“Nasasabi mo lang ‘yan kasi sabay kayong lumaki since you were in diapers. Parang magkapatid kasi kayo. Ganyan talaga,” sabi niya.
“Excuse me lang. Wala akong kapatid na beast.”
“Ayan, pati ugali at personality niyo eh pareho.”
“So sinasabi mo bang halimaw ako? Kung nilulunod kaya kita diyan?”
“Ayos lang. Sasagipin naman ako ni Jethro,” natatawang sabi niya.
“Yuck. Kung katulad rin lang ni Jet ang sasagip, papakalunod na ako.”
“Eh ako naman ang sasagipin niya eh.”
“Oo nga. Kaya nga nagpapasalamat ako dahil hindi ako ikaw.”
“Ay, kapag nangyaring ako ay ikaw, goodness! Idol!” masiglang sabi niya.
Idol? “Tigilan mo nga ako, Jazel,” sabi ko. Ayokong tinatawag akong ganoon. Nakakailang at pakiramdam ko ay binobola lang ako.
“Eh bakit ba? Basta idol kita. Sana kasingganda at kasing-talino mo ako.”
“Bakit pa? Wala namang problema sa’yo, ah? Nakita mo nga itong si Jet, patay na patay sa’yo,” sabi ko. Eh sa mala-anghel ang mga tipo ni Jethro eh. ‘Yung mga damsel in distress? Ganoon.
“Mahal ko siya, Miki,” biglang sabi ni Jazel. “Mahal na mahal.”
“Huh? O, tapos? Eh ‘di sagutin mo na siya.”
“Pero minsan kasi… naiisip ko kung bagay ba talaga kami. Para kasing he’s too good for me eh.”
“Ang corny naman. Ano ito, drama? May nalalamang ganoon? Alam mo, OA ‘yan, promise. ‘Yung tipong he’s too good for you or you’re too good for him? Bullshit. Walang ganyan. Kung gusto ka niya at gusto mo siya, anong pakialam ng qualifications doon? The fact na nagustuhan niyo ang isa’t-isa, ibig sabihin eh you both bypassed the qualifications. Ah, ewan. Don’t make me explain,” sabi ko.
“Ang taray mo talaga. Pero… bet ko ‘yan,” natatawang sabi niya. “Miki, mahal ko talaga siya.”
“Paulit-ulit?”
Ngumiti siya. “Balak ko siyang sagutin mamayang gabi.”
“Go.” Inilubog ko sa tubig ang ulo ko. So, magkakaroon na ng girlfriend si Jet. For sure hindi na kami masyadong magkakasama o magkakatagpo ang mga landas namin.
So? Buong buhay ko na siyang nakasama kaya ayos lang ‘yun. Umay na umay na ako sa pagmumukha niya.
~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~
“Ayoko nga sabi,” sabi ko sa telepono.
“Pupuntahan kita diyan.”
“Huwag na. Sabihin mo na lang na hindi mo ako nakita.”
“Ayokong magsinungaling. Gusto ka nilang makita. At isa pa, mag-uusap tayo.”
“Wala na tayong dapat pag-usapan pa.”
“Meron. Pupunta ako diyan ngayon din.”
Hindi na ako nakapag-react dahil ibinaba niya na ang telepono. Buwiset. Gusto kong itapon ang mobile phone ko sa pond. Sinipa ko ang batong nasa paanan ko. Sumandal ako sa puno ng sakura at nagbuntong-hininga.
“Sinong kausap mo?”
Lumingon ako sa left side ko. “Oh, ikaw pala. Ba’t nandito ka?”
YOU ARE READING
Once Upon A Spring
Teen Fiction“I used to believe in fairy tales… Then an evil beast sealed my fate with his own.”
Spring Twenty Two: "Memory"
Start from the beginning
