38: Grand Plan

Magsimula sa umpisa
                                    

Narinig ko ang mahinang pagtikhim ni Orpheus kaya napabaling ako sa kanya nang may kunot sa noo.

"Ikuha mo ako ng kape, Yadira," utos nito sa katabi kong babae na agad namang sumunod.

Hindi lang pala Sentry si Yadira dito? Utusan din?

"Ms. Fitzgerald, please have a seat," nauna nang naupo ang lalaki kaya tahimik akong tumalima.

"Why did you call me here?" walang gana kong tanong.

Ngumiti siya na para bang ang bait-bait n'ya. "I know I can do it without asking your permission but I respect your right, so I'm going to ask you personally to bring your younger brother here tomorrow."

Nagulat ako sa sinabi n'ya. Hindi ko iyun inaasahan. "Si Max?"

"Yes, si Maximillian."

"Anong kailangan mo sa kapatid ko? Leave him alone. His vampire blood isn't awaken yet. Even his witch blood. So, he's not a threat to your beloved ISOP," galit kong asik sa kanya.

Tumawa lang siya kaya mas nainis pa ako. "Don't worry. Wala naman akong masamang plano sa kanya. I just want to meet him."

"But why?"

"That's for me to know and you to find out," aniyang nagkibit-balikat lang.

Marahas akong napailing. "Hindi ko hahayaan na saktan mo ang mga kapatid ko. Hinding-hindi ako papayag na makalapit ka sa kanila."

Humalakhak si Orpheus. "In three years, Ms. Fitzgerald, he will be mine also. Just like you're mine now."

"She is not yours."

Sabay kaming napalingon sa mga bagong dating. Near the door were Titus, Nadine and Matteo standing like royalties.

"Who does she belong to then, Mr. Bloodworth? Sa'yo?" natatawang tanong ni Orpheus.

"She belongs to herself. C'mon, Nichola. Leave this lunatic old man," matigas na sabi ni Titus saka ako hinawakan sa kamay at kinaladkad palabas ng conservatory.

Tss. Itong si Titus lang yata ang hindi takot kay Orpheus pero alam ko naman na naroon ang respeto n'ya dito bilang presidente ng ISOP. And well, si Lucinda rin pala. Isa pa 'yun.

Lumabas kami ng mansyon nang tahimik hanggang sa makarating kami sa mga sasakyan nila.

Wala pa rin kaming imikan kahit na nang makarating kami sa mansyon ng mga Brigham.

"Ate!!!" napakalaki ng ngisi ko nang makita ang mga kapatid kong tumatakbo papunta sa direksyon ko nang nakapasok kami sa bulwagan ng mansyon.

"Rianah! Max!" mahigpit ko silang niyakap. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko nang maramdaman sila sa loob ng mga braso ko. I missed them so much. I missed holding them like this.

Dahil sa mga pangyayari ay hindi ko namalayan na mas napabilis ang pagkatuto ko ng kontrol ng aking bloodlust. Everything was happening so fast.

"Miss na miss ka na namin, Ate. Gabi-gabi na lang umiiyak si Rianah dahil wala ka," sumisinghot na sabi ni Max kaya mas napahagulhol ako.

I cried. I loved my younger brother and sister so much but our family's secrets messed us up so freaking bad.

Dahil hindi kami inihanda ng mga magulang namin kaya naging ganito kagulo ang lahat. Dahil hindi ko alam kung paano gawin ang mga bagay-bagay.

"Na-miss ka rin namin," dinig ko mula sa likuran kaya napalingon ako d'on.

"Faizah! Lorenzo!" Niyakap ko rin sila nang sabay nang may kasama pang paglambitin kaya natawa ang lalaki. Alam kong nakita ko sila noong umatake ang mga Turned pero saglit lang 'yun. At may kinailangan kaming gawin n'on.

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon