Javier

95.5K 850 164
                                    

Vacant after ng klase namin sa Math. Nagyaya si Ryan tsaka si Javier kumain sa labas. Kanina pa daw kasi sila naglalaway sa mangga.

"Tara ban kain tayo mangga!" yaya ni Jaja.

"Ge, sunod ako." tugon ko naman.

Jaja na ang nakasanayan kong itawag kay Javier simula nuong 1st year highschool palang kame. Siya yung unang kumausap sakin simula palang ng klase. Hindi kami magkatabi lagi sa upuan kasi Letter G yung simula ng apelyido niya, malayo sa letter A na simula ng apelyido ko.

Ilang beses nadin siyang muntik huminto sa pag-aaral kasi wala daw laging pamasahe o kadalasan bagsak lagi sa exam. Minsan dinadaan nalang niya sa pa-pogi sa mga bading na mga teachers namin. Hindi ko man sigurado, pero may usap-usapan nuon na minsan na daw siyang hindi umuwi sa bahay nila at nalamang duon nagpalipas ng gabi sa bahay ni Ser. Roquel, teacher namin nuon sa English na lagi narereklamo kasi nanghihipo daw ng mga studyante.

Malapit sakin si Jaja. Tuwing tapos ng klase, ako lagi hinahanap at gusto laging sumabay kumaen tuwing vacant. Simula nuon, hindi na kami mapaghiwalay . Saka nalang sumama sa tropahan namin si Ryan nung 2nd year na kame. Nung una alangan ako kasi puro dota lang naman alam gawin nun pero di naglaon kakasama niya samen medyo nagsawa narin sa kaka-kompyuter.

"Ay patay! Di ako makakasama. Pag lumabas ako di na ko makakapasok kasi hiniram pala ni Jessa yung ID ko."

"Bakit mo binigay?" tanong sakin ni Ryan.

"Ipapahiram daw niya sa kuya niya kasi naiwan yung ID sa bahay. Try lang daw baka makapasok."

"E pano kapag yung ID mo naman kinuha ng guard?" sabi ni Jaja.

"Bahala na. Pano ba ko makakatanggi kay Jessa e alam niyo namang dinidiskartehan ko yun. Sige na kayo nalang. Tsaka di ko din naman trip mangga ngayon."

1:20pm na nung bumalik sila Jaja. Swerte nila wala yung teacher namin sa English.

"Ban ID mo nakita ko sa table ng guard tinakas ko, sabi ko sayo makukuha yan e."

"Salamat Ja! Tsk! si jessa talaga sabi hindi makukuha. Thank you thank you!"

"O palamig ubusin mo na sagwa ng lasa e." Alok sakin ni Javier.

"Masagwa pala lasa sakin mo papaubos."

"Ayaw mo tapon ko na."

"Wag! Sayang. Akin na. Wala ka na ngang pera ang lakas mo pa mag-aksaya."

Nuong una nababadtrip si Jaja kapag nasasabi namin minsan na wala siyang pera. Pero nasanay nadin kinatagalan, alam naman niyang walang ibig sabihin yon.

"Pre anong bang nagustuhan mo kay Jessa?" biglang tanong ni Jaja.

"Syempre unang-una masarap. Hahaha!"

"Loko seryoso ko."

"Bakit ka biglang nagtatanong ng mga ganyan? Nagseselos ka ba? Haha! Wag kayong mag-alala mga pre, kahit maging kami man ni Jessa, hinding-hindi ko kayo iiwan."

"Nag-seselos yan ban kanina pa yan tanong ng tanong saken sa labas. Haha!" Agad na sabat ni Ryan.

"Alam niyo mga pre kapag na-inlove ka hindi mo yan kayang ipaliwanag..."

Hindi pa ko natatapos magsalita nag-aya agad umalis si Jaja.

"Tara Ray sinasapian nanaman siya." Aya ni Javier.

"Hahaha! Loko kayo a!"

Hindi nagkakalayo ang edad naming tatlo nila Ryan. Lumamang lang ng ilang paligo samin si Javier kaya naman laging sumusunod sa kanya yung mga mata ng mga studyante tuwing maglalakad kami sa school. Mapa-babae man, mapa-lalaki, mapa-bading, tomboy, si manong guard, pati mga teachers namin lagi nalang siyang napapansin. Badtrip kami ni Ryan.

HAYSKUL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon