Type mo? Ajejeje!

564 23 31
                                    

I'm so glad na pinahihintulutan ng wattpad ang mga gantong gawain, ang kalayaang magpost ng mga hinanaing, opinyon, nilalaman ng butsi, kalamnan at lahat ng pwedeng labasan o pasukan. ganon. sa iba kasing site, hindi pwede. ang strict. as in! sobrang higpit nila. e buti nga itong wattpad oh! kahit naglipana na ang mga jeje sa mundo e hindi pa rin narereport o nababan ang mga gawain ng mga taong itechiwa. HAHAHA! wala naman akong problema sa mga jeje minsan lang, mahirap intindihin. lalo na't shinoshort cut nila ang bawat salita. minsan tuloy napapakunot noo ang mga mambabasa kung ano ba ang gusto nating ipahiwatig. minsan naman ang simpleng 'ako' ay nagiging 'aq' or 'aqu' or 'aquoh' , jusmiyo marimar! simpleng A-K-O na nga lang e hindi pa matype ng maayos? Okay lang naman sa akin minsan yung mga ganto:

gan tokasi. <---- yan yung parnag nagkaspace lang, madali pang intindihin eh, kaysa yung mga, "aqu", tas yung simpleng KASI/Kase, nagiging 'KC' the hell? sino si KC? sinong KC yan? Concepcion ba? O Montero o lahat na ng KC na pwede nyong maisip pwede na. Or yung simpleng "Kasi/Kase" magiging 'kce' ahuhuhu. wala po tayo sa cellphone world. wala po tayo sa informal texting at hindi po pribado ang pinagta-type-an nyo! Jusmiyo marinara!

Or yung mga tipong,

"hndi ko kc nakta yung relo ni BAeKhyun"<--- yung capitalization at yung shortcut ng words. simpleng isang letra naoommit pa natin. bakit? Ano na ang nangyari sa atin ha?

or yung

"Na22log pa kc aq" <------------------- Ayan! Sige gamit pa ng letra! Natatae na talaga ako! Bakit kailangang ganyan? Maawa po tayo, hindi po tayo computer para magbasa ng magkakahalong letters at numbers at hindi po link ang tinatype natin ah! isang babasahing kaaya-aya sa mata at kaaya-aya ang istorya. YUN! YUN ANG MALI! YUNG PURO SHORT CUT NA NGA, WALA PANG SENSE YUNG STORY. yun ang pinaka-ayaw ko. Aaminin ko minsan cguro sa mga readers ko sinabi na nila na walang sense ang story ko pero nahihiya lang silang magcomment pero never kong ginawa yang ganyan. Yang 'Na22log pa kc yung Mga bAta.' <--- Masakit lang sa bangs!

siguro nga ay gumagamit tayo ng mga shortcuts ngayon sa mga pagtetext natin or pakikipang chat para masmapadali pero ito lang ang masasabi ko, hindi lugar ang wattpad para maging tambayan ng mga tamad magtype na katulad ng iba dyan. Sinasabi ko lang na sana may time kayo rin na mag-edit. katulad ko, kahit busy ako, ineedit ko yung mga nakakatawa kong gawa. Tae lang. Na yung hindi na gagamit ng shortcuts kasi masakit minsan sa mata. Bakit, may nakita na ba kayong napublish na libro na puro kc, n22log, hndi qo mkita uNg Nili2nis mo..  ayan, may ganyan na bang nobelang napublish? isipin natin na itong wattpad ay katulad rin ng ating mga librong binibili sa mga bookstores. isipin natin na hindi lugar ang wattpad para sa mga KATAM magtype. oo na, small letters ang panimula ko sa sentences na ito pero at least di ba, naiintindihan nyo?

yun lang po. bows. 90 degrees.

Pansin Ko LangWhere stories live. Discover now