kay Jazel siya nakatingin. “Jazel, let’s talk.”
Tiningnan kami ni Jazel. “You... you both betrayed me,” naiiyak niyang sabi.
“I did not betray you,” mahinang sabi ni Jet. Hahawakan na dapat niya ang kamay ni Jazel, pero nilayo ito ni Jazel sa kanya. “Jazel, please let me explain.”
“Me, too,” I said desperately.
“What is there to explain? Pinagmukha niyo akong tanga! Bakit? Dahil ba mabait ako? Dahil ba sinasabi niyong para akong anghel kaya ayos lang na saktan niyo ako? Dahil mapapatawad ko rin kayo!?”
“No! That’s not it! Ano ka ba, Jazel!?” medyo naiinis kong tanong.
“I’m leaving,” biglang sabi niya.
Kumunot ang noo ni Jet. “No, Jazel. Don’t leave.”
Tumawa nang mapait si Jazel. “Bakit? Pipigilan mo ako? Huwag na. Diyan ka na lang kay Miki. Inyong-inyo na ang isa’t-isa. Tutal mas bagay naman kayo eh. Maghahanap ako ng para sa akin.”
“Don’t do that. Jazel, you’re mine,” seryosong sabi ni Jet. “Dito ka lang sa tabi ko. Hindi ka aalis. Walang ibang magmamay-ari sa’yo. Sa akin ka lang.”
“Hindi!” sigaw ni Jazel. “Hindi mo ako pag-aari! Naririnig mo ba ako, ha, Jethro Young!? Hindi mo ako pag-aari!”
“You said your heart is mine,” mahinang sabi ni Jet.
“Bakit, Jethro? Sa akin din ba ang puso mo?” sigaw ni Jazel sa kanya. “Huwag mong angkinin ang puso ko dahil hindi mo naman kayang ibigay sa akin ang puso mo!”
And that was the last thing we ever heard from Jazel de Vera.
Pagkatapos ng araw na iyon, nalaman na lang naming umalis na siya mula sa bansa at hindi na namin alam kung saan siya nagpunta.
~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~
“Anong iniisip mo?”
Muntik akong napasigaw nang dahil sa gulat. Ano bang ginagawa niya rito? Ni hindi ko man lang naramdamang dumating siya. “Wala. Wala naman.”
“Hindi ako naniniwala.”
“Eh ‘di ‘wag. Nagtanong ka pa.”
“Ang sungit. May dalaw ka ba ngayon?”
“Ikaw ang dadalawin sa puntod kapag hindi mo ako tinigilan,” I snapped.
Bigla siyang ngumisi. “You’re back.”
“Huh?”
“Akala ko kung saang planeta na napadpad ang prinsesa ko eh.”
“Anong pinagsasabi mo? Sinong prinsesa? Nandoon sa rooftop ang prinsesa mo, hinihintay ka.”
Nanliit ang mga mata niya. “Are we having this discussion again?”
“Yes. And you should go na. You promised me. Sabi mo kakausapin mo siya.”
“Iyon ba talaga ang gusto mong mangyari?”
“Gusto kong magkausap kayo.”
Tiningnan niya ako nang matagal. “Fine,” inis niyang sabi. Tumayo siya at tumalkod sa akin.
Sa totoo lang…
Sa totoo lang, gusto ko siyang pigilan…
Gusto kong sabihin sa kanyang huwag siyang umalis…
… huwag niya akong iwanan.
Pero ayokong maulit ang mga sandaling iyon. Ayokong magkaroon ulit ng panibagong ala alang katulad noong gabing iyon. Bumaba siya at nakita ko siyang naglakad papalayo sa punong kinaroroonan ko. Hindi ko alam kung bakit mabigat sa dibdib ko ang nakikita kong eksena.
… ang palalakad niya papalayo sa akin.
… ang pagpunta niya sa taong nagmamay-ari ng puso niya noong pa man.
… ang paglalayo ng aming mga kapalaran.
Just like what happened once upon a spring under the cherry blossom tree…
… one day, this scene will just be a memory.
~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~
YOU ARE READING
Once Upon A Spring
Teen Fiction“I used to believe in fairy tales… Then an evil beast sealed my fate with his own.”
Spring Twenty Two: "Memory"
Start from the beginning
