Page 38

21.6K 800 48
                                    

Page 38

Eclair's P.O.V

Sabay na kaming pumasok nila Ate Elsie at Kuya Erick sa Hojas University dahil nga sa napag-usapa namin 'yung isyu at okay na rin naman.

At bilang usual naman na pangyayari sa pang araw-araw, heto nanaman ako't napapaligiran ng mga baliw. Sa kaliwa, may tumatawang mag-isa, iyong isa naman habang na biyahe puro pa-make up na pati 'yung buhok niya nahahampas sa pagmumumkha ko.

Inis ko ngang inalis.

Makalipas ang ilang minuto nang makarating na nga kami. Humiwalay kaagad ako dahil iba 'yung classroom na gagamitin ni Ate Elsie ngayon habang sa covered court naman ang diretsyo ni Kuya Erick.

Sa paglalakad ko. Animo'y normal lang, pero habang tumatagal na papasok ako sa building namin ay napapansin ko ang paglayo ng ibang estudyante sa akin kaya napakunot-noo ako.

Ako lang ba ang nakakapansin o talagang layo sila sa akin?

Tanong ko sa sarili ko.

"Hindi ba't s'ya iyong girl na 'yon?"
"Oo nga s'ya nga 'yun"
"Ang landi naman niya"

Tumigil ako sa paglalakad at nilingon-lingon ang tingin sa mga estudyanteng na sa paligid ko na nagbubulungan.

Talagang harap-harapan kayo kung ichismis ako, ano?

"Tutal pinapahalata n'yo sa akin na may problema kayo sa akin, ba't hindi n'yo laksan?" Seryoso kung sabihin ko 'yan sa kanila pero umalis lang sila. May iba naman na dali-daling umiwas sa akin.

Nanliit tuloy ang mata ko at inis na lamang na naglakad papasok sa building namin.

Sa aking paglalakad, napakuyom na lang din ako ng aking kamao, at sa pagpasok ko ay bumungad kaagad sa akin ang nakapaskil na litrato namin ni Arvin. Hawak niya 'yung magkabilaan kong pisngi ro'n, ito 'yung araw na lumabas kami at pumunta sa bar para samahan ako na pakinggan 'yung bumabagabag sa akin.
Mayroon din kaming litrato ni Kyle ro'n, pero lumakas ang tibok ng puso ko dahil kitang-kita ro'n sa litrato 'yong paghawak-kamay namin.

Tsk. Kaya pala.

"Uy, siya 'yon."
"Akala ko ba lesbian siya?"
"Baka tinatago lang niya para makalapit lalo sa mga kaibigan niya?"
"Kaibigan nga ba tingin niya sa kanila."

Nagsalubong ang kilay ko kasabay ang panlalamig ng mga kamay ko. Napahawak na rin ako nang mahigpit sa strap ng backpack ko.

Nag vibrate ang phone ko, senyales na may nag text kaya kinuha ko iyon mula sa bulsa para basahin ang message.

From: 09**-***-****

Nagustuhan mo ba iyong surpresa ko sa'yo? I'm sure ilalabas mo na 'yang kalandian d'yan sa katawan mo. Huwag ka ng magkunwari pa.

Ito ba 'yung nag text sa akin nung nakaraan?

Kinuyom ko ang selpon ko at hindi na lamang pinansin 'yung mga bumungad sa aking litrato do'n sa may bulletin board. Pumunt ako sa shoe locker ko para palitan ang suot suot ko, pero nang buksan ko iyon ay puno na ng kalat ang laman. Nahulog din ang kung anu-anong basura na siyang gumawa ng malakas na ingay.

Naririnig ko ang bungisngis ng mga estudyante habang sa akin nakatuon ang atensyon nila kaya natulala ako. Walang nagawa kundi ang mapatungo.

Bea's P.O.V

Tumawa ako habang sinusundan siya nang tingin. "Serve her right"

"Ang evil mo talaga freny" at tsaka s'ya nakipag apir sa akin. Ngumiti naman ako na parang na sa akin na ang tagumpay. Nawala lang iyong nakaguhit sa labi ko nang dumating iyong taong kinaiinisan ko.

Seryoso siyang nakatingin sa akin habang naglalakad papunta sa akin. Nang makahinto siya sa harapan ko ay humarap na rin ako sa kanya't humalukipkip. "Oh? Ano kailangan mo?" Tanong ko kay kuya.

Kumunot-noo siya. "Ikaw ba may gawa no'n, Bea?" Tukoy ko sa mga ipinaskil kong litrato.
Tama, ako ang may gawa niyon. Sinundan ko si Eclair para lang makumpirma kong tama akong makati talaga siyang babae.

Inayos ko ang pagkakasabit ng strap nung shoulder bag ko. "So? Ano magagawa mo kung ako nga?" Taas-kilay kong tanong kaya mas nagsalubong ang kilay niya.

"Alam mo ba kung ano 'yung nagawa mo?" Parang paninisi niya sa akin dahilan para mapaismid ako.

"Kuya? Bulag ka ba? Bakit ba gustong-gusto mo 'yong babaeng 'yon?" Mukha siyang nagulat nang malaman niyang alam ko kung sino 'yung babaeng nagugusuhan niya. "Na sa harapan mo na nga," Turo ko sa mga ipinaskil kong litrato sa may entrance ng building. "Bakit mo pa siya ipinagtatanggol? Tanga ka ba?"

"Hindi 'yun ang punto, mali ang ginawa mo."

Napaismid ako sa nasabi niya. "Wow. At kailan ka pa umarteng nakatatanda sa akin?" Tanong ko na naging dahilan para manliit ang tingin niya. "Ni hindi mo magawa 'yan sa 'kin pero kay Eclair, grabe kung ipagtanggol mo siya."

"Is there any reason for me para ipagtanggol ka sa mga problema mo?" Umakyat ang dugo ko sa inis. "Eh, lahat ng mga nangyayari sa'yo, ikaw rin ang may gawa." Marahan kung sabihin niya, pero mas kinainisan ko 'yung paraan ng pagtingin ng mga mata niya sa akin. Parang wala lang ako, parang 'di niya ako nakababatang kapatid. "Kaya hindi ko maintindihan kung saang parte kita dapat ipagtanggol."

Napakagat-labi na ako bago ako mabilis na tumalikod sa kanya. "Tara na! Hannah!"

"A-Ah! Wait." Mabilis na sumunod sa akin si Hannah hanggang sa makasabay siya sa akin. "Grabe, parang hindi kapatid, ah? Da't nga sa'yo kumampi kuya mo."

Inis lamang akong nagma-martsa. "Ano plano mo? Kung ako 'yan, hindi ako papayag na agawan pa 'ko." Tanong pa ni Hannah sa akin na may pagkibit-balikat, hindi ko siya inimikan at galit lamang na napatingin sa harapan.

Mang-aagaw ka! Mang-aagaw!

"Hindi ako papayag na may dumagdag pa, gagawin ko ang lahat para iparamdam sa kanya kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Kung pwede nga lang mas doblehin ko 'yung galit ng tao sa kanya, gagawin ko." Nanggagalaiti kong sabi.

Dahan-dahang pumalakpak si Hannah at natawa. "Girl, wala akong masabi. Ang evil mo lang talaga."

Nginisihan ko lang siya bago ko itinuon ang atensiyon sa harapan.

Blue's P.O.V

Nakasunod lang ang tingin ko kay Bea nang mapatingin ako kay Ate Britney na kararating lang. Siya kasi sana ang lalapit kay Bea kanina. "Ano'ng sabi?" Tanong niya na inilingan ko.

"Not good, she won't listen to me. And it seems na na-misunderstood niya 'yung paraan ng pagsuway ko sa kanya."

Si Ate Britney talaga ang tumawag sa akin na pumunta rito. Nagkataon daw na nakita niya dahil may ipinasa raw siyang mga papel sa guro na nandito sa building na ito.

Narinig ko ang pasimpleng pagbuntong-hininga ni Ate Britney. "Susubukan ko siyang pagsabihan mamaya."

Mukha naman akong nag-alanganin. "Do you think it's a good idea?" Hindi ko siguradong tanong kaya napatingin siya sa akin.

"What do you mean?" Taka niya naman kaya binalik ko ang tingin sa kanya.

"Hindi ba siya magagalit kapagka sinabihan mo siya? Baka isipin niyang nagkakampihan tayo." Sagot ko naman na nginitian niya.

Bigla niyang hinawakan ang buhok ko kahit alam naman niyang ayaw na ayaw kong pinapahawak iyon. Mabilis akong lumayo sa kanya. "Ate naman!"

Humagikhik siya. "Sorry, hindi ko lang mapigilan." Itinapat niya ang likurang palad sa bibig niya. "Huwag ka mag-alala, malalaman din ni Bea 'yung mga ginagawa niya." At binigyan niya ako ng matamis na ngiti.  

***** 

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora