Spring Twenty Two: "Memory"

Start from the beginning
                                        

Hindi ko alam kung anong susunod kong gagawin. Pumikit ako, pero hindi ko nilayo ang mga labi ko sa mga labi niya.

And I didn’t realize that I started kissing him.

The next thing we knew, we parted because someone gasped. And we both saw them.

Nakatayo si Jazel habang nakatatakip ang isang kamay sa bibig niya samantalang si Kenshin naman ay umiiling.

“You…” panimula ni Jazel. Hindi niya alam kung kanino siya titingin—kung sa akin ba o kay Jet.

Tumalikod si Kenshin. Without a word, he left. Umatras si Jazel. “Jazel, wait,” panimula ni Jet.

Hindi nagsalita si Jazel. Tumalikod siya at tumakbo. Hahabulin na dapat siya ni Jet, pero pinigilan ko siya. “I’ll explain to her!” natatarantang sabi ko.

“Huwag na. Baka mas lumala pa,” iritadong sabi niya sa akin.

“Pero—”

“Huwag na nga,” malamig niyang sabi.

“Jet, I’m sorry.”

“Sorry? Don’t you realize what you just did?”

“Hindi ko—”

“Sinasadya? Alam kong sinadya mo ‘yun, Miki.”

“Fine! Sinadya ko ‘yun, pero hindi ko naman alam na makikita ni Jazel ‘yun!”

Binigyan niya lang ako ng isang malamig na tingin. “You just ruined it, Miki. You just ruined our tale.”

“I’m sorry.”

Tumalikod na siya sa akin at umalis. Napaupo ako sa damuhan. Hindi ko napigilan ang sarili kong umiyak. Nakakainis! Hindi ko naman talaga alam eh! Hindi ko naman alam na makikita ni Jazel iyon. Ginawa ko iyon para madispatya si Kenshin at para makaganti kay Jet dahil sa pagtapak niya sa pride ko. Alam ko kasing maiinis siya nang sobra doon at gusto kong ipamukha sa kanya na kaya ko siyang inisin. Hindi ko naman alam na makikita ni Jazel iyon.

Suminghot ako hanggang sa may naramadaman akong nagpatong ng jacket sa likuran ko. Noong tumingala ako, nagulat ako dahil nakita ko siya. “Jet?”

Inalalayan niya akong tumayo.

“Jet, bakit nandito ka pa? Akala ko ba ay hahabulin mo siya at magpapaliwanag ka sa kanya?”

“Hindi naman kita puwedeng iwanang mag-isa rito,” asar niyang sabi.

Lalo akong nakunsensiya. I swear,  I will really make it up to them.

~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~

Kinaumagahan, alam kong sinusubukang kausapin ni Jet si Jazel, pero iniiwasan niya ito. Sinubukan ko ring lapitan si Jazel, pero wala eh, iniiwasan din ako. Hanggang sa umalis na kami sa hometown namin at bumalik sa akademiya.

Araw-araw ganoon ang eksena. Iniiwasan kami ni Jazel. Mabuti na lang at hindi alam sa campus ang tungkol kay Jet at Jazel dahil kapag nagkataon, malamang isyu iyon. Hindi rin naman alam sa buong campus na malapit kami ni Jazel sa isa’t-isa dahil si Riki ang palagi kong nakakasama noon pa man. O kaya si Jet kahit na palagi kaming nag-aaway. Wala namang nakaalam sa nangyari. Kaming tatlo lang talaga.

Minsan ay hindi pumasok sa klase si Jazel. Nadatnan ko siya sa rooftop na madalas kong tinatambayan.

“Mag-usap tayo,” mariing sabi ko.

Once Upon A SpringWhere stories live. Discover now