Prologue

1.5K 55 16
                                    

End

HINDI ko alam kung dapat ko ba siyang itulak papalayo dahil sa oras na gawin ko iyon ay mawawala naman ako sa aking sarili. Ngunit kapag hinayaan ko lang siya na ganito ay lalo lamang siyang masasaktan, at hindi ko kaya na makita siyang mas masasaktan nang dahil sa akin.

Suminghap ako at matapang na hinarap siya. "L—let's just end this."

Bahagyang umawang ang bibig niya sa pagkabigla ngunit agad namang napalitan ito ng galit na nagmumula sa kanyang mga mata.

"No!" mariin niyang pagkakasabi. "No, Isabelle. Ano'ng sinasabi mo? Hindi... hindi pwede."

Humakbang ito papalapit at mabilis na hinigit ang aking bewang papalapit sa kanya. Tumama ang mukha ko sa kanyang dibdib habang marahan ngunit mahigpit akong niyakap. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Let go," nanghihina ang aking mga tuhod sa yakap niya. His hot breath fanning my neck right now. My heart was shattered into pieces, and I knew it was already beyond repair the moment I decided to leave.

"We won't end this. No!" mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Napapikit lamang ako. "May ginawa ba akong mali? Sabihin mo sa akin, Isabelle."

"Tama na."

"Sabihin mo sa'kin kung ano'ng dapat kong gawin. I'll do anything, 'wag mo lang akong iiwan. Huwag ganito." pagmamakaawa niya.

Umiling ako at pwersahang tinulak siya papalayo, ngunit hindi ako nakawala sa bisig niya nang tuluyan. "I'm sorry."

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. Natatakot ako na dahil sa mga titig niyang mapanuri ay baka tuluyang magbago ang isip ko. "Sabihin mo sa akin, siya ba ang dahilan? Siya pa rin ba?"

Bumuhos lalo ang luha ko. No, this wasn't about Diego. Matagal na siyang wala para sa akin. Pero kapag sinabi ko sa kanya ang dahilan, habang buhay niya akong kamumuhian. The thought of him despising me for a lifetime would probably be my greatest fear.

Hinaplos niya ang pisngi ko. "Answer me, Isabelle," halos hindi ko marinig ang boses niya. "Siya ba ang pinipili mo?"

"Oo, siya nga," I saw his jaw clenched tighter. Rinig ko ang mura niya sa hangin at pagsinghap sa mga narinig niya. I had to do this. For him. For us. "Siya pa rin. I'm sorry."

"Fuck! Bakit ganyan lang kadali sa'yo na wasakin ako?" wala akong maisagot. Hindi ko na kayang harapin siya.

I must get out of here.

Break MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon