Chapter 6

533 32 6
                                    

Rain and Thunder

"CHEERS! Para sa mga hard-to-get!" Callie slurred habang inangat ang isang shot ng vodka. Her eyes were droopy now. What happened to the no booze pact?

Nakita rin namin siya nang makababa kami ni Verona sa may balcony area. Nakipagkita daw siya sa isang kakilala sa labas ng club.

My friends had been drinking since at ayaw nilang magpaawat. Callie was a lightweight, though. Imposibleng nakarami na siya dahil siguradong bagsak na agad ito sa ikatatlong baso pa lang. She urged me to have some, but I only turned her down. Besides, I needed to take her home in one piece.

Kasama din namin ang pinsan ni Verona na si Jarred. Pareho ng college sina Callie at Jarred kaya hindi naman ito nahirapang makihalobilo kahit puro babae kami. He was a pretty chill guy. Tahimik lang ito at parating babad ang atensyon sa kanyang cellphone.

Sumimsim muna si Verona sa inumin niya bago nagtanong. "Sino'ng hard-to-get?"

Nagkibit-balikat si Callie. She was smiling from ear to ear. Nakatingin lang ako sa kanya tila lutang sa mga iniisip mula pa kanina.

Mabuti na lang at hindi na ako sinundan ng lalaking iyon! Hindi ko na rin siya nakitang umaaligid. Umiwi na kaya siya? Baka naman inuwi na niya ang kanyang girlfriend-na-hindi.

"Basta! Isay, drink up!"

"Callie, tama na. You're super drunk," saad ko at inilayo ang basong hawak niya.

"Hindi, 'no!" sabi nito sabay hagikhik. She laid down flatly on the couch afterwards.

Nag-angat ng tingin si Jarred. He was giving her a funny look. "Talaga lang, ha?"

Pinisil-pisil niya pa ang pisngi ni Callie. Lukot ang mukha nito habang nakapikit at dumausdos sa pagkakahiga. Tumawa kami sa kinilos niya.

"Naku! Umuwi na nga tayo," sabi ni Verona.

We all had agreed to that. Tinulungan ako ni Jarred sa pag-angat kay Callie. Lumakad na kami palabas, papunta sa parking lot. Hinanap ko ang car key ni Callie sa kanyang purse bago isakay siya sa backseat ng sasakyan dahil bagsak na talaga ito.

"Are you sure you guys will be alright?" tanong sa akin ni Verona. "Paano ka uuwi sa inyo?"

"Pwede kami mag-convoy para mahatid ka namin," offer ni Jarred.

Umiling ako sa kanila habang sumukay sa driver's seat. "'Wag na, umuwi na rin kayo. Papasundo na lang ako sa bahay nila."

"Sure?" ani Verona.

"Positive," I smiled. Nakibagbeso sa akin si Verona bago ko sinara ang pintuan. "Ingat kayong dalawa."

"Ikaw din."

Pagkatapos magpaalam ay tinungo na nila ang kanilang sasakyan. Nagsimula na akong magmaneho. Pinatunog ko ang stereo sa mahinang volume para hindi magising si Callie.

Nang makarating kami sa kanila, sinalubong kami ng ilang kasambahay at ni Kuya Nick. Naka-pajama pants at white muscle tee ito. Medyo magulo ang kanyang buhok. Bumati ako sa kanya at natawa na lamang sa reaksyon niyang pagkamot ng ulo dahil sa nadatnan.

"Pasaway talaga..." rinig kong bulong niya.

"Sorry, Kuya," sabi ko.

Callie was still asleep. Sumimangot si Kuya Nick sa kapatid niya at binuhat na ito na parang sako palabas ng kotse.

"It's alright, Isay. Hatid na rin kita sa inyo."

"Tatawag na lang po ako ng sundo."

"'Wag na, ako na maghahatid sa'yo, okay? Tara, pumasok ka muna," sumunod naman ako sa kanya papasok sa mala-mansyon nilang tahanan. "Pasalamat si Callie, wala sila Mama dito," sabi ni Kuya Nick. Bumaling muli siya sa akin. "Hatid ko lang 'to sa kwarto niya. You want anything? Juice, coffee?"

Break MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon