I heard him sighed. "Saan mo gustong kumain?"

Sasagot sana ako nang bigla akong bumangga sa isang tao. Kung hindi lang ako nakahawak rito para sa balanse ay matutumba ako. Naramdaman ko ang mainit niyang bisig na pumalibot sa aking bewang at likod para sa suporta. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang maamoy ang pabangong iyon.

Iisang tao lang ang may ganoong amoy.

Unti-unti akong nag-angat ng tingin mula sa kaniyang dibdib hanggang sa kaniyang mukha. Muntik na akong maiyak nang makita siya. Mabuti na lamang at napigilan ko at nakashades ako para hindi niya mahalatang may namumuong luha sa mga mata ko ngayon.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Lumukob ang kakaibang damdamin sa dibdib ko. I want to hug him and kiss him. I missed him.

Nakatitig lang din siya sa akin nang mataman. Seryoso siyang nakatitig kaya hindi ko alam kung masaya ba siyang makita ako o kagaya nang dati ay wala siyang pakialam. Ah, oo nga pala. Wala na siyang pakialam sa akin dahil bumalik na ang babaeng mahal niya.

"Oh my gosh, Schulaika! Are you okay?"

Napalingon ako sa nagsalitang iyon. Parang sinaksak ang puso ko nang malingunan si Nashien na nasa tabi ni Ian. Magkasama pala sila. I should have known. Iiwan ba naman ni Ian ang babaeng mahal niya? Hindi, di ba?

Inalalayan ako ni Ian patayo. Hindi ako makatingin ng dirertso sa kaniya kahit na ba may shades akong suot. Ngunit kahit ganoon ay ramdam ko pa rin ang panunuot ng titig niya sa akin.

Nabigla ako ng pinihit ako ni Martin paharap sa kaniya. Nag-aalala ang mukhang tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa tapos inikot pa ako ng ilang beses.

"Okay ka lang? Hindi ka nasaktan?" nag-aalalang tanong niya.

I smiled sadly at him. Double meaning ba yun? Dahil hindi ako okay at oo, nasasaktan ako. Sobrang sakit ang nararamdaman ko. Umiling na lamang ako at saka humarap sa dalawa.

I bit my lip when I saw the two so close to each other. I felt Martin grip my hand and I gripped it back tightly para doon kumuha ng lakas. I am grateful Martin is with me at this time dahil makakakuha ako ng lakas at alam kong may karamay ako.

Bumaba ang tingin ni Ian sa magkahawak naming mga kamay. Napahigpit lalo ang kapit ko sa kamay ni Martin. I saw how Ian's eyes darkened at the sight of our hands holding and I saw his jaw twitch as if he was not liking what he was seeing.

Pero bakit ganyan siya makaasta? Bakit ganiyan ang reaksyon niya? Di ba dapat si Nashien lang ang pinagtutuunan niya ng pansin tutal siya lang naman ang mahalaga sa kaniya, di ba? Nakalimutan niya ngang kasama niya pala ako kahapon.

Bitter? Hell, yeah! Now I understand why there are people who are bitter about love. Dahil masakit pala talagang magmahal ng taong iba naman ang gustong kapitan at makasama. Masakit makakita ng mga lovers sa tabi-tabi dahil naaalala mo ang sinapit ng sarili mong istorya.

"Hi, Schu!" masiglang bati ni Nashien.

Tipid na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya. I waved a little using my free hand. "Hello."

Mabait si Nashien. Kahit kakikilala ko pa lang sa kaniya, nararamdaman kong mabait siya. Mukhang singit nga lang talaga pero mabait talaga. Kahit na gustong-gusto ko siyang lutuin sa pagbabalik niya ay hindi ko magawa dahil nga mabait siya. Dahil nga siya ang mahal ng mahal ko. Dahil alam kong malulungkot na naman si Ian kapag nawala siyang muli.

"Siya ba si Chef Martin?" tanong muli ni Nashien na nakangiting nakatingin kay Martin.

Nagkatinginan kami ni Martin. Parang nagtatanong kung paano niya nakilala ang lalaki. Sabay pa kaming nagkibit-balikat.

TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Onde histórias criam vida. Descubra agora