PROLOGUE

533 26 1
                                        

Naglalakad ang mag ina sa parke. Hindi namalayan ni Joohyun na wala na pala sa tabi niya ang kanyang anak dahil may kausap ito sa telepono.

Tumakbo ang kanyang anak papunta sa isang stall kung saan maraming lobo'ng binebenta.

Hindi lingid sa kaalaman niyang naroon din pala ang dating mga fans ng kanyang ina.

Tinitigan nila ang bata't nagtaka kung bakit wala itong kasama. Nilapitan nila ito't kinausap.

"Hello baby!"bati ng isa.

Tinitigan lamang ito ng bata saka muling ituon ang atensyon sa mga lobo.

"Gusto mo niyan?" Tanong ng isa. Otomatikong napatingin ang bata sa babaeng nagsalita saka tumango.

"Asan ang mommy mo?" Tanong muli ng babae.

Tumingin si Jaehyun sa dereksyon ni Joohyun na nanatiling nasa kanyang telepono. Laking gulat ng mga ito ng napagtantong, ito ang dating myembro ng isang girl group na dati'y kinababaliwan nila.

Napatingin sila doon atsaka tumingin uli sa bata.

"Eh asan ang papa mo?"

Yumuko ang bata saka umiling iling.

Parang may bigla nalang pumasok sa isip ng dalawang babae't napangiti.

"Alam ko kung nasaan ang papa mo.." Sambit ng isa.

Napatingin si Jaehyun sakanila't bakas sa mata ang pagkagulat.

"Ayun oh.." Sabi nito't tinuro ang isang lalaking nakaupo sa damuhan kasama ang kaniyang mga kaibigan.

Si Taehyung ng BTS.

***

"Sigurado kabang okay lang na iniwan natin 'yung bata don Gian?" Tanong ng babae sa kaibigan.

"Oo naman, bakit mo naman natanong?" Sagot nito.

Tumigil ito sa paglalakad.

Napabuntong hininga ang babae't napatingin ng deretso sa mata ng kaibigan.

"Baka kasi kung anong gawin ni V don, alam mo namang kalahating elyen, kalahating demonyo yon!"

"Ace, yun nalang ang natatangi nating paraan para matupad ang pangarap nating 'Vrene' noon.." Pagpapaliwanag ng kaibigan.

"Sana nga walang gawing masama si Taehyung sa bata.."
Sabi nito't nagpatuloy sa paglalakad.

***

(Vrene shipper din pala tong mga to hahaha)

DONT FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW! :----) Thank yoooou!

Daddy Bwi | K.THWhere stories live. Discover now