"Kumusta ka na rito?" ani Lorenzo na hinawakan pa ang magkabila kong pisngi.

I smiled widely. "I'm okay," sagot ko sabay singhot. I faced my siblings again with a wide grin on my face.

Titus handed me a white handkerchief at agad ko iyung siningahan kaya napangiwi s'ya. Ang lakas ng 'Eww' ni Matteo at napatawa naman ang iba.

When my nose finally cleared up I smelled something sweet kaya napatingin ako sa mga kapatid ko. Mukhang galing sa kanila ang masarap na amoy na 'yun.

"Wear your amulets now, Max," biglang sabi ni Titus na agad tumabi sa akin at hinawakan ang aking kamay.

I felt confused. All I could think about was that delicious smell my brother and sister were emitting.

Lalapit na sana ako sa kanila nang pigilan ako ni Titus at nagmamadali naman ang mga kapatid ko na magsuot ng mga alahas nila.

Wait. Anong nangyari?

Nasapo ko ang noo ko when the air seemed to finally clear up.

"I...I uhm..."

Niyakap ako ni Titus and he let my face bury on his well chiseled chest.

Did I just...?

Napatingin ako sa mga kapatid ko. Pareho silang may ngiti sa mga labi but their eyes said something different.

They were scared.

"My god!" natutop ko ang bibig ko nang ma-realize kung ano ang nangyari. "I'm so sorry. I'm so sorry!" Akmang lalapitan ko sila ngunit agad na hinapit ni Titus ang baywang ko.

What have I done? Isa akong halimaw for craving my brother's and sister's blood.

"Hindi ko sinasadya. I'm so sorry," nagpa-panic kong sabi.

Did I really get tempted?

Kani-kanina lang ay naisip kong magaling na akong ikontrol ang aking bloodlust. Pero hindi pa pala.

Kulang pa. Ipapahamak ko ang mga kapatid ko kapag nagpatuloy ito.

"Ate, wag kang mag-alala. Naiintindihan naman namin eh. Kapag time na naming maging vampire-witch, ikaw naman ang mag-guide sa amin, okay?" nakangiting sabi ni Max.

Luhaan akong napatango. "T-Thank you for being so understanding."

Kawawa ang kapatid ko. Napilitan siyang mag-mature dahil sa sitwasyon namin.

Rianah was smiling but she was crying too. This was just too painful. Seeing them like this and being far from them were just pure torment.

They seemed so near yet so far. I couldn't even touch them now.

Yumakap na lang ako uli kay Titus na agad namang gumanti ng mas mahigpit na yakap. Sa kanya na lang ako kumukuha ngayon ng lakas para makapag-isip ng maayos.

Humagulhol ako sa sobrang bigat ng dibdib ko lalo na at naririnig ko ang hikbi ng mga kapatid ko.

"Sshh... You'll get used to it one day," malumanay na bulong ni Titus sa akin habang hinahagod n'ya ang likod ko.

"Uhm...Dito na kayo maghapunan," basag ni Matteo sa tensyon. "Si Mrs. Octavia pala? How is she?"

Oo nga pala. Si Grams Octavia.

"She's fine," nakangiting sagot ni Faizah. "Actually, isasama sana namin s'ya dito ngayon para magkita naman kayo, Savannah. Pero may lakad siya sa labas ng bayan. May mga herbs silang hinahanap ng mga kaibigan n'ya."

Nakamasid lang ako sa mga kapatid ko habang nagkukwentuhan sila. Hindi ako papayag na magkalayo kami nang tuluyan. Magkakasama rin kami uli. Gagawin ko ang lahat kahit na may maisakripisyo man ako para sa kanila. And no, hindi ko hahayaang pati sila ay malapitan ni Orpheus Gerhardt.

She Was BittenWhere stories live. Discover now