Kabanata 41

167K 2.3K 158

Dedicated kay @triciamay13 thank you! :)

FEATURED COMMENTS FROM THE PREVIOUS CHAPTER:

missyantonette- Honestly, at first hindi ko type ang concept na mas bata ang lalaki kaysa babae na magkarelasyon..and si drake corteza lang ang nkapagpabago ng pnanaw na to..gnyan ba naman ka mature mag.isip, ka .sweet, ka thoughtful, ka gwapo at ka.hot bat pa ko tatangi? Ako na siguro ang pinakaswerteng babae..haaaay.. JanaPatrisha- Wala na! Sobrang ganda na talaga! Hindi ko na napigilan ang hindi mag-comment! WAAAAA~ Sobrang kinikilig ako! Sana talaga may ganyang lalaki pa. Willing ako maghintay! im_JRae- POTEK naman! sana ako nalang yung kabayo pero dapat si Drake lang ang nakasakay! HAHAHAHA! aacara-  Yung iba at your age, gusto pang maglaro and ienjoy ang pagiging binata nila pero ikaw you're one of a kind. Hindi ka takot sa commitment and responsibility. edpalec-  ilang chapters na lang sobrang inspired at saya ko everytime na babasahin ko to kasi kahit d pa ako nagkakabf si drake yung papangarapin mong maging bf dahil kahit hindi siya perpekto nagawa niyang mhalin ng buong buo ang mahal niyang babae kahit pa puno ito ng takot at nagawa niya rin itong buuin mula sa pagkakawasak.. NumberThreena- "Waaaah. Atlast, Naabutan ko din. Three days akong napuyat dto ah!! Gabi lang kasi ako nagbabasa eh. WELL NAPAKA GANDA LANG NAMAN PO NITO. AS IN. Waaah. sweet_rhyme -  ubod ng pinagpala itong si kei marie...at ikaw naman drake.saksakan ng tamis....sa panutsa ka ba pinaglihi....quebadbaridan...napagkakamalan akong timang sa di mapuknat puknat na ngisi ko e.. eniallej-errrr....saan ba pinaglihi yang si Drake at napaka...na napaka?As in kung magpakilig akala mo.sobrang expert lang.

WARNING: Rated Spg, pasensya na po nagkasunod sunod. *O*

Kabanata 41


"Nasaan ka ba? Gagabihin na tayo." Suway ko sakanya, naayos na kasi namin yung mga gamit namin pauwi sa Manila, tapos na kasi ang bakasyon naming dalawa. Medyo nakakapanghinayang lang dahil hindi namin nabasa yung ibang shells, pero sabi naman niya babalik daw kami.

"Nandiyan na sweetheart!" Sigaw niya mula sa baba, maya maya lang narinig ko na ang pagyabag ng paa niya.

"Akala ko ba susulatan natin 'to bago tayo umuwi?" Tanong niya saakin habang hawak hawak niya yung sea shell na malaki, lumapit siya saakin at hinila niya ako paupo sa kama, sa hita niya ako nakaupo habang nakaikot ang dalawang braso niya papunta sa harapan ko. "Sulatan na natin." Masayang bulong niya tsaka binuksan niya yung pentel pen at nagsulat.


--I want to spend my life with you forever KM.--

Napangiti ako sa sinulat niya, "Sigurado ka ba diyan? Baka makakita ka ng iba." Pang aasar ko sakanya, tumawa naman siya at hinalikan ang pisngi ko. "Parang hindi mo ako kilala ah, kapag nagmahal ako sinasagad ko hanggang buto." Pagyayabang niya, hinampas ko naman ang braso niya. Kinuha ko ang pentel pen at nagsulat din ako.

--I could not ask for more.--


Yun lang ang sinulat ko saka ko iyon nilagyan ng initials ng pangalan namin ni Drake. "Kanta yan diba sweetheart?" Natatawang tanong niya, tumango ako sakanya. "Wala na akong mahihiling pa Drake, sapat na saakin yung kasama kita." Sabi ko, tumayo ako atsaka kinuha ko yung tali sa bed side table niya, may butas na kasi sa gitna yung shell kaya naman naisipan kong talian nalang ito sa headboard ng kama niya.

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!