Spring Twenty Two: "Memory"

Start from the beginning
                                        

“Sasama ako!” sabi ni Jazel.

“Huwag na,” biglang sabi ni Jet. “Mababagot ka lang doon.”

Tiningnan ko siya. “At anong nakakabagot doon?” asar kong tanong sa kanya.

“Wala namang gagawin doon kundi magbabad sa tubig,” sagot niya.

“Pakialam mo ba? Sinasama ba kita?” Leche talaga ‘tong lalaking ito. Panira palagi.

“Hindi naman ako mababagot kapag kasama si Miki,” masiglang sabi ni Jazel.

“Eh kay Jet ka na lang sumama,” reklamo ko.

“No, Miki. I want to see your hometown. Saka doon din naman ang hometown mo, ‘di ba, Jet?” nakangiting tanong niya kay Jet.

Sinimangutan ko sila. Nasasayang ang oras ko sa dalawang ito. Kung bakit pa kasi sila ang kasama ko sa grupo eh. Nasaan na ba kasi si Riki!?

Tumalikod na ako sa kanila at saka naglakad papunta sa village namin. Hindi ko alam kung anong pinag-usapan nila at nakasunod silang dalawa sa akin.

Pero, leche, sana hinintay ko na lang sila. Hindi ko naman kasi akalaing makakasalubong ko si Kenshin.

“Miki.”

Shit. Napatras ako. “Kenshin.”

“Mabuti at nandito ka na. Pinapasundo ka ng lolo mo.”

Oh, no. Ito ang dahilan kung bakit ayokong umuuwi minsan sa lugar na ito eh. “Later na lang, Kenshin. May pupuntahan pa ako.”

“Ngayon na, Miki,” seryosong sabi niya.

“Pero—”

Agad niyang hinawakan ang kamay ko. “Tara na.”

“Ayoko nga,” reklamo ko. Pilit kong binabawi sa kanya ang kamay ko, pero mahigpit niyang hinawakan iyon. Nagulat na lang ako noong may humila sa isang kamay ko at inilayo ako kay Kenshin.

“Jethro,” seryosong sabi ni Kenshin.

“Kung ako sa’yo, hindi ko hahawakan ang kamay ni Miki. Hindi mo ba alam? May virus ‘yan,” nakangising sabi ni Jet.

Tiningnan ko siya nang masama. “Hoy—”

“Her grandfather wants to see her. Now,” mariing sabi ni Kenshin.

Humawak sa braso ko si Jazel. “Sino siya, Miki?” bulong niya.

Nagbuntong-hininga ako. “My fiancé.”

Tumingin sa akin si Kenshin. “Mabuti at alam mo. Tara na. At huwag kang makialam,” sabi niya kay Jet.

Bago pa man nakapagsalita si Jet at Jazel, kinaladkad ako ni Kenshin papalayo sa kanila. Hindi na ako nakapag-react dahil seryoso ang awra ni Kenshin. Medyo ayokong galitin siya right now eh. Baka biglang topakin tapos ikasal kami ora mismo. Eew.

“Ken,” mahinang sabi ko. “Ayokong pumunta doon.”

Tumigil siya sa paglalakad at tiningnan ako nang matagal. “Bakit?”

“Eh kasi… well, alam mo naman, ‘di ba? Kukulitin lang nila ako tungkol sa… ano…” Feeling ko eh namumula na ako dahil umiinit na ang pisngi ko.

“Tungkol sa pagpapakasal sa akin? Hindi naman siguro. Isa pa, bata ka pa.”

“Eh ganoon ‘yun,” protesta ko. “I mean, alam mo namang maaga nilang pinapakasal ang mga babae sa angkan namin, ‘di ba?”

Once Upon A SpringWhere stories live. Discover now