“Oo, alam ko. Pero hindi ka naman nila ipapakasal kaagad. Alam naman nilang matayog pa ang pangarap mo.”
“Eh binigyan na nga ako ng fiancé eh,” I muttered, though I wished I hadn’t said it.
Tiningnan ako ni Kenshin nang matagal. “Miki,” mahinang sabi niya.
“Oh?”
“Bakit ayaw mo sa akin?”
Kumurap ako. Ano ba namang tanong ‘yan!? I mean, required bang sagutin? “Ano… Ken… Kasi… paano ba? Hindi naman sa ayaw ko sa’yo—”
“Gusto mo ako?”
“Hindi! I mean, ano ba ‘yan? Ang hirap naman!” reklamo ko. Napakamot ako ng ulo. “Ken, bata pa kasi ako. I mean, marami pa akong hindi alam at kailangang malaman. I mean… ugh. Basta! Basta bata pa ako. Ayoko pa ng fiancé. At isa pa, well, matanda ka na kaya.”
Tumaas ang dalawang kilay niya. “For your information, Miki, I’m only twenty years old.”
“So? Graduate ka na ng college. And I’m just… well, high school pa lang ako, Ken, utang na loob naman. Six years. I mean, oo nga, there’s nothing wrong with the age gap. Pero you’re there na eh. I still have a long way to go pa.”
He folded his arms. “So what are you saying?”
“I don’t wanna be engaged,” nanlulumong sabi ko.
“Bakit? Hindi naman kita minamadali, ah? Hihintayin naman kita. Anong problema doon? Maliban na lang kung—”
“Kung ano?”
“—kung may iba kang nagugustuhan,” nakakunot-noong sabi niya.
Huh? Excuse me lang. Wala nga akong ibang focus kundi ang sarili at pangarap ko lang, tapos may magugustuhan ako? Asa. Pero siyempre hindi ko sinabi sa kanya iyon. “Kenshin,” panimula ko.
“We’re not having this discussion. We’re already engaged, pero hindi naman kita minamadali. Hihintayin naman kitang tumuntong sa tamang edad.”
“Pero wala akong nararamdaman para sa’yo,” sabi ko.
Natigilan siya. Oops. Nakawala na naman ang pagiging pranka ko. Na-offend ko pa yata siya eh.
Mabait naman si Kenshin. Guwapo. Hot. Matalino. Mayaman. Actually, almost perfect nga eh. Almost perfect para maging isang prinsipe. Siya ang prinsipeng pinapangarap ng mga prinsesa. Kung tutuusin nga eh wala na akong kahirap-hirap na makuha siya dahil ako ang babaeng ipapakasal sa kanya.
But I want to write my own fairy tale and find my own prince…
“Hindi mo ba ako tatanungin kung may nararamdaman ako para sa’yo?” mahinang tanong niya.
“Hindi. I mean, wala naman, ‘di ba? Napilitan ka lang naman, ‘di ba? Tradition ‘yun, I know. And I know na you want to maintain your good son image,” mabilis kong sabi. “Please, Kenshin, just tell them na hindi mo ako nakita. Doon na muna ako sa hot spring tutuloy.”
Mabilis akong tumalikod sa kanya at hindi naman niya ako pinigilan. Mabuti naman. I know naman na sobrang daming girls pa ang deserving para sa kanya. Hindi ako iyon. Sana maisip niya ‘yun.
Noong dumating ako sa hot spring, nandoon sina Jethro at Jazel. Nandoon rin sina Riki at ang iba pa naming mga kaklase.
“Where have you been?” iritadong tanong ni Riki sa akin.
YOU ARE READING
Once Upon A Spring
Teen Fiction“I used to believe in fairy tales… Then an evil beast sealed my fate with his own.”
Spring Twenty Two: "Memory"
Start from the beginning
