Chapter 18 Hot 'n Cold

Start from the beginning
                                    

"Is that..." Sabay turo sa babaeng bumaba ng kotse. "Arabella?"

"Abby---"

Wala na eh sumugod na kay Ara. Ang bilis niya.

"You goddamn bitch!" Sabay duro ni Abby kay Ara habang mabilis ang hakbang na palapit siya sa huli. Di alintana kung naka-heels man siya ng pagkataas taas.

"What?" Naguguluhang tanong naman nung isa.

"Ang kapal din naman ng mukha mong magpakita pa dito after what you did to Alexandra?!"

Damn it! Agad ako lumapit sa kanilang dalawa. "Wait, Abby ---"

"What are you talking about?" Para namang nainis na si Ara dito. "And who are you anyway?"

"Oh you know well what I'm talking about, you whore!" Galit na sabi ni Abby.

Nanlisik naman ang mga mata ni Ara dito. "What did you say?"

"Ah gusto mo ulitin ko ha!" Sarkastikong sabi ni Abby. "You heartless bitch ----"

"You have no right to talk to me that way!" Mainit na talaga ang ulo ni Ara.

"I have all the right to talk anything shit and throw it to your ugly face!" Dinuro pa ni Abby si Ara.

Sasagot pa sana si Ara pero pumagitna na ako sa kanila bago pa sila magkasakitan ng tuluyan.

"Alright, stop!" I chided them.

"Ano bang ginagawa ng babaeng yan dito?" Galit na sabi ni Abby at tiningnan ng matalim si Ara.

"It's none of your goddamn business, you bitch!" Si Ara naman ang sumagot. "And hey, I'm prettier than you. So if you think I'm ugly, then what are you?" May pang-iinsultong wika ni Ara.

"You ---"

"Stop!" Sigaw ko. "Tama na pwede ba?"

"Ikaw." Baling ko kay Arabella. "Pumunta ka na sa loob at dalhin mo na sa guest room yang mga gamit mo para makapagsimula ka na."

Hindi siya tumalima. She even crosses her arms and she glared at Abby.

"At ikaw naman." Baling ko kay Abby. "Umuwi ka na at baka gabihin ka pa sa daan."

"Hindi ako uuwi." Matigas niyang sabi. "I'm stayin' for the night." Saka tumalikod at isinara yung kotse niya.

Nataranta naman ako sa kanya. "Ha? Eh paano yung chopper mamyang gabi?" Pahabol ko sa kanya na papasok na ulit sa bahay.

Tumigil siya saglit at nilingon ako over her shoulder. "I will just call Ana to take charge." Who's Ana? "Sasabihin ko na lang na busy ako sa pagbabantay." Magpapatuloy na sana siya sa paglalakad ng biglang may maalala. "At sa kuwarto mo ako matutulog." Yun lang at pumasok na sa loob.

Naiwan akong napanganga sa sinabi niya. Ano daw? Babantayan ako at sa kuwarto ko pa matutulog? Nahihibang na ba siya? Alam naman niyang ayoko ng may katabi sa pagtulog eh.

Except Arabella? Tuya ng isipan ko.

Speaking of Arabella, nasa likod ko pa pala siya. Agad ako lumingon sa kanya. Nun ko lang napansin na naka-maleta pala siya tapos naka backpack pa.

"Ang dami mo naman yata dalang gamit?" Kunot noo kong tanong sa kanya. Usapan lang naman kasi namin tuwing weekends lang siya dito.

"Para hindi na ako palagi magdadala pa ng gamit." Magkasalubong pa rin ang mga kilay na sagot niya sa akin.

Teka, galit ba 'to sa akin? Ano naman ginawa ko? At bakit siya ang may ganang magalit?

"Dalhin mo na yan sa loob." Iiwan ko na sana kaya lang di naman ako pinalaking bastos. Kinuha ko sa kanyang kamay yung maleta na dala niya.

Seducing AlexandraWhere stories live. Discover now