Punch

22.8K 708 18
                                    

CHAPTER 5



ACE'S POV

"Tinatamad na akong pumasok." nakangusong sabi ni macey

"Hindi talaga dadaan ang isang araw na hindi mo ginagawa yan." iiling iling na sabi ni blare

"Bakit ba ayaw na ayaw mo kapag nag pa-pout ako? Ang cute ko kaya." nag puppy eyes pa sya kay blare kaya masuka suka yung isa

"Tangina, alisin nyo nga sa harapan ko yang si macey." natawa si nicole sa kanilang dalawa

"Ako din tinatamad na pumasok." sabi ni shin kaya nahinto yung dalawa sa pag aaway

"So saan tayo pupunta?" tanong ni nicole

"Tambayan." maikling sabi ko tsaka tumayo. Nasa cafeteria kasi kaming lima dahil lunch break na

"Ayun." sabay sabay na sabi nila bago sumunod sakin

"Ay wait lang guys." napahinto kami sa paglalakad ng mag salita si macey

"Bakit?" tanong ni blare sa kanya

"Mauna na kayo, mag ba-banyo muna ako."

"Okay, sumunod ka agad ah?" tumango lang sya sa sinabi ni shin habang kumakaway kaya nag lakad na kami paalis pero hindi pa man kami nakakalimang minuto sa paglalakad ay huminto ulit kami dahil kay nicole

"Nakalimutan ko bumili ng pagkain." nagpapadyak pa ito sa sahig na parang bata

"Sige na, bumili ka na muna." sabi sa kanya ni shin

"Susunod nalang din ako." kumaway pa sya bago tumakbo paalis

"Basta talaga pag kain ang bilis nya." sabi ni blare habang naiiling. Nagpatuloy ulit kami sa paglalakad pero katulad kanina napatigil rin kami dahil kay blare

"Paki dala yan sa library ha." sabi ng isang teacher at mabilis na umalis sa harapan namin

"Tangina naman! Ako pa ang nautusan." inis na sabi ni blare bago bumaling samin

"Mauna na ako, susunod nalang din ako." pagkasabi nun ay naglakad na sya paalis

"Ingat ka!" sigaw ni shin sa kanya. Kumaway lang naman sya samin habang nakatalikod

"Ikaw may pupuntahan ka?" tanong ko kaya shin

"Wal--" hindi pa nya natatapos ang sasabihin nya ng may tumawag sa kanyang isang teacher

"Mauuna na ako." sabi ko bago sya iwan dun. Mahirap na baka ako na ang sunod na mautusan

Habang naglalakad ako may  nakasalubong akong impakto. Itago nalang natin sa pangalang ice. Bakit ba sya lagi ang nakakasalubong ko? Wala ng bang iba?

"Ikaw na naman." sabay na sabi namin at sabay rin naming sinamaan ng tingin ang isa't isa

"Bakit ba ikaw lagi ang nakakasalubong ko." sabay ulit naming sabi. Damn, gaya gaya ba sya?

"Tsk, tumabi ka na nga lang." mayabang na sabi nya

"Bakit ako tatabi? Ikaw ang tumabi." nag cross arms pa ako sa harapan nya

"Ano bang problema mong babae ka? Talaga bang gusto mong maging impyerno ang buhay mo dito?" inis na tanong nya

"Sa impyerno ako nakatira kaya bakit ako matatakot sa sinasabi mo." i smirk. Nakita kong nagulat sya sa sinabi ko pero mabilis rin syang bumawi

"Wala akong oras sayo. Mabuti pa tumabi ka na." hahawiin nya sana ako  pero nahawakan ko ang braso nya

"Hindi mo ba pinakinggan ang sinabi ko kanina? O talagang gusto mo ng pasa sa muka." matapang na sabi ko sa kanya

"Nagpapatawa ka ba? Hahahaha sinong susuntok sakin? Ikaw?" sabi nya habang natatawa. Anong tingin nya sakin, joke? Muka bang biro ang sinabi ko?

"Oo." sabi ko sabay malakas na binitawan ang braso nya. Bumuntong hininga sya tsaka sinuklay ang buhok  nya

"Hindi ako pumapatol sa babae kaya mabuti pa tumabi ka na." hahawiin nya pa sana ulit ako pero nahawakan ko ulit ang braso nya

"Binalaan na kita." sabi ko tsaka sinuntok ang muka nya. Hindi nya inaasahan ang gagawin ko kaya napa-upo sya

"Fvck!" sigaw nya tsaka mabilis na tumayo

"Damn, ano bang problema mo?!" galit na sigaw nya sakin habang hawak ang ilong nya. Nag dugo kasi ang ilong nya at ang labi naman nya ay putok. Bagay lang sa kanya yun

"Madala ka na sana." nakangising sabi ko tsaka sya nilampasan. Sinanggi ko pa sya habang nag lalakad ako paalis

Hindi ko nalang din pinansin ang mangilan ngilang taong nakatingin sa akin habang bumubulong. Bumula sana ang bibig nila para hindi na sila makabulong, tsk.



*********************
SHIN'S POV

Hindi ko alam kung nahawa ba ako sa kamalasang dala ni blare o ano eh. Nautusan lang naman akong mag dala ng gamit sa faculty, ang saya diba?

Papasok na sana ako sa pinto ng faculty room kaso kusa itong nag bukas kaya natabig ako at napa upo. Kumalat rin ang mga dala kong gamit. Swerte ko talaga

Pinulot ko ang mga nagkalat na gamit pero hindi man lang ako tulungan ng nag bukas ng pinto. Nakatayo lang sya sa isang tabi, paano ko nalaman? Kita ko lang naman ang sapatos nya habang nagpupulot ako. Pagkatapos kong makuha ang mga gamit ay hinarap ko ang taong nag bukas ng pinto

"Ikaw!" sabay na sabi namin. Sya yung kaibigan nung lalaking bumangga kay ace kanina ah

"Kaya naman pala hindi man lang ako tinulungan mag pulot, nag mana pala sa kaibigan." sarcastic na sabi ko

"Sa susunod kasi wag kang gumaya sa kaibigan mong lampa." nag init ang ulo ko dahil sa sinabi nya. Gago pala to eh! Sinong lampa?!

"Sa susunod kasi wag feeling hari, pakain ko sa inyo ang daan eh."

"Wala akong panahon dito miss. Sa susunod kasi wag kang lalampa lampa, payo ko yan." mayabang na sabi nya at lalampasan nya na sana ako pero nahawakan ko ang braso nya

"Ano?" tamad na tanong nya sakin. Ibinaba ko muna ang dala dala kong gamit sa sahig bago sya harapin

"Sa susunod na tawagin mo akong lampa, papuputukin ko yang labi mo." banta ko sa kanya pero ngumisi lang sya sakin. Akala nya ba biro yun?

"Alam mo miss wag kang nag papatawa." umakyat na siguro sa ulo ko lahat ng dugo ko sa sobrang inis sa lalaking nasa harapan ko. Hinawakan ko ang kwelyo ng suot nyang damit at inilapit sa muka ko

"Bakit? Gusto mo kiss?" nakangising tanong nya

"Yung kamao ko gusto kang ikiss." sabi ko tsaka sya sinuntok sa muka, binitawan ko narin ang kwelyo nya kaya nawalan sya ng balanse at napa upo. Napasinghap naman lahat ng nanonood samin dahil sa ginawa ko. Mabuti nga sa kanya yan

"Ang sarap daw ng nguso mo sabi ng kamao ko." nakangiting sabi ko sa kanya

"Damn!" mabilis syang tumayo at hinawakan ang putok nyang nguso

"Ikaw na mag dala nun sa loob ah? Bye." kumaway pa ako sa kanya at ngumisi bago sya lampasan. Binangga ko pa sya habang papaalis ako

Kanya kanyang bulong naman ang mga taong nakakita ng buong pangyayari. Hindi na ako magtataka kung mabilis kakalat ang balitang sinuntok ko ang isa sa 'king' nila. Nabalitaan ko kasi na hari pala ang turing sa limang lalaking nakabanggan ni ace kanina. Well, kung hari sila ng Kim International University...... kami naman ang REYNA





☆☆☆
Ps: edited na ang chapter na ito^-^

THE 5   Gangster Queen (Under revision)Where stories live. Discover now