Chapter 21 Just So You Know

Bắt đầu từ đầu
                                    

Paggising ko kinabukasan, wala na si Alexandra. Ang sabi ni nana maaga pa lang daw ay lumabas na ng bahay. Alam ko naman na sinadya niya iyon para umiwas sa akin. Nakakalungkot lang kasi di man lang niya ako pakinggan. Di man lang niya ako bigyan ng pagkakataong magsalita para sana sabihin naman yung side ko.

Maghapon siyang di umuwi sa bahay. Di ko din alam kung ihahatid niya ako pauwi. Bandang alas dos ng hapon, dumaan si James sa mansiyon para ibigay yung mga gamot para sa mga kabayo. Di na daw siya makakapunta sa kuwadra dahil nga nagmamadali siya dahil pupunta ito ng Laguna.

"Heading home?" Nakangiting tanong niya sa akin ng makita yung backpack ko na nakasukbit na sa balikat ko.

Actually, hinihintay ko talaga si Alex. I'm trying to call her phone kaya lang unattended naman ito. Gusto ko sanang makausap siya bago ako umuwi ng Laguna. Ang ilap naman kasi niya eh.

"Oo sana eh." Sagot ko.

"Lika na sabay ka na sa akin." Aya niya. "May sasakyan ka ba?"

Umiling ako. "Di ako nagdala ng kotse kasi sinundo ako ni Alexandra." And she told me na ihahatid din ako kaya lang hanggang ngayon wala pa siya.

"I can give you a lift." Charming na sabi niya.

"Sige na anak." Sabat ni nana Idad. "Ako na lang bahalang magsasabi kay Alex. Baka gabihin ka pa sa daan kapag hinintay mo pa iyon."

I sigh. Kahit mabigat sa dibdib ay pumayag na akong makisabay kay James. Natuwa naman ito ng pumayag ako.

James is a perfect gentleman though. But I don't find myself attracted to him. Kay Alex lang ako nakaramdam ng ganito kalakas na atraksiyon. And I never expected it either.

"So what's your relationship with Alexandra?" Tanong sa akin ni James nung nasa biyahe na kami palabas ng hacienda.

Sasagot na sana ako ng may sunud-sunod na bumusina sa amin. Tumingin naman si James sa rearview mirror niya at ako naman wala akong pakialam kahit sino pa yan. Basta ang alam ko ng mga oras na iyon, mabigat yung loob ko. Masama ang loob ko kay Alex.

"Mukhang may sumusugod." Natatawang sabi ni James at iginilid yung kotse. Malapit na kami sa bukana ng hacienda.

Nagulat pa ako ng may kumatok sa side ko. It's Alexandra! And di maipinta yung mukha niya sobrang pagkasimangot. James unlocked the door.

Pagka-click pa lang nung lock ay agad na binuksan ni Alex yung pinto sa side ko. Dumukwang sa loob para tanggalin yung seatbelt ko saka ako biglang hinila sa braso palabas ng kotse ni James at isinara yung pinto.

"Ako na bahala sa kanya James." Matigas na sabi ni Alex ng lumabas din ng kotse si James pero di umaalis dun sa tapat ng driver's side. "Ako na maghahatid sa kanya pauwi."

Hindi umimik si James. Para yatang di nito nagustuhan yung ginawa ni Alex. Nakipagsukatan naman si Alexandra ng titig dito habang mahigpit pa rin ang hawak niya sa braso ko. Ako lang ba o guni-guni ko lang yung tensyon na biglang namayani sa pagitan naming tatlo?

James took a deep breath and say, "Okay." Tipid niyang sagot. "Next time na lang Arabella." Yun lang at pumasok na ulit ito sa loob ng kotse. Bumusina pa ito bago umalis ng tuluyan.

Pagkaalis ni James, hinila ako ni Alex papunta sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger's side. I didn't move.

"Sakay." Madiin niyang sabi.

"Ayoko." Matigas na tanggi ko at pilit kong binawi yung braso ko sa kanya.

Magkasalubong ang mga kilay na tumitig siya sa akin at lumaban naman ako ng titigan dito. Ang lakas ng loob niyang harangin kami ni James at hablutin ako mula sa kotse nung huli gayung di niya ako pinagbuksan ng pinto kagabi at iniwasan ako buong maghapon ngayon.

Seducing AlexandraNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ