Spring Twenty Two: "Memory"

Start from the beginning
                                        

“Sino ngang kausap mo?”

“Pakialam mo ba?”

“Sino nga?”

“Si Kenshin. Bakit ba?”

“Kailan kayo ikakasal?”

Tiningnan ko siya nang matalim. “Are you seriously asking me that? Ang bata-bata ko pa, utang na loob naman.”

“Pakialam ko ba sa edad mo? Kailan nga?”

Leche. Ayoko talaga siyang kausap. “Pakialam mo ba kung kailan?”

“Kung sabagay, wala naman akong pakialam kahit magpakasal ka eh. Pero dapat magpasalamat ka pa nga dahil may mapapangasawa ka.”

Ano raw!? “Anong gusto mong palabasin?”

“Wala. Dapat magpasalamat ka dahil wala kang kahirap-hirap na makabingwit ng mapapangasawa. Sa ugali at topak mong ‘yan? Malas lang niya dahil wala siyang magagawa kundi pakisamahan ka dahil siya ang mapapangasawa mo.”

“How dare you say that to me!? Hoy, Jethro Young, kung makapagsalita ka, akala mo naman eh sobrang bait mo! FYI, you’re one evil beast and the most evil one na nakita ko sa tanang buhay ko!”

“Correction. I’m not the most evil one. I’m the only one,” nakangising sabi niya.

“See!? I really don’t know kung anong nagustuhan ni Jazel sa’yo! Bulag talaga ang babaeng ‘yun!”

“She’s not blind. She just has the highest standards. And I really pity your fiancé. He has no choice but to marry a girl like you.”

Napanganga ako. As in… literal na napanganga. Grabe siya makapagsalita! Nananahimik ako rito tapos ginugulo niya ang gabi ko? No, Jethro Young, you don’t do that to me!

Napakagat ako ng labi. Hindi ako magpapatalo. Sinasagad niya ang pagtapak sa pride ko. Isinusumpa ko, Jethro Young, pagbabayaran mo ang mga binitiwan mong salita.

Alam ko naman eh. Alam ko namang hindi ako mukhang prinsesa. Hindi ako puwedeng maging bidang prinsesa sa fairy tale. Hindi bagay sa akin. Wala akong charm ng isang prinsesa. Tapos sabi nila wala rin daw akong kahinhinan sa katawan. Magaspang daw ako kumilos.

Pero gusto ko rin naman kasi maranasan iyon. Gusto ko rin namang maging bida sa loob ng isang kuwentong fairy tale…

At dahil sa mga sinabi ni Jethro, mas lalo akong naging against sa engagement namin ni Kenshin. I’ll show him! I’ll show him na hindi ko iaasa ang kuwento ko sa tradisyon. I’ll show Jethro Young na ako mismo ang susulat sa sarili kong fairy tale. Ako mismo ang pipili ng Prince Charming ko.

Magsasalita na dapat ako noong bigla kong narinig ang boses ni Kenshin. “Miki? Nandito ka ba?”

Oh, no. Natataranta akong lumingon, pero hindi ko siya nakita. Lumingon din si Jet.

“Mukhang sinusundo ka na ng prinsipe mo,” nakangising sabi niya.

At dahil sinagad niya na talaga ang pasensiya ko, sumabog na ang lahat ng kinikimkim kong emosyon.

I pulled him closer to me and placed my arms around his neck.

I took no time to waste.

I kissed him…

… on the lips.

Kung nagulat siya, mas nagulat ako. Pero hindi ako lumayo sa kanya. At dahil nga nagulat siya, hindi niya ako nagawang itulak papalayo sa kanya.

Once Upon A SpringWhere stories live. Discover now