“Naman! Ikaw ang dapat kong tinatanong niyan!” sabi ko. “Alam mo bang na-corner ako ni Kenshin kanina? Mabuti at nakatakas ako.”
“Himala, pinatakas ka niya,” sabi ni Riki.
“Naalimpungatan yata dahil sa sinabi ko.”
“Anong sinabi mo?”
“Wala. Basta ‘yun na ‘yun. Tara, magbabad na tayo!” excited kong sabi.
“Sasama ako!” masiglang sabi ni Jazel.
“Oh, eh ‘di bilisan mo,” sabi ko.
“Teka,” sabi ni Jet kay Jazel. “Pupunta ka talaga doon? Maraming lalaki rito. Baka masilipan ka pa.”
“Ang OA nito. Kung masisilipan siya, eh ‘di lahat na kami nasilipan?” iritadong sabi ko.
“Hindi kita kinakausap,” masungit na sabi ni Jet sa akin.
“Ikaw ba ang kausap ko?” mataray kong tanong sa kanya.
Bago pa siya makahirit eh inirapan ko na siya at naglakad papunta sa hot springs. Ito namang si Jazel, sumunod sa akin. “Later, Jet. I’ll be fine,” masiglang sabi niya kay Jet.
Naku lang. Sobrang OA ng peg nila. I mean, hindi pa nga sila eh. Ligawan stage. Eew. Kakakilabot. Hindi ko talaga bet ang mga ganyang modes. Ni hindi nga ako mahilig manuod ng mga Asian dramas eh. Ah, unless horror or mystery ang genre. Pero romance? Pakamatay na ako kapag nanuod ako ng ganoon. Hindi bagay sa akin.
Siyempre hindi naman puwedeng kasama namin si Riki sa tatambayan namin. Doon siya sa kabila at dahil hindi bet ng ibang babae magbabad ngayon, kaming dalawa lang ni Jazel ang tumabay.
“Sayang ‘yung mga ‘yun,” sabi ni Jazel. “Spring daw kasi. Mas gusto nilang winter kaya maglalaro na lang daw sila sa recreational room.”
Nagkibit-balikat ako. Pakialam ko ba sa kanila? Basta gusto kong magbabad sa tubig ngayon. Pampawala ng stress sa muli naming pagkikita ni Kenshin.
“May fiancé ka na pala, Miki,” nakangiting sabi ni Jazel.
“So?” tanong ko.
“Nakakatuwa naman.”
“Anong nakakatuwa doon?”
“Parang fairy tale lang eh. ‘Yung katulad ng mga nababasa ko? Parang novel,” she said dreamily. “Ang romantic.”
“I don’t see what’s romantic about it,” I muttered. I mean, romantic ba ‘yung ipapakasal ka sa taong hindi mo naman pinili o mahal? Bullshit kaya ‘yun. Hindi ako fan ng Romance Department. Pero kahit na papaano ay dumaan din naman ako sa stage na nagustuhan ko ang fairy tales. At kahit hindi ako fan ng romance, hindi ko naman itatangging iba pa rin kasi ang fairy tales eh. Parang light lang. Tipong magical. Hindi ‘yung heavy romantic dramas na magpapasabog ng dibdib ko. I mean, no way. Hindi ko trip sikmurahin ‘yun.
“Sana ganoon din ang love story ko,” nakangiting sabi ni Jazel.
“Eh nandiyan naman si Jet eh. Gumawa kayo ng kuwento niyo,” sabi ko.
Nagliwanag ang mga mata niya. “Bagay ba talaga kami, Miki?”
“Oo. Isang anghel at isang beast. Perfect match made in purgatory,” sabi ko.
“Grabe ‘to,” natatawang sabi ni Jazel. “Hindi naman beast si Jethro eh. In fact, he’s a prince.”
“Prince? ‘Yung kulugong iyon? Yuck.”
YOU ARE READING
Once Upon A Spring
Teen Fiction“I used to believe in fairy tales… Then an evil beast sealed my fate with his own.”
Spring Twenty Two: "Memory"
Start from the beginning
