6

57 3 2
                                    

What I felt last time when he went near me was real weird and I couldn't help but slap myself to stop the thoughts from running through my messy and malicious mind.

Pinilig ko ang aking ulo at ibinalik na ang atensyon sa pagluluto ng almusal namin nina Christialyn at kuya Carl.

"Van, gising na ba si kuya? Bakit ikaw yung nagluluto? Nandiyan naman si ate Pia, sana iniutos mo na lang." bungad ng kagigising lamang na si Christialyn.

I gave her a smile. "Ano ka ba Chrisha, okay lang naman. Maaga kasi akong nagising at wala rin naman akong magawa kaya naisipan ko na lang magluto ng almusal." tuloy-tuloy kong saad habang inilalapag ang plato na paglilipatan ko ng aking mga niluto.

"Sa sobrang sipag mo talaga pati ako hindi makapaniwala na naging magkaibigan tayo. Di lang pala magkaibigan, best friends pa." aniya habang tumutusok ng hotdog sa plato gamit ang tinidor.

Pinanood ko lamang ang pagnguya nito sa kinakain at hinintay ang susunod na ibabahagi nitong kwento.

Pinakatitigan ko ang mga pagkain sa mesa at napaisip kung nakakain na ba siya.

"Nandiyan ba siya ulit?" biglaang tanong ni Chrisha na muntikan pang maging dahilan ng pagkasamid ko sa aking iniinom na tubig.

Sa una'y naguluhan pa ako sa kanyang tanong ngunit tumango rin agad ng mapagtanto kung sino ang tinutukoy nito.

Pinanood ko ang pag-iling ni Chrisha at bakas sa mga mata nito ang sakit at awa para sa tao na yon sa labas, waiting patiently for kuya Carl.

"Hanggang kailan kaya maghihintay at magtitiis si ate Camila?" hindi ko na napigilan ang nag-uumapaw na emosyon na aking nadarama at napaluha na lamang ako sa naging tanong ni Christialyn.

Maybe, ganoon na lamang ang pagmamahal ni ate Camila kay kuya Carl na kaya nitong magtiis.

"Don't you think it's better for the both of them if she would just let go?"

"Huh? Siguro nga tama ka, ayaw ko rin na nakikita silang nagkakasakitan." tugon nito sa naging tanong ko.

I sighed.

Tinanaw ko lamang ito na nakatayo sa may gate at mataman na naghihintay kay kuya Carl.

Hindi ko maiwasan ang malungkot para sa kanya. Alam ko kasi yung hirap na ipinagpipilitan natin ang isang bagay na hindi naman dapat. At tila nakikisabay pa ang panahon sa lungkot ng mga pangyayari.

"Nagbabadya na ang buhos ng malakas na ulan. Pia! Hala at papasukin mo na sa loob si Camila, baka maabutan pa siya ng malakas na ulan sa labas." may bahid ng pag-aalala sa boses na utos ni Lola Felicia kay Pia.

Agad naman na naglakad patungo sa labas si Pia upang daluhan si ate Camila.

"Sino ho ba ang nasa labas at kailangan pang papasukin dito sa loob?" galing iyon sa isang hindi pamilyar na tinig na nagmumula sa itaas.

Doon ay pinanood namin ang pagbaba sa hagdan ni kuya Carl at ng nakalingkis nitong girlfriend sa kanya. Nakita ko pa sa gilid ng aking mga mata ang pag-irap ni Christialyn sa naging tanong ng girlfriend ng kuya nito.

Ramdam na ramdam ko mula sa aking pwesto ang pagkairita ni Chrisha rito kaya naman hindi na ako nagulat sa biglaan na paghila nito sa akin upang makaalis na sa lugar na iyon. Hinila ako nito sa sala at doon ay inusisa nito ang naging pag-uusap namin ng madalas ni Argel.

"So may dapat ba akong malaman?" she asked while wiggling her eyebrows simultaneously.

"Ano ba namang klaseng tanong yan? Syempre wala dahil wala namang laman yung mga naging pag-uusap namin nung pinsan mo." Na parating may bitbit na aircon, gusto ko sanang idagdag ngunit napagtanto kong hindi naman ito naaangkop sa aming usapan at baka kung ano din ang isipin niya ukol roon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just One Day [ON HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon