bentahe

63 3 2
                                    

There are only 2 kinds of stories, a good written story and a badly written story. - (nalimutan ko kung kaninong quote)

Well. May point. May point and gusto ko lang syang ishare dito. Matagal-tagal na rin akong hindi nakapag-aupdate dito.

And i'll be pointing out the what u call, "bentahe" or "market"

Which i find interesting. Market when it comes to publishing your stories. Lalo na kapag ikaw si writer at sila si publisher.

Proven fact:

More reads. More votes, greater chance of your stories to be published. U know why? Since marami nang readers, marami nang nagbabasa at malamang malaki ang market nyan, (may bibili na for sure ng mga books) kaya pasado ka.

Second na lang nila titignan ung content ng story mo. Di nila priority kahit gano pa kaganda kung wala namang market. Hu u ka raw sa sistemang pampublish.

My story was once mentioned... once featured but it's not the target market daw that's why di sya pwedeng mapublish. Hehe. Walang Market eh. Walang Benta. Magself publish ka, sobrang mahal naman. Di mo pa sigurado di ba? Lalo na sa mga estudyanteng writer..

Nagulat lang talaga ako sa mga nangyayari, di ko alam na YUNG story na un ay mapupublish na... YUNG... story na hindi ko gawa. Congratulations sa writer non. Grabe ikaw na!

Kahit di naman kagandahan ne? Hahaha! Wala lang. Kung may itatanong kayong personal sa akin about dito, at kung pano ko nalaman at narinig mismo ng mga tenga at mata ko. Hulaan nyo na lang. Ayoko magshare tahimik lang for confidentiality.

Third nilang titignan is the theme. Kung angkop ba sa panlasa nila. Kapag hindi, bale wala ka. Chupi! Maghanap ka ng iba.

-------'-----

I want my stories to be published. Sino ba namang writer ang ayaw mapublish ang story nya? In paperback or kahit hardbound pa! Tatanggi ka pa ba? Pero at some point, di ko na rin maintindihan, nawalan ako ng gana. Na maski ang sarili kong mga kwento e ayoko nang mapublish sa libro o anuman. Hayaan ko na lang sya dito sa wattpad ng libre at kung sino lang trip magbasa edi magbasa. Ayokong makilala ako ng mga tao bilang writer ng wattpad. Nakakahiya. ayaw kong magpakilala sa mga tao kung sino ako at ano ang mga isinusulat ko. Magtatago na lang ako dito forever.

Alam nyo kung bakit?

Sa mga istoryang napapublish ngayon, hindi ko na alam kung karapat-dapat talagang mapublish 'yun at kung isa ba talagang matatawag na work of art or isa talagang magandang librong babalik-balikan mo anumang oras mo man iyon gusto. haha 'wag kayong mainis sa akin dahil alam ko sa sarili kong di naman perfect ang mga kwento ko. Marami ring FLAWS. Haha!

Nakakawalang gana in a sense na parang lumalabas sa bibig ng ibang guro na puro mura na lang raw, kalandian, kahalayan  at di dapat binabasa ng kabataan ang mga pinapublish na libro sa wattpad. May mga eskwelahan na rin na nagbabawal sa mga estudyanteng magbasa ng anumang libro basta galing sa wattpad. Kinukumpiska pa nga e.

At masaklap 'yun para sa mga writers sa wattpad na karapat-dapat maipublish ang mga gawa. Nadudumihan na ang imahe hindi pa nga nakakapagsimula.. Masyadong nag-gegeneralize ang mga tao na kapag galing wattpad, puro mura o 'wag nang basahin kasi ang cheap.

Excuse me, Pilipino ka at hindi ka foreigner. 'Wag kang magmagaling sa ingles. Di porke't ingles ang binabasa mo, e mag-iinarte ka na! Nag-aaral ka rin naman ng Filipino language kaya 'wag kang magpakasosyal, para mo na ring ikinahiya ang sarili mo dahil Pilipino ka rin! Hindi cheap ang wattpad. Hindi cheap lahat ng storyang nandito. Sadyang may tamang panahon at hindi lang nabibigyang pansin ang mga kwentong dapat bigyan ng pansin!

Bentahe?
Bahala na si batman. Swerte mo na lang kung mapublish ang kahit isa lang sa magawa mo.

Nakapanghihinayang lang talaga na ganto ang sistema, ang kalakaran, lahat. Kayo na rin ang bahalang humusga.

PS: matamaan ang matamaan. Wala akong sinasabing perpekto akong tao para makapagsalita ako ng ganto. Sinasabi ko lang ang nalalaman at ang opinyon ko. Magalit na kayo kung magalit. Salamat dahil binasa mo pa rin 'to.

Pansin Ko LangWhere stories live. Discover now